Chapter 1: Naging Masaya ka naman diba?

7 0 0
                                    

Bakit ba kasi lagi tayong nakikisabay sa uso. Yung tipong nagka boyfriend lang kaibigan mo, naiinggit kana. Kasi naman kasalanan din minsan ng mga barkada na ginagawa kang third wheel. Pero wala ka naman dapat talagang sisihin. Choice mo 'yun. At hindi naman lahat sakit ang naramdaman mo kasi kahit papaano naging masaya ka naman diba? Pero panandalian nga lang. Siguro part na talaga sa buhay ng tao ang masaktan. Kase paano ka nga naman matututo kung hindi ka makakaramdam ng sakit diba?

Nakahiga ka ngayon. Nakikinig ng mga pang broken hearted na songs. Syempre iuuna mo yung kanta ni Moira, yung MALAYA. kasi relate na relate ka. Susunod mo pa yung Cool Off ng Session Road. Nakakamatay na lyrics na, 🎶Palayain ang isa't-isa. Kung tayo, tayo talaga.🎶 Nakakagago no? Pero yung nagpaiyak sayo ng lubusan yung nirevive ni Jireh Lim na "DAHAN" kasi yung bawat na salita na binibitawan doon ay tagos sa puso mo. Hindi mo makakaila yun kasi yung luha mo, tuluy tuloy na po. Wag kang malungkot. Dahil kahit papaano may mga magagandang bagay kayong pinagsamahan. Yun nga lang natakpan ng masasalimuot na pinagdaanan. Pero oks lang naman yan kasi sabi nga tuloy ang buhay. Masakit man, pero una lang yan. Feel the pain, until it hurts no more. May time pa dyan na hindi mo sya matitiis, itetext mo pa lalo na kabisado mo ang number nya. Leche lang kase ne? Bakit pa kasi minemorize. Ngayon, ikaw ang namamatay. Nakakatawa pag nasasaktan ka, pag malungkot ka, pag nagmumukmok ka, pag nakikinig ka ng mga breaking playlist mo. Sabay isip sa mga bagay na magaganda at masama. Tipong titimbangin mo kung ano an mas lamang. Tama ba lahat ng desisyon na ginawa mo o dala lang ng sakit ng loob at salitang binitawan ng mahal mo? Pero naging masaya ka naman talaga diba?

Sa mga text nya na hindi mo malilimutan. Sa mga salitang kanyang binibitawan. You feel so loved. Naramdaman mo talaga yung suporta. Pero bakit limited lang? Bakit parang may deadline? Parang nakarating na ng finish line? Ang sakit.

Tinitiis mo lahat na lang. Time will heal sabi pa ng isip mo. Pero bat ka gulong gulo? Kasi baka hindi mo makaya na makita sya sa iba na masaya na? Hayaan mo, sa bawat luha na pumapatak galing sa mga mata mo, ang Diyos ay nagpaplano sa ikabubuti mo. Buti na nga lang nakakapitan sya. Merong isang SIYA. Kung wala sigurong SIYA, sira kana.

Isipin mo nalang, gutom ka. Lilipas din. Isipin mo nalang naiinitan ka, ililigo mo lang. Isipin mo nalang assignment, ipapasa lang. Pero isipin mo, sarili mo. Kailangan mong ayusin at ipakita na kaya mo kahit wala sya. Na tatayo ka,  na sanay kana. Na hindi mo na kailangan ang mga text, tawag at presensya nya kasi nga kaya mo na. Pero wag mong kakalimutan na naging masaya ka at yun ang babaunin mo hanggang sa huli para muli na iibig ka, alam mo na at natuto kana. :)

Broken DiariesWhere stories live. Discover now