"Halika ka na." nakangiting yaya na nito sa kanya.

Isinara niya ang kanyang laptop at inilagay sa case niyon, saka isinuksok sa kanyang tote bag. Hinawakan nito ang kamay niya at sabay silang nag-lakad palabas ng hotel/restaurant.

"About Lindsay," huminto ito at humarap sa kanya, "She's just one of my acquaintances." Anito na tila nabasa ang bumagabag sa kanya.

Namula ang mukha niya ngunit napanatag niyon ang loob niya. Kapagkuwan ay naglakad na uli sila.

Habang magkahawak ang mga kamay nila, may isang bagay na tumimo sa isipan niya. Shinji was more than a friend to her now.

MAY NGITI sa mga labi ni Erika habang pinagmamasdan niya si Shinji na nakaupo sa buhanginan. Napagpasiyahan nilang tumambay sa dalampasigan—suot ang mga damit panligo nila—pagkatapos nilang mag-swimming kanina. Shinji was absorbed writing something on a piece of paper, on his lap was his guitar. Bilib na talaga siya rito dahil tila hindi ito nauubusan ng inspirasyon o paghuhugutan sa pagko-compose ng mga kanta. Kahit saan ay kaya nitong lumikha ng mga kanta.

Halos hindi siya makatulog kagabi dahil sa kakaisip sa natuklasan niyang damdamin para kay Shinji. Alam na niya kung bakit sa tuwing titingnan siya nito o madidikit ang balat nito sa kanya ay gano'n na lang ang reaksiyon ng katawan niya. Lahat iyon ay may malisya, walang duda. At batid niyang hindi lang simpleng atraksiyon ang nararamdaman niya para dito.

Sa palagay niya ay matagal na siyang may pagtingin ng higit pa sa isang kaibigan para kay Shinji ngunit ayaw lang i-entertain iyon ng isip niya dahil matalik na magkaibigan sila simula pagkabata nila. Pakiramdaman niya noon ay isang malaking kasalanan ang magkagustuhan sila.

At ngayon nga, habang titig na titig siya rito ay may ideyang biglang pumasok sa isip niya. Naisip niyang perfect 'hero' ito sa bagong istorya na balak niyang isulat. There was this guy named Shinji... katha ng isip niya.

"Why are you grinning like silly?" kapagkuwan ay amused na tanong ni Shinji sa kanya nang lingunin siya nito. Ibinaba nito ang hawak na ballpen at papel sa ibabaw ng gitara nito na inilapag nito sa buhanginan.

Itinuwid niya ang kanyang mga labi. "Wala naman may naisip lang ako."

"Nahihiwagaan ako sa mga ngiti mong iyan." he inched closer to her. Napadako ang tingin nito sa bikini top niya. Nakakalokong ngumisi ito.

Na-conscious siya bigla sa ginawa nito. "Mag-compose ka na lang diyan. Magbabanlaw na ako."

Akmang tatayo na siya nang hilahin nito ang braso niya. "Dito ka muna. Mamaya ka na maligo."

Marahil sa bigat ng katawan niya at pagkabigla ay hindi niya nabalanse ang katawan niya at sumubsob siya sa ibabaw ng katawan ni Shinji. Nadaganan niya ito! Nakahiga na ito sa buhangin habang siya naman ay nakakubabaw rito. Ang mga kamay naman nito ay nakaalalay sa likod niya.

Dinagundong ng malakas na kaba ang kanyang puso. Hindi niya malaman kung paano babangon mula sa kinasasadlakan niyang posisyon.

Ganyan dapat ang mga eksenang sinusulat mo sa mga nobela mo, Erika. Perfect na perfect!

Ilang sandali ang lumipas na kapwa sila hindi gumagalaw. Why did it feel so right to be like this? Feeling his naked chest on her cheeks sent delicious fire on her. Naririnig niya ang pabugsu-bugso nitong paghinga.

Natauhan lang siya sa ginagawa niyang pagnamnam sa init ng katawan nito nang marinig niya ang mahihinang hagikgik ni Shinji. Tumingala siya para alamin kung bakit ito nagkakaganoon.

Tatta Hitotsu no Koi (COMPLETE- My One And Only Love) [Published 2012 under PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon