Chapter Twenty Nine

Start from the beginning
                                    

His sobs makes me weak. Nanghihina ako na marinig siyang umiyak, na makitang siyang nasasaktan at makita siyang ganito. Sira at miserable.

"Ikaw ba yung asawa ko? B-bakit ka naiyak?" Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko. Hindi ito ang dapat mangyari. Hindi dapat ako naiyak ngayon, pero bakit ganito?

"L-Levinn.." I stammered. Hindi ko kayang maibigkas ang pangalan niya ng tuloy tuloy dahil nanghihina ako, natatakot ako.

"I-Iniwan niya ako dahil sa kagaguhan ko. N-Nasaktan ko na naman kasi siya. Gago kasi ako." Mas lalong humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang bumalik lahat ng pagmamahal ko sa kanya, bakit?

"S-Sirang sira na ako. W-Wala na kasi yung buhay ko. Yung kumukumpleto sa pagkatao ko, iniwan na naman niya ako. Ulit." Hinayaan ko lang ang sarili kong umiyak. Hindi ko alam na hahantong ang lahat sa ganito. Akala ko magiging masaya siya, kasama ang kapatid ko.

"B-Bakit naiyak ka rin? Don't cry. Y-Yayakapin na lang kita para hindi ka umiyak. Gustong gusto ni Freen ang yakap ko." Mas lalo pang humigpit ang yakap niya sa akin. Mas lalo kong naramdaman ang katawan niya sa katawan ko. Mas lalo ko siyang naramdaman, parang naging buo ulitako.

"M-Mahal na mahal ko 'yun, kaya kong ibigay lahat sa kanya pero lagi ko naman s-siyang nasasaktan." He cry.

Tumahimik ang paligid, walang nagsasalita sa amin. Biglang bumigat ang katawan niya na tanda ng pagkatulog niya. Inalalayan ko siyang maglakad hanggang sa isang kwarto, dala siguro ng kalasingan niya kaya agad siyang nakatulog. Wala siya sa sarili, pero alam kong totoo lahat ng sinabi niya. Magulo ang loob ng kwarto, nagkalat na damit at mga basyo pa rin ng bote ang nakikita ko. Inihiga ko siya sa kama.

"T-Teka, p-patulugin mo na ba ako? G-Gusto pa kitang kayakap." Hinawakan niya ako sa braso pero dahil sa kalasingan ay nabitawan niya rin iyon.

"H-Huwag mo a-akong iwan, dito ka lang. Y-Yakapin m-mo ako."

"Lasing ka, basang basa ang katawan mo ng pawis. Magpahinga ka muna."

"H-Hindi ako lasing! K-kasi kapag lasing ako, h-hindi ka totoo. M-Masasaktan lang ulit ako. K-Kasi wala ka, h-hindi ka totoo." I closed my eyes dahil sa nagbabadyang pagpatak ng luha ko. Pinipigilan kong hindi maiyak, dahil siyam na taon na ang nakararaan ng ipangako ko sa sarili ko na hindi na ako ulit iiyak pa dahil sa sakit na dulot niya.

Lalabas na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko.

"H-Huwag mo akong iwan. N-Natatakot ako, please. Y-Yakapin mo lang ako." Napatigil ako. Lumapit ulit ako sa kanya. This time, I caressed his face.

"Babalik ako, hindi kita iiwan." Doon niya lang binitiwan ang kamay ko. Lumabas na ako at kumuha ng tubig at palangana, naghanap din ako ng malinis na towel at nakakita naman ako. Bumalik ako sa kwarto kung saan ko siya inihiga, nakapikit na siya at mahinang humihilik. Binasa ko ang towel na nakuha ko at ipinunas sa katawan niya, he still have the greek body he has. Maikli ang gupit ng buhok niya but he still have his trademark. His stubbles. Nakakita ako ng upuan kaya kinuha ko iyon at umupo malapit sa kanya.

Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na humaharang sa mukha niya, wala siyang pinagbago. Ganoon pa rin ang itsura niya pero kahit saan man tignan ay lalaking lalaki pa rin siyang tignan. Hindi ko na nagawang palitan ang suot niyang kupas na pantalon. Kinumutan ko na lang siya upang hindi siya lamigin, mataas ang lagnat niya at lasing pa siya. Siguradong kapag nagising siya kinabukasan ay masakit ang ulo niya. I looked at him, my Levinn. Bakit ganito ba ang tadhana? Mapaglaro? Hindi ba pwedeng maging masaya na lang kaming lahat? Yung walang sakit na mararamdaman at mararanasan. Hinawakan ko ang kamay niya at tinitigan siya. I smile painfully, kamusta na ba siya? Sa loob ba ng siyam na taon ay naging masaya siya? Ano kaya ang magiging reaksyon niya kung sakaling ipakilala ko na siya sa mga anak niya? I'm sure magiging masaya ang kambal kapag nakilala na nila ang daddy nila. I could imagine their shocked face if they  saw their father standing in front of them. I could hear their voice calling Levinn, "Daddy!" I could see their excited look.

Sana hindi niya ako kamuhian sa pagtatago ko sa mga anak niya, sana tanggapin niya at kilalanin niya at mahalin niya sina Axcel at Aivan. Sana kapag dumating sa point na nakilala na niya ang mga anak niya ay kayanin niya ang tantrums ni Axcel at ni Aivan, ang kakulitan ni Aivan at ang kasungitan ng panganay niya. Sana maging masaya siya at ang mga anak ko. Iyon na lang ang natatangi kong hiling, ang makita silang tatlo na masaya. Siguro iyon na ang pinakamaganda at pinakamasayang tagpo ng buhay ko. Ang makita silang tatlo, magkakasama, masaya at mahal na mahal ang isa't isa.

"I'm sorry for not giving you an opportunity to be the father of my children."

I kissed his forehead and hold his hand until everything went black.

****

This story is not for publishing.

My Husband's KissesWhere stories live. Discover now