"Akala mo ba hindi ko pa nakita ang grade na binigay mo sa akin? This is unfair!" malakas na wika nito. Nakaagaw sila ng atensiyon ng ilang kumpol ng istudyanteng nasa pasilyo kaya huminto siya sa paglalakad at hinarap ito.

"Why? You get what you deserved." Kaswal na sagot niya. Kung alam lang nito na ito ang pinakamataas na marking ibinigay niya.

"One point twenty-five? Oh c'mon Adam, it should be flat one! I always got perfect scores in your exams. Magrereklamo ako sa Dean." Umuusok ang ilong ng dalagita. Nakakatuwang pagmasdan ang namumulang mukha nito.

"Go ahead. I won't mind." Nagkibit siya ng mga balikat.

"You are just afraid to give me a grade of flat one because of the agreement we made. We had a bet remember?"

"Bet? What are you talking about?" napakunot ang noo niya.

"That you are going to have a dinner with me if I get flat one!" nagtatangis ang mga bagang nito. Gusto niyang matawa sa ekspresyon ng mukha nito para itong iiyak anumang oras.

"Dream on miss Sanvictores, one point twenty-five is equivalent to ninety-eight and it's quite a high grade. Now, if you're asking why I didn't give you flat one, it's because of your attendance. You rarely attend my class."

Sandali itong hindi umimik at may binulong na hindi nakaligtas sa kanyang tainga.

"Darn, I'm going to kill you for this!" galit na wika ng dalagita. Nanghahangilid ang luha nito sa mata.

"Go tell your dad what I've done."

Tiningnan siya nito ng masama bago tumalikod at mabilis na naglakad palayo. Napailing na lang siya at dumeretso sa loob ng kanyang klase.

BUMILI si Jenna ng ilang sangkap na kakailanganin niya para sa kanyang mga lulutuin sa loob ng isang linggo. Mabuti na lang at malapit lang ang kanyang condo sa isang malaking mall sa Ortigas. Isa-isa niyang tiningnan ang mga notes niya sa cellphone kung nabili na ba niya lahat na nasa listahan niya. Kinailangan niyang mag-grocery dahil sisimulan na niya ang pagpinta sa kanyang obra.

Akma siyang pupunta sa counter nang maagaw ang atensiyon niya sa isang pareha. Nakaakbay ang lalaki sa babae. Bigla niyang naikuyom ang kamao, she was sure she was not seeing a ghost. The guy was her ex-fiance and he was with another woman. Hindi na siya nakapag-isip pa bagkus ay nagmadali siyang lapitan ang mga ito.

"Nick!" masama ang tingin niya rito. Lumingon ang lalaki at nasa mukha nito ang matinding pagkagulat.

"Jenna? W..hat are you doing here?" hindi ito makapaniwalang nagkrus ang landas nila ilang linggo matapos na hindi ito sumipot sa simbahan.

"Hon, who is she?" nagtatakang tanong ng babaeng kasama nito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.

"She's an old friend." walang gatol na wika ni Nick na lalong nagpakulo ng dugo niya.

"Old friend huh, how about ex-fiance? Did you know what he did to me?" baling niya sa babae.

"Jenna please, huwag kang mag-iskandalo rito." Nasa mukha ng lalaki ang pag-aalala. Kilala siya nitong walang sinasanto. At mag-iiskandalo siya anumang oras niya gusto lalo na kung sa tingin niya ay tama siya. But this time, wala siyang planong gawin iyon. Gusto lang niyang kumpirmahin ang hinala.

"What is she talking about?" baling ng babae kay Nick. Nasa mukha nito ang pagkalito.

"Oh, it seems that you don't know. Ask him what he did to me few weeks ago. Right Nick?" nagtangis ang bagang ng lalaki.

Adam's Verdict PHR (COMPLETE)Where stories live. Discover now