Tutok

14 0 0
                                        

Nasa tuktukan ako ng.......hindi ko alam kung ano ba ang building ito. Alam kong hotel ito pero wala akong pake. Alam kong bawal ako dito pero gusto ko pa rin makaranas nang ganito bago gawin ang ninanais ko.

Nakaupo na ako sa gilid sa tuktok ng gusali. Ang ganda ng tanawin na ito! Parang mga langgam ang mga kotse at tao. Malakas at presko ang hangin dito. Ramdam na ramdam ko ang hangin sa balat at buhok ko. Hindi tulad ng sa baba na madumi. Natatanaw ko ang bay sa may MOA. Nagiging malambot ang mga paa ko kasi nakabitin ang mga ito sa gilid. It's thrilling to be here! Napapansin ko na ang mga tao sa ilalim ng paa ko ay abala sa kanilang buhay. Mayroon nagmamadali, may namamasyal, may nagtatrabaho. Lahat sila may buhay. Maganda mong makita ang mga tao na nangunguna sa kanilang sariling buhay. Hindi tulad ng akin. Feeling nila sila ang nagko-kontrol sa buhay ko. Kaya nga lumayas na ako eh.

Whelp.

Aalis na ako. Ayoko na dito. Wala nang lugar para sa akin.

Paalam mundo. Tatalon na ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 30, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tutok (Dagli)Stories to obsess over. Discover now