Carol: LANGYA KA MIKANG! Ang baho- baho ng medyas mo tas ibabato mo sa akin! Ba't mo ba kasi ako binato ng mabahong medyas?

Mika: ANG KAPS MO NAMAN CAROL! Hindi mabaho ang medyas ko. Alam mo bang marami ang nagkakandarapa sa medyas na yan dahil pagmamay- ari yan ng isang Mika Reyes, mag pasalamat ka nga at dumapo pa sayo yung medyas ko HAHAHAHA XD

Carol: TAMA NA! Masyado ng mahangin! dagdag pa yan polusyon. Ba't mo nga ba kasi ako binato?

Mika: Ang OA mo kasi mag react eh, wala naman nangyaring masama kay Camille eh.

Carol: Diba ayun yung sinabi ni Ara?

Ara: Wala noh! Sadyang OA ka lang. Hindi pa nga ako tapos mag salita kanina bigla ka na lang nag react.

Carol: Sorry naman, eh kasi yung expression mo kanina parang may nangyaring masama sa Camille KO.

Maka-KO naman ako eh hindi ko naman pagmamay-ari yung tao.

Mika: Maka- Camille KO ka naman, teh pagmamay-ari mo? hahaha JOKE.

Carol: CHE! Oh bakit nga kayo andito? Direct to the point niyo ng sabihin sakin, para if ever na i-flashback ko ito hindi na masyadong mahaba hahahaha.

Ara: Sige na nga! Baka sisihin mo pa kami. Kaya kami nandito ay para sabihin namin sayong wala na si Camille at Gab.

Carol: ANO?! TINANAN NI GAB SI CAMILLE? ANO SINABI NI CIENNE?

Ara: LOKO! Anong tanan yang pinagsasabi mo?

Carol: Sabi mo kasi wala na sila.

Ara: Wala as in BREAK na silang dalawa.

Carol: Eh break lang naman pala sila eh........ WAIT AS IN BREAK NA HIWALAY?! Siguro niloko nung Gab na yan si Camille kaya nakipaghiwalay o kaya hindi niya talaga mahal si Camille o kaya nakahanap na ng bago yung unggoy na yun.

Mika: KALMA LANG! Hindi namin alam ang tunay na dahilan. Kaya kami nandito ay gusto ka na namin bumalik ulit sa dorm dahil kailangan ka ng labidabs mo.

Carol: Corni naman ng labidabs na yan pero infairness kinilig ako dun hahaha. Sige pag-iisipan ko muna kung babalik na ako dun, kasi miski ako hindi pa ako ready makita siya.

Mika: PSH! Pag-iisipan pa ba yun? Pag balik kaya natin sa dorm tusukin ko yang dalawang mata mo para hindi mo na talaga siya makita, tutal hindi ka pa naman ready na makita siya diba?

Carol: ANG HARD MO AH! Pag-iisipan ko pa. Lumayas na nga kayong dalawa tsupi!

Ara: Ayaw namin kasi sabi ni Tita O na ipagluluto niya kami ng specialty niya kaya makiki-kain muna kami sa inyo. Hahaha.

Carol: MOMMY!!!!!

Lumapit si mama sa amin.

Carol's Mom: Oh, tara luto na yung pagkain, kain na kayo.

Ara: Yehey! Thank you Tita O :)

Mika: Thank you Tita O :) I'm sure masarap yung niluto mo.

End of Flashback

Andito na ako malapit sa dorm namin, tinext ko na din si Ara kagabi na ngayon ako uuwi kaya ayun nag-aya mag mall na lang daw kami. Wala pa ba silang sawa mag mall? Kasi sa simula pa lang ng storyang ito puro mall na ginagawa namin hahaha XD

Two Hearts Beat as ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon