Kaibigan Lang

29 3 2
                                        

Kaibigan, hindi ba't diyan tayo nagsimula?

Ay teka! Hanggang ngayon, kaibigan pa rin pala.

Hindi ko alam  kung pwede bang maging tayong dalawa,

Pero malabo siguro kasi alam kong may gusto ka nang iba.

Hindi ko nasisiguro, pero pansin mo ba?

Pansin mo bang ang saya ko 'pag kasama kita?

Rinig mo ba ang puso kong tila nais nang kumawala?

Sana nama'y hindi, ako kasi'y nahihiya.

Pero bakit ganun? Bakit kay lambing mo?

Bakit iba ang ngiti mo 'pag magkasama tayo?

Kaibigan, sabihin mo naman kung ano ako sa iyo -

Ang hirap kasing hulaan kung ano ako sa buhay mo.

Ramdam kong puso ko'y nahuhulog na sa iyo,

Pero paano na lang kung ito'y hindi mo masalo?

Paano kung mahulog na lang at madurog ito?

Paano kung hindi mo matanggap ang pag-ibig ko sa iyo?

Kaya sige, kaibigan, kaibigan na lang.

Ayos lang sa akin basta't hindi mo ako iiwan.

Mailap na "forever" ay sabay nating patunayan,

Pwede na rin siguro kahit pa kaibigan lang.

- - - - -

Stuck in the friendzone? Then, this is for you. :)

i'm too lazy to think of a title but this is a compilation of poemsWhere stories live. Discover now