Capítulo Cuatro

70 4 1
                                    

Hingal na hingal akong pumasok sa classroom dahilan para lumingon sa akin ang buong klase at si .... sir Albert.

Napamura ako ng mahina. Bakit kailangang si sir Albert pa ang teacher? Holy mamaw, siya pala ang first subject namin. Argh, double kill Aia.

Diretso akong umupo sa upuan ko at blangkong sinalubong ang mga tingin nila. Kahit na hinihingal pa rin ako, nagawa ko pa ring irapan si Yesha nang bumulong ulit ito kay Nissa. Tss, palibhasa nagpapakagood girl nanaman siya.

Tiningnan naman ako ng masama ni sir Albert. "Why are you late Ms. Loraña?" tanong nito.

Tiningnan ko siya ng blangko at monotonong sumagot. "Woke up late."

Nakarinig ako ng tawa mula sa kaliwang column at otonatiko akong tumingin doon. Nakita kong nagpipigil ng tawa si Nathan habang nakatingin sa akin.

"Mga bastos nga naman oh, pati teacher, hindi sinasanto," nagparinig pa ito habang nasa bingit ng pagtawa. Tinaasan ko siya ng kilay sabay de kwatro.

"Mga aso nga naman oh, hindi makakatagal kung hindi nagpapapansin," pambabara ko sa kanya. Tumigil siya sa pagtawa at agad na namula ang mukha niya dahil sa galit at hiya nang tumawa ng mahina ang mga kaklase ko.

Natigil sa pagtawa ang mga engot nang hinampas ni sir asungot ang metre stick sa lamesa. "Shut your nuisance useless kiids. Aia, go have your re-admission while you Nathan, go see your own mental doctor."

Impit na tumawa ang mga kaklase ko dahil sa huling sinabi ni sir asungot. Napangisi ako at tumayo na lamang. "I shall return sir asungot," bulong ko habang papalabas ng classroom. Wala namang nakarinig ng sinabi ko kaya nagkibit balikat na lang ako.

Naglalakad ako sa hallway papuntang faculty room nang maaninag ko ang isang lalakeng nakatalikod at parang may binabasang libro. Oo, may motto akong mind your own business but this, this sparked my interest.

I mean, may nagbabasa pa bang lalake? I mean, publicly. He's aware na nasa hallway siya at maraming tao ang makakakita sa kanya pero dito siya nagbabasa. I mean, boys don't do those stuffs, they are more on holding their phones, texting, chatting and watching God knows what.

Only few boys do read nowadays. So it's really a good thing na mayroon pa ring iba na nagbabasa ng libro.

Oh, and what the fuck is wrong with me? I'm being a damn philosopher.

Lalagpasan ko na lang sana siya dahil bukod sa nacreepyhan ako bigla, parang kinabahan ako na multo siya. Malay ba natin diba?

Humakbang na ako papalapit sa kinaroroonan niya at mabilis sanang tatakbuhan siya nang bigla niya akong lingunin.

Naistatwa ako. Parang gusto kong umbagin ang nasa harap ko ngunit 'di ko magawa dahil sa lawak ng ngiti nito.

Yes people, it's the one and only Rush Tyriel freaking Baltazar na ang middle name ay Sulpot-Sulpot-Anywhere-Anytime.

Tiningnan ko siya ng napakasama na siyang ikinatawa niya. Itinaas niya pa ang dalawang kamay na parang sumusurrender. "Sorry na!" tatawa tawa pa nitong saad.

Naningkit ang mga mata ko nang makita ang librong hawak niya. "Spanish-English Dictionary"

Bago pa man ako makapagreact, itinago agad ni Rush ang makapal na libro sa likod niya at ngumiwi. Napangiwi din ako.

"You're reading a dictionary?" nakangiwi na medyo natatawa ang mukha ko kaya I think mukha na akong natatae pero sobrang weird niya talaga. Like, magbabasa ka ng dictionary sa hallway ng mag isa? Hello, there's this thing we call, "Dictionary Applications installed in phones" and "Google search" mayron din tayong "Translatorr" sa buong dako ng phone at social media.

Salvando A Mi Familia (Saving My Family)Where stories live. Discover now