“Psh. Duwag. Problema mo na yun. Basta ako nagawa ko na ang dapat kong gawin para mabawi si Alex sa malanding yan.”

 

“Bakit ba kasi hindi mo nalang sila lubayan. Madami namang lalaki jan. Mukhang mahal na mahal nila ang isat isa, bakit mo sila pilit sinisira.”

 

“Akin lang si Alex. Akin!” Sabi ni Ysa bago siya lumabas ng kwarto ni Cass.

 

Buong pagpanuod ko ng video, nakayukom lang ang palad ko.

Galit.

 

Galit ako!

Kay Ysa at sa sarili ko.

Ang tanga ko para di paniwalaan yung paliwanag ni Cass nun. Naalala ko pa nung araw na nakipagbreak ako sakanya.

“B-baby. Let me explain. Di k-“

 

“Baby? Nagagawa mo pa kong tawaging baby? Hahaha.”

 

“B-baby p-please. Wala akong alam jan.”

 

“Si Ysa. Siya yung kasama kong uminom kagabi. Diba tinext pa nga kita? Si Ysa yung kasama ko. Di ko alam pano nagkaron ng ganyang pictures.”

 

“Ha? Ako? Uy Cass wag mo ko idamay jan. Nasa bahay ako kahapon ng cheerleading friends ko.”

 

“Fuck. Magsabi ka ng totoo Ysa! Pinlano mo ba to? Pinlano mo lahat ng to para magaway kami ni Alex. Bitch!”

 

“Minahal kita Cass. Sobra sobra. Nagbago ko para sayo tapos lolokohin mo ko? Ilan kami ha? Ilan kaming ka-makeout mo. Alam mo, di ko naisip na ganyan ka. Lahat binigay ko sayo pero nagawa mo pang lumandi.”

 

“Lumandi?! Lumandi agad? Kahit kailan di ako nagkaron ng iba. Kahit kailan Alex di ako lumandi ng iba. Ni hindi ko nga kilala ng personal yang lalaking yan eh! Mahal na mahal kita alex. Ikaw lang. Ikaw lang Baby please.”

 

“Malandi ka. Break na tayo. Game over Cassandra.”

 

Fuck! Fuck! Ang bobo ko!

All this time pinaniwala ko yung sarili kong niloko niya ko. Na may iba siya habang kami. Na malandi siya.

Ang tanga ko! Ang tanga tanga ko. Nasaktan ko yung babaeng mahal ko kasi binulag ako ng galit ko. Sa sobrang galit ko pati paliwanag niya hindi ko pinakinggan.

Ngayon alam ko na kung bakit niya sinabing ako ang dahilan kung bakit siya naging ganun pagbalik niya galing Batangas.

“Ano bang nangyayari sayo? Hindi na kita kilala. Simula nung bumalik kayo ni Ethan galing sa Batangas, maya’t maya kitang nakikitang nakikipaglandian sa mga lalaki. Isang buwan palang tayong break Cass! One f-cking month! Tapos kung kani-kanino ka na lumalandi?!”

 

“Why do you even care? Leave me alone, Alex.”

 

“Ikaw pa may gana magmatigas, eh ikaw na nga tong nagloko?! You’ve become a monster.”

 

“Excuse me but you f-cking created this monster. I’m a slut, a bitch, a whore and all good names you called me back then. Im just living by my reputation. Im a class-A bitch because of you, dumbass! At wala kang karapatan pakialamanan ako sa gusto kong gawin sa buhay ko. Baka nakakalimutan mo, ikaw ang –“

 

“Na ako ang nakipagbreak? Oo! Ako ang nakipagbreak! Pero baka nakakalimutan mong hiniwalayan kita dahil nagloko ka! Niloko mo ko! Minahal kita pero ginago mo ko!”

 

“Isipin mo ang gusto mong isipin. I dont care. Just leave me alone.”

She’s right I made her a monster dahil nasaktan ko siya. Physically at emotionally. Grabe. Galit na galit ako sa sarili ko for not believing her. Eh kung sana pinaniwalaan ko siya nun at pinakinggan ko siya ng ayos, kami parin ngayon.

Totoo nga yung sabi ni Ethan na pag napanuod ko to, gugustuhin kong balikan si Cass. Kaso ang tanong babalikan parin kaya niya ko? Mahal pa ba niya ko? Mahal parin kaya niya ko after ko siyang saktan ng sobra.

“Mahal ka ni Cass.”

 

“Alam ko. Pero kailangan ko siyang pakawalan, para maging mas masaya siya. Lahat gagawin ko sumaya lang siya.”

 

Alam kong mahal na ni Cass si Ethan. Posible kayang mahal parin niya ko?

Si Ethan, bakit niya ipinapaubaya si Cass sakin?

Pero kung ano man ang rason ni Ethan. Nagpapasalamat narin ako.

Gagawin ko lahat bumalik ka lang sakin Cass. Lahat. Bumalik lang tayo sa dati.

 

Pero may tanong pa sa utak ko, kung dati pa tong video ng CCTV na to, bakit ngayon lang niya pinakita sakin? Bakit ngayon lang?

*****

Bitin ba yung Chap 25? Haha eto po kasi kasunod nun. :D <3

I'll Never Fall For The PlayboyWhere stories live. Discover now