So tuloy pala talaga sila. "Pinakamagandang zombie na makikita niya."

"Nasabi ko na rin pala sa Mama mo na aalis din ako at hindi ko alam kung kailan ako babalik."

"Sinabi mo na lang sana na hindi ka na babalik, iyon naman talaga ang mangyayari 'di ba?"

Hindi nito pinansin ang sinabi niya. "Mauuna na lang akong aalis sa iyo bukas. Lets just meet somewhere," inilahad nito ang kamay nito hawak-hawak ang cellphone nito.

Hindi agad siya nakasagot. Binibigyan siya nito ng cellphone? "Sa akin na 'yan?"

"Mangarap ka. Cellphone ko 'to. I-type mo ang number mo at nang matawagan kita."

Napasimangot siya at hinila na lang din ang phone nito sabay type sa number niya. Pahagis niya iyong ibinalik dito.

"Gumising ka ng maaga."

"Oo na. Alis na sabi!"

ANG nangyari, kahit ba busog na siya, hindi pa rin siya nakatulog. Hanggang sa nag-umaga na nga at oras na ng alis niya.

NANG makasakay siya sa sasakyan ni Chandler, sa frontseat siya nito pinaupo.

"Ano ba talagang dahilan at kailannating magpanggap? Siguro naman may karapatan din akong malaman," sabi niya dito.

"My mom is dying and she's asking for a grandchild."

"Ano? Grandchild?! E bakit ako ang dadalhin mo? Do I look like your daughter? Alam kong baby face ako pero para maging anak mo, naka-drugs ka ba?"

"Sinabi ko sa kanya na may girlfriend ako at buntis. Na hindi ko lang sinabi agad sa kanya dahil akala ko, hindi niya ikatutuwa."

"At ano, ako ang girlfriend mo na kunwaring buntis? Sa katawan kong 'to? Mukha ba 'kong buntis?"

"Payat ka nga pero may kalakihan naman ang tiyan mo kaya ayos na 'yan."

"Ang sama nito! O sige , sabihin na lang natin na buntis ako kunwari. Sige nga, itong tiyang ito, pang-ilang buwan lang ba? One month lang yata e. Ang Mama mo, malala na ba? Baka hindi na umabot ng isang buwan iyon, e di hindi rin niya makikita ang apo-," bigla siyang natahimik sa mga pinagsasasabi niya. "S-sorry," sabi niya dito. Para kasing napaka-insensitive ng nasabi niya sa Mama nito.

"Its okay, we're expecting the worst now. Kaya nga kahit magsinungaling ako, mapasaya ko lang siya sa mga huling araw niya ay gagawin ko."

"E paano kapag nakarating na siya ng langit? Siyempre malalaman na niya ang totoo. Baka biglang bumalik iyon at maningil ng apo."

"Kung pinoproblema mo ang pagsisinungaling natin, pwede namang totohanin natin. Gusto mo?"

Ramdam niya ang pag-init ng mga pisnge niya sa sinabi nito? Anong tototohanin nila? Ang paggawa ng-apo para sa Mama nito?

"Siniswerte ka! Gumawa kang mag-isa mo!"

"Mag-iinarte ka pa ba? Hindi ka na lugi sa 'kin."

Sa halip na sumagot pa dito tungkol sa plano nitong gumawa sila ng totoong grandchild, nag-isip siya ng maaaring itanong dito para maiba ang usapan.

"Bakit nga pala aa bahay ka pa nakatira? Sabi mo nga malubha na ang Mama mo? Dapat magkasama kayo at inaalagaan mo siya kaysa nag-iingay ka sa bahay namin."

"Nalaman ko na malala na siya ng araw lang na sinabi ko na magpapanggap kang girlfriend ko. Inilihim niya kasi sa amin ang sakit niya."

Natahimik siya. Sino ba naman kasing anak ang matitiis ang inang may sakit 'di ba?

"E bakit pinaabot mo pa ng dalawang linggo bago ka uuwi?"

"Bakit, kung sinabi ko bang aalis din tayo agad ng araw na 'yon makakapag-leave ka agad? Ikaw na nga rin ang nagsabi na hindi ka pwede last week kaya ngayon na lang."

So kasalanan pa pala niya? "Eh bakit hindi mo siya pinuntahan na lang muna tapos binalikan mo na lang ako?"

"Pinuntahan ko siya, hindi mo lang alam."

Hindi niya alam? Tama, may mga araw pala na halos nasa bahay na siya ni Rocky tumira dahil naiilang siya sa tuwing nagkakasalubong sila ni Chandler.

"Umayos ka ng pag-arte, hindi tayo pwedeng mabuko. Pagdating natin, malamang naroon na rin ang ibang kamag-anak namin."

"Ibang kamag-anak? Akala ko ba sa Mama mo lang at sa mga kapatid mo ako magpapanggap?"

"Birthday ng Mama ko this week kaya gusto niyang magkasama-sama kaming lahat bago pa man ang birthday niya. Kaya huwag kang papalpak."

"Oo na," napahikab siya. Ngayon lang yata siya tinamaan ng antok.

"Matulog ka na lang muna kung gusto mo, malayu-layo rin ang biyahe. Kung iniisip mo na baka pagsamantalahan kita habang nakapikit ka, huwag kang mag-alala dahil kahit sa panaginip mo hindi mangyayari ang iniisip mo," sabi nito.

"Kung wala ka rin namang sasabihing maganda, pwede ba huwag ka na nga lang magsalita," masakit ang ulo niya dahil sa wala siyang tulog tapos dadagdag pa ito.

"Bakit, ano bang masama sa sinabi ko? Ikaw na nga ang pinapatulog ko," sabi nito sabay pag-on ng music sa sasakyan nito. Pati ba naman doon, rock music pa rin nito ang maririnig niya?

"Sigurado ka bang gusto mo talaga akong patulugin? Wala ka ba talagang normal na kantang alam?"

"Ano ba kasing masama sa mga kanta ko? Ito ang mga kantang nakakapagpatulog sa akin ng mahimbing."

"Sa iyo lang, huwag kang mandamay," ini-on niya ang bluetooth at namili ng kanta sa playlist sa cellphone niya.

At nang magsimula na ang pagtugtog ng music niya. "Normal ba na kanta yan?" tanong nito sa kanya.

Paano kasi, ano lang ba ang mga kantang nasa cellphone niya kundi kanta ng idol niyang EXO.

"Akala ko ba may lahi kang korean? Dapat nga mas normal para sa iyo ang mga kantang iyan,hindi iyong nakakamatay butiki sa kisame mong mga kanta.Bakit ba kasi nahilig ka sa mga ganoong kanta? Pangarap mo bang maging rakista?"

Akala niya sasagutin siya nito ng pabiro o kung anu-ano na naman ang idadahilan nito.

"Matulog ka na lang," sagot nito.

Tumahimik na lang rin siya. Mukhang may malalim pa yatang dahilan sa trip nitong music. Hindi na lang rin siya namilit alamin dahil mukhang wala rin naman itong planong ipaalam iyon sa kanya. Sino lang ba kasi siya sa buhay nito kundi isang pekeng girlfriend. At dahil inaantok na rin talaga siya, sumunod na lang siya sa sinabi nito at natulog.

HINDI na niya alam kung gaano katagal ang naging biyahe nila dahil nang magising siya, nasa loob na siya ng isang kwarto at airconditioned pa. Ang lambot din ng kamang kinahihigaan niya. Nakarating na sila sa bahay nila Chandler? Hindi man lang siya nito ginising? Napatingin siya sa sarili. Suot pa rin naman niya ang suot niya ng umalis siya. Wala rin siyang nararamdamang kakaiba sa katawan niya. Agad siyang bumangon at tumingin sa paligid? Nasa kwarto kaya siya ni Chandler? Kung may nakakabit nga lang sa kamay niya na dextrose, iisipin niyang nasa ospital siya sa sobrang puti ng paligid. Nilibot ng tingin ng mga mata niya ang buong kwarto hanggang sa dumako iyon sa may bintana. Madilim na! Gabi na? Napatingin siya sa relo niya, alas sais na ng gabi! Ganoon siya katagal nakatulog? Umaga pa ng umalis sila a.

PARA siyang nawala sa sariling nagtungo sa pintuan at binuksan iyon. Hindi niya akalain na sa kabilang bahagi pala ng pinto, maraming tao ang makikita niya. Mga mukhang kahit kailan ay hindi pa niya nakita pero pakiramdam niya pamilyar ang mga mukha ng mga ito. Para siyang biglang napunta sa korea at nakaharap ang mga kpop stars. Gising na ba talaga siya o nananaginip pa rin?

[W2-

SARANGHAETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon