"Sawa na akong masaktan nang dahil sa'yo. Paulit-ulit na lang na ganito. Nakakapagod na." Nangilid ang luha sa kanyang mga mata.

"Ano ba ang ginawa ko sa'yo ngayon? Pakipaliwanag sa akin," he urged her.

She was tired of everything. Nahihirapan na siyang kimkimin ang lahat ng sama ng loob niya rito. "Nakita kitang may kasamang ibang babae sa isang restaurant." Hindi na niya napigilan ang pagpatak ng mga luha niya.

"Kailan 'yon?" kunot ang noon na tanong nito.

"Nang araw na malaman ko na buntis ako." Nag-iwas siya ng tingin dito.

"At hindi mo man lang ako nilapitan para kausapin o itanong sa akin kung sino ang babaeng kasama ko?" napailing ito. "I've never cheated on you. Kahit noon. You might not believe this... but when we used to be together before wala akong naging babae. I was... and still am faithful to you."

Lumipad ang tingin niya rito. "Liar..." mahinang sabi niya.

"I may be an asshole but I'm never a liar. Magkaiba ang dalawang iyon."

"Six years ago, nakita kitang may kahalikang babae. Itatanggi mo 'yon?"

"Pinilit kong magpaliwanag sa'yo pero hindi mo ako binigyan ng pagkakataon." He told her what really happened. He ran his fingers through his hair. "Matagal ko nang gustong sabihin ito sa'yo. Hindi ko lang alam kung paano magsisimula. Sinabi ko na rin sa'yo na mas magandang itanong mo sa stepbrother mo. Hindi ko alam kung nagkausap na kayo... o sinabi niya ang totoo. Sa tingin ko mas maigi nang sabihin ko ngayon sa'yo ang side ko. Dahil hindi ko na matatanggap na mawawala ka na naman sa akin."

Walang salitang namutawi sa bibig niya. Nakita niya sa mukha nito na nakikiusap na makinig siya sa sasabihin nito. Pinagbigyan niya ito sa pagkakataong iyon.

"Six years ago, when you told me you were pregnant, I got scared. Hindi ko itinatanggi iyon. I was young. We were young. Pero nakabuo ako ng desisyon kahit may takot ako noon at hindi sigurado. I was determined to marry you. Pero hindi nangyari iyon dahil hinarang ako ng stepbrother mo. Si Micky. He told me, it wasn't right that I marry you. He won't let me marry you. Hindi rin niya ako pinayagan na makausap ka man lang. We fought, of course. Pero ano ang magagawa ko? Talo ako. Mas maimpluwensya ang kapatid mo... ang pamilya mo. Naduwag ako. Sino ba ako? Umalis ka nang bigla-bigla. Wala akong kaalam-alam. Gusto kitang sundan, hindi ko alam kung saan ka hahanapin. Wala rin akong kakayahan no'ng mga panahong iyon. Hindi ako kasing-yaman ng pamilya mo. Eventually, naisip ko na mas tama nga siguro na hintayin na lang kita. Hindi ka nawala sa isip ko, sa puso ko. Tapos isang araw, bumalik ka na. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya na muling makita ka." Gumaralgal ang tinig nito at may luha sa sulok ng mga mata nito.

Hindi na maampat ang mga luha niya nang matapos ito sa pagsasalita. Napakasama niya upang isipin at husgahan ito na walang kuwenta ito. Handa pala itong panindigan siya noon. Hinarang lang ito ng stepbrother niyang si Micky. Hindi niya akalain na umabot sa ganoon ang pagiging overprotective nito sa kanya.

Nais niyang malaman kung ano ang mga dahilan nito upang gawin nito sa kanila ang ganoon. Hindi pa siya nagkaroon ng pagkakataon na makausap ang kapatid niya. Hindi rin niya alam kung ano ang mararamdaman niya para dito.

Lumapit sa kanya si Jaeden at pinahid ang mga luha sa mga mata at pisngi niya. "Do you believe me?"

She nodded. Sa isang iglap ay nawala ang lahat ng sama ng loob niya rito. "Bakit ngayon mo lang sinabi ang lahat ng iyan?" mahinang sinuntok niya ang dibdib nito. Pero kasalanan din niya. She didn't give him a chance to explain.

"Hindi ko rin alam."

"You're an asshole," Aniya sa pagitan ng paghikbi ngunit nangingiti na siya.

Once And For Always (COMPLETE- Published 2013 under PHR)Where stories live. Discover now