"You're not going anywhere" banta nito saka ako hinila at niyakap. "Not until you believe me"

Huminga ako ng malalim saka marahan siyang tinulak. He tightened his hug but eventually let me pushed him when he realized I won't go anywhere. Nag-cross arms ako saka ko siya tinitigan pagkatapos kong humakbang ng dalawa paatras.

"Sabihin mo, paano ako maniniwala sayo kung palaging si Ashley yung kasama mo?"

"We're classmate. Kasama din namin si Raven"

Pinaningkitan ko siya ng mga mata at pinakita kong hindi ako kumbinsido. Ano ba naman kasing klaseng excuse yun? Napakalame. Hindi ako nauuto sa ganyang ka-lame na excuse. Tss.

"Im telling the truth"

Napairap ako. "Magkaklase kayo kaya kahit sa labas ng university magkasama kayo, ganun ba?"

Hindi siya agad nakapagsalita kaya naman tinalikuran ko na. Bigla na naman bumalik yung inis ko. Halatang halata na guilty siya. Kainis.
Mabilis akong bumaba ng treehouse at tumakbo palapit sa kotse niya. Napailing ako nung makita ko siyang pababa pa lang sa treehouse na parang naglalakad sa buwan. Sinamaan ko siya ng tingin nung makita ko siyang halos mapunit na yung labi sa laki ng ngiti. Ang hampaslupang apang to, nakuha niya pa talagang ngumiti!

"Uuwi na 'ko" sabi ko saka hinampas yung bubong ng kotse niya. "Buksan mo to"

Umiling siya saka pinakita na naman yung nakakainis niyang ngiting aso.

"Ayaw mo?" tanong ko.

Umiling na naman siya bilang sagot.

I hissed and kicked his car pero hindi man lang siya nainis o nag-alala kung nagalusan ko to. Ang mas nakakainis parang mas natuwa pa siya sa ginawa ko kaya tinalikuran ko na ulit siya at tumakbo ako palayo.

Narinig ko siyang sumigaw pero hindi ko siya pinansin. Pakyu siya. Ayokong makipag-usap sa kanya.

"Pam!"

Tinaas ko yung isang kamay ko and I flipped a finger at him at mas binilisan ko yung takbo hanggang sa matanaw ko na yung hi-way. Hinihingal pa 'ko pero hindi ko ininda nang may makita akong padaan na sasakyan. Kumaway ako at naghand signal ng stop. Luckily, the car stopped at unti unting bumababa yung bintana nung sasakyan sa tapat ko. Pero bigla akong kinabahan nung makita ko yung matandang lalaking mukhang manyakis sa loob.

"Naliligaw ka ba hija?" tanong niya habang nakatingin ng malagkit sakin.
Sasagot na sana ko nung maramdaman kong may humawak sa bewang ko at biglang nagsalita.

"Naglalaro lang kami ng habulan tatang. Pasensya na sa abala" sabi ni Cone saka ako hinila palayo sa kotse.

Narinig ko pang nagmura ng malakas yung matanda bago nito pinaharurot yung kotse. I sighed. Sa totoo lang kinabahan ako dun. Sino bang hindi eh.. mukhang manyakis na tigang yun?! Jusko. Kung hindi dumating si Cone baka nakasapak ako ng matanda! Hindi yata kaya ng konsensya ko yun kahit na mukha pa siyang masamang tao.

"Why did you ran?" tanong ni Cone.

Hindi ko siya pinansin kaya naman humarang siya sa dinaraanan ko.

"Talk to me"

Umirap ako saka nagcross arms. Sabihin na niyang naadopt ko na mannerisms ni Yanna, wala akong pakielam. Babae pa rin ako at may karapatang mag inarte.

"Kikay.. please?"

Sinamaan ko siya ng tingin nung makita kong nakaplaster na naman sa pagmumukha niya yung ngiting aso niya. Leche lang.

"Wala tayong dapat pag-usapan" sagot ko.

"Marami tayong pag-uusapan Kikay. Unang una na yung about samin ni Ashley" hinawakan niya yung magkabilang pisngi ko at tinitigan ako sa mga mata. "Hindi kami, hindi naging kami at lalong hindi ako inlove sa kanya. I was just helping her because she's having a hard time. Alam kong kung ikaw yung nasa sitwasyon ko, you'll also do the same because you have a soft heart, hindi lang halata"

"Pinagsasabi mo?"

"I love you" he pecked my lips. "I love you"

Nag-iwas ako ng tingin at sinubukan kong alisin ang mga kamay niya sa mukha ko pero kinulong naman niya ko sa mga bisig niya.

"Pakawalan mo nga 'ko!" sigaw ko pero mas hinigpitan niya yung pagkakayakap.

"Hindi kita bibitawan hangga't hindi ka naniniwalang mahal kita," banta niya.

Kinurot ko siya sa magkabilang tagiliran niya pero walang epekto. Though nagreklamo siyang masakit, hindi man lang lumuwag kahit kaunti yung pagkakalulupot ng braso niya sakin.

"I liked you the first time I saw you at the ocean park. I liked you when we met again and helped me kahit napilitan ka lang. I liked you more when I realized you're the same girl who first caught my attention. Believe me or not, hindi ako ganito sa ibang tao. Heck, I never expect as well that I have this side in me whenever im with you. It's as if I discovered my alter ego inside the same body. You made me do things I never imagined doing since I became conscious about myself. You drive me nuts Pam, you make me happy just by seeing you, and most of all.. You've pushed me so hard and let me fell deep without giving me any assurance of saving me"

Parang pinipiga ang puso ko sa mga narinig ko. Hindi ko alam na ganito, pero ramdam kong totoo yung sinasabi niya. Gusto kong umiyak kasi ngayon pa lang nagsisink na sakin lahat at unti unti na kong naniniwala na ako talaga yung mahal niya.

Syet lang.

Mamamatay yata ako sa tuwa. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Mahal kita," bulong niya na nagpatindig sa mga balahibo ko sa batok. "Ikaw lang"



Good To YouWhere stories live. Discover now