Part 7

8.9K 226 4
                                    

NAPANGITI si Yui habang kinukunan ng litrato ang luxurious villas ng resort. Estrella del Mar beach resort is the best of its kind. Bukod sa natural beauty ng sand beaches nito, the resort offers the best modern amenities na siguradong mae-enjoy ng customers. They have bars, restaurants, theatre, saunas, shops, gyms, volleyball and basketball areas at marami pa. Not to mention the hotels, cottages and villas na kinukunan niya ngayon ng larawan. Kaya hindi pa man niya naiikot ang buong lugar pero busog na busog na ang mga mata ni Yui sa ganda nito.

"Enjoying much?"

Nang lingunin ang may-ari ng boses ay napasinghap siya. He was wearing white cotton pants paired with powder blue polo with few buttons unbuttoned revealing his glorious upper chest muscles. Suddenly, memories from that night flowed like water again.

"Yeah. So... perfect."Are you trying to seduce me again? Because it's working.

"Pardon me?"

Pinagalitan niya ang sarili. She made a promise to forget everything. She has to stick to that.

"I said, you're resort is perfect."

"Thanks. It is really a beauty. By the way, nagtanghalian ka na ba?"

Gee! Bigla tuloy siyang nagutom. Hindi na niya napansin ang oras dahil nalilibang na siya sa pagkuha ng mga larawan. Sinilip niya ang relo. It's almost one in the afternoon.

"I didn't notice the time. Tatapusin ko lang 'to." Ilang shots nalang kasi ay matatapos na siya sa spot na iyon.

"No! Remember my rules? You will eat now."

"Sandali na lang ito."

"Nagugutom na rin ako, Yui."

Kumunot ang noo niya nang marinig ito. Does it mean he wants to eat with her? Please stop imagining things, Yui!

"Eh, di kumain ka."

Ngunit huli na ang lahat dahil kinuha na nito ang mga gamit niya at hiwakan siya sa kamay. Electricity seems like flowing from Red's hand to hers. It gives her a thrilling sensation that she knew she shouldn't feel.

"Let's eat together. Mamaya na ang trabaho." Pormal ang boses nito pero bakit tila kinikilig siya sa naririnig.

"Teka, Red—"

Pero wala na siyang magawa dahil hinila na siya nito patungo sa golf car.

Oh my, this is bad. Very bad!

RED'S PRIVATE villa is the most striking sa lahat ng villa na napuntahan niya. It's located at the far end of the resort kaya tahimik at malayo sa maingay na activities sa na nagaganap sa inner part ng resort. Bigla tuloy niya nalala ang rest house na tinirhan ni Bella at Edward during their honeymoon sa isang vampire movie. Halos pareho kasi nito ang hitsura.

Nakalimutan na niyang gutom siya dahil sa pagkamangha sa lugar. Kung hindi pa siya tinawag ni Red ay hindi niya maalalang lunch ang pakay niya sa bahay nito.

Nagniningning ang mga mata niya nang makita ang nakahanda sa mesa. Lahat na siguro ng masasarap na seafoods ay nandoon na. Napaisip tuloy siya kung sila lang dalawa ni Red ang kakain sa dami ng nakahanda roon.

"Inubos mo yata ang yamang dagat ng Pagudpod."

"I want you to eat well. Baka sabihin mo hindi ko inaasikaso ang mga bisita ko rito sa resort."

"I'm your employee for now. Hindi ako bisita."

"Pareho na rin 'yon."

Hindi na siya nakatanggi nang ilagay nito sa plato ang hinimay nitong alimango.

"Masarap 'yan. Sige na kain na."

Hindi man lang niya magawang alisin ang mga mata sa binata. For her, he's really acting strange. Mula noong malaman nitong nandoon siya sa resort ay marami silang naging pagtatalo. Pero ngayon ay kakaiba ang timplada nito sa kanya.

Could it be that he's just sorry about what happened to her? Or could it be that he's trying to win her trust again?

Tahimik siyang kumain habang binabantayan niya ang mga kilos nito. He actually wasn't doing anything else weird besides offering her each viand on the table. Pero hindi siya pakakasiguro sa mga intensyon nito. Marami nang nawala sa kanya at hindi na niya papayagan na maloko muli siya nito.

"Why are you doing this?" Pranka na tanong niya. Kung may pinaplano man itong hindi maganda ay nais na niyang tuldukan iyon ngayon pa lang.

"Doing what?"

"This."

"I'm just inviting you for lunch. Masama ba?"

"Hindi naman. As long as malinis ang intensyon mo."

She saw him smiled and looked at her straight in the eyes. Gosh, those gorgeous brown eyes. And yeah! That smile.

"Don't flatter yourself too much, Yui. I'm just inviting you for lunch. Kahit papano ay magkaibigan tayo. Hindi ba?"

That actually made sense to her. Wala naman talagang masama kung maging kaibigan niya ito. Mas makakabuti nga iyon upang maibsan kahit papaano ang awkwardness na nararamdaman niya tuwing magkasama silang dalawa.

"Mabuti. Kasi ayokong magkaroon ng issue sa atin."

"There's no issue."

"Let's be honest. We're not comfortable seeing each other again after what happened."

"Akala ko ayaw mo nang pag-usapan iyon?"

Maari kayang siya lamang nga ang nag-iisip pa rin ng tungkol sa nangyari sa kanila? It seems like Red has moved on already about it.

Siyempre, lalaki siya! He didn't lose anything. But why can't she feel the same way like him and leave everything in the past? Sa loob niya ay alam niyang dapat na iyong kalimutan na iyon pero hindi pa rin niya mapigilan ang sarili na maalala iyon. Lalung-lalo na kapag nakikita niya ito.

"Tama. Ayoko ngang pag-usapan iyon."

"So, friends?"

Nakita niya ang mga kamay nito na nakalahad sa harap niya. Nalilito tuloy siya kung tatanggapin iyon. Kanina lang ay nakuryente siya nang hawakan siya nito. Pero alam din niyang kailangan niyang masanay na makasama ito palagi. She'd be staying there for a couple of weeks. And he'll be her boss. She needs to be desensitized from him. Dahil kung hindi ay hindi rin siya magiging effective sa trabaho.

"Friends." At kinamayan niya ito.

Aarghh... Kailan ka ba mawawala kuryente ka!

Miss Diagnosed (COMPLETED/unedited/raw version) Published under PHRWhere stories live. Discover now