CHAPTER EIGHT

Magsimula sa umpisa
                                    

"Paano ang trabaho mo kina Tomas?"

"Magpapaalam ako sa kanya mamaya. Mamayang gabi rin tayo aalis. Sa shortcut tayo dumaan at hindi na sa highway para walang makapansin sa 'tin."

Napatango na lamang siya. Nang akmang babawiin na niya ang tingin dito ay hinawakan ng binata ang pisngi niya at muling ibinaling dito. He gently kissed her. Napangiti siya rito.

Nang gabing iyon, pagkatapos na magpaalam ni Denver kay Tomas ay agad na silang umalis patungo ng Magtanghay. Dala nila ang mga importanteng gamit nila. Mahirap nang iwan ang mga ito sa bahay. Sa kabilang bayan na lang sila magpapa-gasolina, tutal ay may magagamit pa naman sila. Alas siyete na ng gabi. Makakarating sila sa pupuntahan nila ay mga alas onse na rin siguro. Tiningnan niya si Denver na siyang nagmamaneho.

"Okay ka lang ba?" tanong niya. Alam niyang hindi nakapagpahinga kanina si Denver.

Ngumiti ito bagaman hindi tumingin sa kanya. "I'm fine, Xynth."

"Ako na ang magmamaneho kapag pagod ka na," aniya.

"I'll let you know. Pero kaya ko naman. Four hours lang naman ang biyahe. Ikaw na lang ang magpahinga."

She sighed. Siya lagi ang inuuna ng binata, kinikilig man siya ay naaawa rin siya rito. Alam kasi niyang napapagod din ito kahit sanay ito sa ganoon.

"Ano nga palang sinabi mo kay Tomas?"

"Sinabi ko na hindi na muna ako makakapagtrabaho dahil aalis tayo papuntang Mindanao at may emergency. Pumayag naman siya."

Tumango siya. Ibinaling niya ang tingin sa labas ng bintana ng kotse. She could not tell if it was selfishness and childish thing to feel, but a part of her wanted to make that case longer. Parang ayaw na muna niyang matapos. Lihim siyang humugot ng hininga. Nalungkot siya bigla dahil sa naisip. Paano na kapag natapos na nilang dalawa ang trabahong iyon? Would they still see each other?

Kung magtatrabaho ito sa pinsan nito ay malamang na magkita pa sila. But the real question was, would he still be as sweet as he was now? Mas magiging espesyal pa kaya ang trato nito sa kanya? Siya nga, sa sarili niya, alam niyang mahal na niya ito. Kung hindi lang iyon ganoon kalala ay malamang na hindi na siya mag-iisip pa ng mangyayari kinabukasan. She would just enjoy the day. Pero hindi naman kasi ganoon kababaw ang nararamdaman niya sa binata.

"Xynth?"

Napatingin siya sa binata nang marinig niya ang pagtawag nito sa kanya. "Bakit?"

"Anong iniisip mo?"

Napipilan siya. Hindi niya kayang sabihin dito na ito ang iniisip niya. Sila. She couldn't even say there was 'them'.

But I love this man. Gusto ko nang makuntento muna sa mga lambing niya, piping wika niya sa sarili.

"W-Wala naman," pagsisinungaling niya. "Iniisip ko lang ang dadatnan natin sa Magtanghay. Kung mapapadali ba tayo sa Nerissa na 'yon."

"Let's hope. Pero may pakiramdam akong madali lang 'yon, siya lang naman ang naroon sa Magtanghay. Wala siyang kasamang miyembro. Mas pabor iyon sa 'tin."

Tumango siya. Parang ayaw gumana ng isip niya tungkol sa pupuntahan nila. Parang mas gusto niyang unahin ang sa kanilang dalawa ng binata.

Mas lalo siyang nalungkot nang gagapin ng binata ang kamay niya at marahan iyong pinisil. She wanted to hold his hand forever... as if they were the only species that ever lived on the planet.

Xynthia's Mission To Love (Raw/Unedited Version) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon