Chapter 1: THE DREAM

69 9 32
                                    

Sorry for the technicalities. Binasa ko ulit ang chaps na ito at nagulat ako na hindi pala na-edit ang mga changes na ginawa ko.

Kindly read again the chaps if you like.

Thanks!

=========

Sa hindi malamang dahilan ay kasalukuyan akong naglalakad sa isang masukal na kagubatan.Nakatitiyak akong napakalawak ang lugar na ito habang nililibot ko ang paningin sa bawat lugar. Nakaramdam naman ako nang konting kaba dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko pa ito napuntahan, ngayon lang.Ngunit nakakapagtaka 'rin kung bakit at paano ba ako nakarating sa lugar na ito. Wala akong matandaan sa nangyari. Ang alam ko lang sa ngayon ay kailangan ko nang makauwi. Kanina pa ako palakad-lakad at wala pa akong nakikita ni isang daanan papunta sa kahit anong tinutumbong lugar.Patuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang sa may naaninag akong isang pigura ng pintong nakabukas at nakatayo sa gitna ng dalawang patpating puno sa aking harapan, kaya't nilapitan ko ito.

Patuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang sa may naaninag akong isang pigura ng pintong nakabukas at nakatayo sa gitna ng dalawang patpating puno sa aking harapan, kaya't nilapitan ko ito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Napakahiwagang tingnan ang pinto na kahit sino ay magtataka kung bakit andito ito at  kung para saan. Pero hindi ko naman maitago sa aking sarili ang pagkamangha lalo na't napapalibutan ito ng mga malalagong dahon at magagandang bulaklak. Idagdag mo pa na may nagliliparang maliliit na liwanag na naglalabas-pasok sa pinto, na ngayon ko lang nakita sa tanang buhay ko. Sa loob nang nakaawang na pinto, nasisilip ang isang tanawing puno nang iba't ibang klaseng halaman.

Dala nang aking kuryosidad, tatangkain ko itong pasukin. Humakbang na rin ako papalapit at biglang nasagi ko ang gilid ng pinto nang hindi sinasadya. Sa pagtama ng aking kamay sa pinto ay nakaramdam ako nang kakaiba. Para akong na-estatwa sa kinalalagyan at hindi makakilos. Hindi ko na maihakbang pa ang aking mga paa. Unti- unti namang nawawala ang tanawin sa loob at napapalitan nang nagsisidhing puting liwanag na lumalapit sa kinatatayuan ko.

Bigla akong natakot at nakaramdam ng matinding pangingilabot nang pumasok ang liwanag sa kanang kamay ko, kasabay nang parang isang napakalakas na boltahe ng kuryenteng dahan -dahang lumalakbay sa iba pang parte ng aking katawan. Hindi ko mapigilang mapaluha.Iniinda ko ang sakit na parang hinihiwa ang aking mga ugat na kasalukuyang umiilaw at sumasabay  sa daluyan ng aking dugo . Napaluhod ako at nangingisay. Para akong kinukumbulsyon. Napapaigtad na lang habang nakaluhod sa damong kinatatayuan ko.

Awakening | Descendants of The Gods Book 1Where stories live. Discover now