PRINCE'SS CHARMING (ONESHOT)

93 14 33
                                        

**************

[A/N]

Nanghinayang lang ako sa mga gwapong bakla kaya ginawaan ko ng story XD

NO SOFTCOPIES! 

By: fairytaillen
**************
LEO'S POV

"Buntis ako."

Nabigla sya sa sinabi ko at tinitigan ako ng masama.

"Tigilan mo nga ako sa kalokohang mong yan." Sabi nya sabay layo sakin

"Anong kalokohan? Nagbunga na ang pagmamahalan natin! Buntis ako ."

Napataas pa sya ng kilay at napabuntong hininga ng malalim.

"Look. Mahal ko si Eris, OK? At kung magkakaanak man ako, Kay Eris lang yun at di sayo." sabi ni Mark sakin

Expected ko na naman ang sasabihin nya pero masakit pala talaga kapag sa kanya na nanggaling.

So all this time , si Eris pa rin ang mahal nya? Na pampalipas oras nya lang ako.

Di ko mapigilan ang lumuha at pinaghahampas sya.

"How dare you?! Matapos ang lahat, sasabihin mo na si Eris pa rin ang mahal mo? Pano naman ako?! Pina-fall mo ako tapos wala ka namang balak saluhin ako?!"

"Pvta! Tumigil ka nga." Tinulak nya ko kaya napaupo ako sa lupa.

"Itigil mo ang ka-dramahan mo dahil Wala ka namang matress... 

BAKLA KA!"
At naglakad na sya papalayo sakin


Ay, oo nga pala. Nakalimutan ko!

BAKLA NGA PALA AKO.

Isang bakla na naghahanap ng pagmamahal. At ang akala ko si Mark na ang lalaking magbibigay sakin nun pero nagkamali na naman ako.

Ako nga pala si Leo a.k.a. Lea, isang simpleng prinsesang isinumpang maging bakla na kailangang mahalikan ng aking prince charming para mawala .. CHARAUGHT!

Maraming nagsasabing sayang daw ako kasi gwapo daw ako kaya nga lang bakla.

Akala ng iba prince charming  ako. Yun pala princess charming !!

Prinsesa kaya ako tapos maganda pa! Pak, Dyosa.

Anyways, So prinsesa aketch na nakatira sa palasyo kung saan ang buhay ko'y parang isang fairytale. Kinaiingitan ang beauty ko. Binubogbog lagi ni papa, kinukutya at isinusumpa ni mama. Gusto nila akong maging straight kaya nagpa-rebond na ko. Pero ganun parin kinakawawa na naman nila ang beauty ko. Buti na lang nandyan ang sisteret ko at tanggap ako ng buong puso. Sya lang ang naging proud sakin .

Ok, tama na ang drama! makauwi na nga lang.

*************

"Hoy Leo! Ano na namang suot yan! Magpapalit ka ba o Gusto mong palayasin kita ng hubad yang kasuka-suka mong damit!" sigaw sa akin ni pudra.

My gosh! Kadadating ko lang bunganga na agad? Di ko na lang pinansin kaya lumapit na lang ako para magmano. Imbis na palad ang mamano ko, ang kamao ng tatay ko ang sumalubong sa akin.

Sinira ang dress ko at kinaladkad palabas ng bahay. Sa harap ng maraming tao ay pinaggugulpi ako.

"Hoy bakla ka! Kung Hindi ka pa magtutuwid higit pa dyan ang aabutin mo!"

"Salot na bakla." Pahabol ni mama.

Hindi ko mapigilan ang umiyak. Nasira ang dress Kong bigay ng kapwa ko Badaf. Nasira ang make-up ko, pero higit sa lahat.. Hindi pa rin nila matanggap ang tulad ko. Ipinagkakait pa rin nila ang pagmamahal na hinahangad ko

PRINCE'SS CHARMING (oneshot)Stories to obsess over. Discover now