Yolva's POV
Kasalukuyan akong nasa...ewan kung anong lugar toh basta parte ito ng Pilipinas. Tumakas kasi ako sa amin sa America dahil gusto akong ipakasal ng mga magulang ko kay Gabriel kaya naisipan kong maglayas, I know how to speak tagalog dahil may lahing Pilipino ang mga magulang ko. Sa America nga lang ako lumaki.
Paano ako napadpad dito sa Pilipinas? Well, sumakay lang naman ako ng eroplano at buti nalang talaga at balot na balot ako sa suot kong mga damit kaya walang nakakakilala sa akin, ngayon naman ay in disguise ako. Nagpa-ikli ako ng buhok na pinakulayan ko ng Light Brown at bumili din ako ng mask bago nagpuntang Pilipinas.
Makapangyarihan ang mga magulang ko at alam kong sa oras na ito ay pinapahanap na nila ako sa mga tauhan namin. Pero dahil nga sa blonde kong buhok ay alam kong matatagalan sila sa paghahanap dahil hindi na nila ako masyadong makikilala at isa pa nagpalagay din ako ng pekeng alom sa may noo pati narin sa gilid ng pisngi..yung kahit na hawakan mo ay hindi matatanggal..basta yun.
Bata palang ako, kontrolado na nila ang mga kilos na ginagawa ko. Yung para kalang robot na sunod-sunuran. Gusto ko namang maging malaya sa ngayon, ayoko ng kontrolin nila ako. Nakakasawa!
Gusto ko namang magdesisyon ngayon sa sarili ko. Ayokong makasal kay Gabriel dahil hindi ko naman siya mahal, unang kita ko palang sa lalakeng yun ay ayoko na. Sa unang pagkikita namin ay pina-iyak niya na ako. Hindi pa nga kami nakakasal pero gusto na daw niya akong ikama. Syempre at nakaka-insulto saming mga babae yung ganyan. Yung ikakama ka nalang basta basta eh hindi mo pa nga siya masyadong kilala. Pwede na ring tawaging rape.
Alam ko ring kaya gusto akong ipakasal ni Mama at Papa sa lalakeng iyon ay dahil sa negosyo. Gusto nilang mas lumaki pa ang pinanghahawakan nilang business sa paraang pagpapakasal ko kay Gabriel. Si Gabriel ay isa sa mga anak ng may makapangyarihang business sa America tulad ko, pero mas mayaman siya kumpara samin.
"Aww" Napasigaw ako sa sakit ng biglang may tumama sa ulo ko at dahil sa lakas ng impact ay natumba ako sa lupa, hindi ko alam kong saan nanggaling iyong...tsinelas? Basta ang alam ko lang ay nahihilo ako.
Tsaka ko lang naalala na hindi pa pala ako nakakain simula nung umalis ako ng America at pagod din ako sa biyahe kaya siguro ganito nalang ang epekto ng malakas na pagkakatama ng tsinelas sa ulo ko. Ano na ang gagawin ko ngayon? Pinipipilit kong makatayo pero hindi ko magawa.
"Ate? Sorry hindi ko sinasadyang patamaan ka ng bola" Tiningnan ko ang isang batang babae lumapit sakin pero nanlalabo na ang mga mata ko. Sinubukan ko ulit na tumayo pero bigla nalang akong nagpass-out.
Nagising ako dahil sa ingay mula sa labas ng kwarto. Teka, Nasaan ako? Bakit ako nandito sa maliit na kwartong toh?
"Kuya, hindi ko naman sinasadyang tamaan siya ng tsinelas habang naglalaro kami nila Gwen...sorry na po kasi" Rinig kong sabi ng isang batang babae habang humahagulgol. Naalala ko na yung nangyari kanina. Nagpass-out nga pala ako, ibig sabihin ba nito ay yung batang nakatama sakin ng tsinelas ay siyang nagdala sakin dito?
Iginala ko ang paningin sa maliit na silid na gawa sa kahoy. Malinis naman at maganda kaya lang mainit. Nakita ko din yung maleta ko sa tabi ng hinihigaan ko ngayon.
"Halika ka nga ditong bata ka, wag mo ng uulitin yun ah...tsaka tahan na, sorry kung nasigawan ka ni Kuya" Boses ng isang lalake, hindi ko nga lang masyadong marinig ang huling sinabe niya.
Mula sa pagkakahiga ay umupo ako sa kahoy na sinapawan lang ng foam kung saan ako nakahiga kanina, medyo sumasakit nga ang likod ko eh.
