"Okay ka lang?" Umiiyak na ipinakita niya ang sugat sa kanyang tuhod. I wiped her tears.

"Masakit," umiiyak na sabi niya.

"Anong pangalan mo?"

"Dina po."

I smiled and patted her head gently. "Dina, 'wag ka ng umiyak. Ako si ate Xie-xie. Gagamutin ko iyong sugat mo para mawala yung sakit ha?"

Tumango siya kahit umiiyak pa rin. Binuhat ko siya. Hindi ko alintana kahit narumihan din ang suot kong puting tshirt. Dinala ko siya kina Missy. Humiram ako ng first aid kit at ginamot ko ang sugat ng bata. Binigyan ko pa siya ng dala kong chocolates para mapatahan siya.

"Ayan. Gagaling na yung sugat mo niyan," nakangiting sabi ko sa bata.

She smiled and hugged me as she said 'thank you'. I felt so good. Pagtayo ko ay nakita ko si Jeck na nakatitig sa akin. He just gave me a small smile then looked away. I just shrugged my shoulders and went back to helping. 

It was tiring but very fulfilling. Bago mag-gabi ay kinailangan na naming bumaba ng bundok. I found out that some would stay for a couple of days more to help in building houses. Like Shin and Tamara.

"I would like to stay here to help," I said.

Napatingin sila sa akin. "Xie-xie, are you sure? Hindi madali ang buhay dito. Walang kuryente dito o maayos na tulugan," sabi ni Shin.

I smiled. "I know. Pero gusto ko pang tumulong."

"Magpapaiwan din ako."

Natigilan ako at napatingin sa kanya. He just gave me a blank look.

"Jeck, sure ka?" Vash asked.

"Yes."

Vash breathed out. "I guess I'll have to cancel my schedule for tomorrow," he said, grinning. "Count me in!"

"We'll stay, too," DJ said, holding his fiancee's hand.

"Sure ka, attorney? Hindi kayo makakapag-honeymoon dito," biro ni Vash.

"Gago."

Sa isang maiit na kubo lang kami matutulog. Walang kwarto at dahil maliit ay tabi-tabi lang kami sa higaan. Kumuha na ako ng gamit para maka-ligo. 

"Where are you going?" Jeck asked.

"Uh, I'll just take a bath."

"It's dark outside. You'll need a candle."

It slipped my mind. Wala nga palang kuryente tapos sa may likod pa ang palikuran. Si Jeck na mismo ang naghanap ng kandila. Ang buong akala ko ay iaabot na niya sa akin iyon pero nagulat ako ng sinabi niyang sasamahan na niya ako. 

"It's okay. Kaya ko na, Jeck."

"Xie-xie, it's not like I'm gonna take a bath with you. Babantayan lang kita sa labas."

Nag-init ang mukha ko sa sinabi niya. Hindi na ako umimik at hinayaan na lang siya. True to his word, he stayed outside. Binantayan at hinintay niya akong matapos. Nahihiyang nagpasalamat ako sa kanya. Tinanguan lang niya ako at hindi na umimik.



Are they kidding me! I scoffed as I looked at my friends. Nakahiga na silang lahat. Nakipag-kwentuhan lang ako saglit sa mga tao sa labas pagbalik ko ay ganito na. Siyempre sina Shin at Tam ay magkatabing nakahiga sa isang sulok. Nakayakap pa si Tamara sa asawa. 

Si Dj at ang fiancee niya ay magkatabi rin na nakahiga habang magkayap. Sa kabila naman ni DJ ay si Vash na hindi ko sigurado kung tulog na bang talaga. May magkatabing unan ang bakante sa gitna. At ang ibig sabihin ay dito ako hihiga sa isa na katabi si Tam. At sa isa ay si...

"You're still up," sabi ng kapapasok na si Jeck. 

I suddenly tensed up. "I'm a-actually about to sleep."

Nilingon ko siya at bigla akong napalunok. I almost gasped when I saw him half-naked. Basa pa ang buhok niya at tumutulo ang tubig sa katawan niya. His body has gotten better. Mas firm na ang mga muscles niya. Crap. It's getting seriously hot in here!

"I forgot to bring a shirt," he said when he noticed that I was looking at his body. 

Napapahiyang umiwas ako ng tingin. "Uh, matutulog na ko. Good night."

Mabilis akong humiga sa tabi ni Tamara. But I tensed up once again when laid beside me. Crap! I forgot that he'd be sleeping beside me! He cleared his throat. Oh Gosh! Why did he have to smell so freakin' good? It didn't help that our shoulders were touching. 

"Xie-xie," he called softly.

"Huh?" I muttered, quite tensed.

"Are you comfortable?" 

"H-ha?"

Bumaling siya sa akin. "Hindi ka sanay sa matigas na higaan. Wala rin air con o kahit electric fan."

"I-it's fine."

He sighed. Then he said, "Why did you decide to stay?"

Napatingin ako sa kanya. At hindi ko maiwasang mapatitig sa perpekto niyang mukha. Mula sa mga mata, matangos na ilong, at mapupulang labi. Those red lips that used to kiss me. Lips that used to utter sweet words to me. Umiwas ako agad ng tingin ng patingin na siya sa akin.

I cleared my throat. "I just wanna help them more. In my own little way, you know?"

Binalot kami ng katahimikan. I thought he was already sleeping. Pero bigla niyang binasag ang katahimikan.

"I saw what you did with the little girl this morning." I looked at him. Isang maliit na ngiti ang lumitaw sa mga labi niya. "You were wonderful."

He warmed my heart with what he had said. "Thank you."

"I didn't see the Dixie Crawford that I used to know. The bratty one," he said with a soft chuckle. 

Natawa ako sa sinabi niya. Pero kaagad ko rin tinakpan ang bibig ko dahil baka magising ang iba naming mga kasama. 

"Yung maarte na Dixie?"

He nodded, smiling. "Maarte pero malambing. Matapang pero malambot. At kanina yung nakita ko na Dixie.." Nilinga niya ako. "I know you'll be a wonderful mom someday."

How I wish it would still be with your kids. But I know that's next to impossible now because you've found the perfect girl for you. 

A Six-Word Story IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon