First

36 2 4
                                    

"I'm finally here!!!"

Laking ginhawa na finally nahanap ko rin ang school na papasukan ko. Grabe. After 5 hours natuntun ko rin sya sa loob ng liblib na lugar. Sobrang tago talaga ng lugar na to. As in. Samdamukal na halaman at puno amg dinaanan ko. Medyo magulo rin kase ang mapa na nakuha ko dahil si Mommy ang nagdrawing nito.

"Excuse me Miss. Are you here to enroll?"

Isang lalaking nasa mid-30s ang sumulpot sa likod ko na may katangusan na ilong, makisig na pangangatawan, bilugang mata, at makapal na pilikmata. Gwapo sya sa panahon nya sa totoo lang. Hindi naman na ako nagulat sa pagsulpot nya dahil naramdaman ko na rin naman ung presensya nya bago pa sya magsalita.

"Ah eh opo. Eto po ba ung Seele Institute?" Tanong ko.

Ngumiti sya at tumango.

"Maaari ko bang itanong kung paano mo nalaman ang tungkol sa paaralan na 'to?" Tanong nya.

"Uhm. Dito po kase nag-aral ang mommy ko. She recommended me this school. Maganda daw po ang turo and i can see that she's really proud to be an alumni of this school." Masigla kong sabi.

"Your mom is?"

"Alleya Amistoso po." Sagot ko.

"Iyah. Nagkaanak pala sya. Kaya pala medyo naalala ko sya sayo. You're pretty like her. How is she? Mahaba pa rin ba ang buhok nyang brown? Tatlo pa rin ang ginto nyang buhok? Mapula pa rin ba ang labi nya at hindi nagbibitak bitak? Still have the height of 5'8? You're pretty tall like her. How about her attitude? Clumsy. Straight forward. Ambitious. Bitchy. Brave. And Honest. Did anything change?"

Nashock ako sa haba ng sinabi nya. Really? How did he know that much? Ganun ba sila kaclose?

"No we're not that close. But we know each other. Minsan na kaming nagkasama sa isang challenge. And honestly, i like her."

Mas lalo akong napanganga ng wala pa kong sinasabi eh nakasagot na sya.

"Uhm. La-lahat po ata ng sinabi nyo ay ganun pa rin. Hehe." Sabi ko.

"No doubt. I can see it in you." He said with a smile.

"Come on. I'll escort you inside lady." Pag-anyaya nya.

Sumunod naman ako sa kanya. The moment we stepped inside the campus, napanganga nanaman ako. Wow. Like what the hell? Is this real?

Sobrang laki ng campus. Apat na building agad ang makikita mo kahit nasa guard house ka palang. Umaabot ng 5th floor ang isang building. Wow. Pero nung pagpunta ko naman dito kanina wala talaga akong makita. Pangalawa, ang lawak ng ground. As in, para ka lang nasa park. Partida, di ko pa naiikot ang buong campus.

"What's your name by the way?"

Napatingin ako bigla kay Sir na kausap ko kanina nung bigla ulit syang nagsalita.

"Aries Kyle Amistoso po."

"Congratulations. Im so honored to meet the next star student. For now, pumunta kaa na lang muna sa Plato building. Nandun ang registration office para sayo. Room 304. Hanapin mo lang si Sir Ralph. Sabihin mo ako ang nakakita sayo at nagpapunta sayo dun. At buti nagdala ka na rin ng mga gamit mo. Goodluck Ms Aries. I have to go now."

Pagkatapos nun ay lumabas na ulit sya ng gate. What the hell did he just say? Hindi ko pa pati sya natatanong kung pano nya nabasa ung iniisip ko kanina. Masyado akong preoccupied dahil sa ganda ng school na to at sa sobrang excited ko. Pero teka, ano ba ung sinabi nung lalaki kanina? Star student? What the hell?

Psyche And SoulWhere stories live. Discover now