Chapter 29: Kilala Ka Na Namin

Start from the beginning
                                    

"Anong sikreto mo, Jules?" tanong ni Mayor.

"Ako?" pag-indak ni Jules. "Wala ha."

"Sabihin mo na, Jules!" udyok ni Hannah. "Pakipot ka pa eh!"

"Yes, Jules," sabi ni Father Markus. "Sabihin mo na."

Curious na nakatingin sina Mayor Arteza at Hepe kay Jules. Wala silang ideya kung ano iyong sikreto na tinutukoy. Sina SP04 Rosales at Manong Driver ay nagtataka rin. Nang makita ni Jules na pati si Father ay nakiki-udyok ay napabuntong-hininga siya't nag-give in.

"Meron akong matatawag n'yo na special ability," aniya sa kanila. "Ang tawag sa kanya ay Photographic Memory."

Na-impress sila, lalo na si Mayor Arteza na may basic idea kung ano iyon. In-explain ni Jules na ang Photographic Memory, or tawag din minsan na Eidetic Memory, ay isang rare ability ng isang tao na makatanda ng mga bagay, mga texto, numero, maging daang pages ng libro sa isang basahan lamang. Naga-apply rin ito sa mga litrato o visual na kanyang maaalala in great detail kahit na magdaan ang maraming araw.

"Kahit anong itanong n'yo alam ni Jules," pagmamalaki ni Hannah. "Mr. Encyclopedia!"

"Wala palang sinabi si Ernie Baron," sabi ni SP04 Rosales.

"Ah kaya pala kanina sa ospital na-isa-isa mo 'yung pangalan ng mga dimonyo ng walang palya!" masayang sabi ni Hepe.

May pumasok sa isipan ni Mayor.

"See, 'yan ang 'di ko magets," punto niya may turo pa ng daliri. "Kung ang kailangan lang ay malaman ang pangalan ng demon para i-cast out siya, why not during exorcism, i-mention isa-isa ang mga pangalan ng demons until you get it right? Parang trial and error. Kung nag-react siya sa isang pangalan, then maybe that's his name."

"Hulaan, ganun?" natatawang sabi ni Hannah. "Hindi ganun 'yun, Mayor. Lalong lalakas ang dimonyo."

"At bakit?" tanong ni Hepe.

Si Father Markus ang sumagot.

"Sa mahina nating pananalig. Ang kawalan ng faith. Sa ating self-doubt. Doon kumukuha ng lakas ang dimonyo. Doon siya nagfee-feed. Hindi ka puwedeng humarap sa kanya na hindi ka sigurado. Kapag binanggit mo ang pangalan niya dapat ay may conviction, may matinding paniniwala ka sa sinasabi mo, at saka lamang siya magre-react. Kung wala nito ay mako-corrupt ka niya. Mako-control ka niya."

Ganun na lang ka serious ang delivery ng pari na natahimik sila. Pati si Manong Driver ay napahinto midway sa pagsubo ng pancit.

"Sooo," pag-break ni Hannah ng silence. "Ngayon, alam na natin ang pangalan niya!"

"Yes," nakangiting sabi ni Jules. "Kilala ka na namin, and we're coming!"

Mag-a-alas-sais na nang makabalik sila sa Daigdigan. Naghiwalay ang dalawang sasakyan sa may plasa kung saan tumungo sina Hepe at SP04 Rosales sa police station at ang Pajero nama'y pabalik sa bahay ni Mayor. On the way, naisip ni Mayor na sabihin sa kanila na may relasyon sila ni Karen, since alam niyang magtataka na naman ang mga ito kapag nakita nila ang tour guide sa bahay. Feeling naman ni Mayor na sa puntong ito, ay close na silang lahat sa isa't-isa at puwede nang mag-share ng mga sikreto.

"Just to let it out there," umpisa ni Mayor. "Na-notice n'yo siguro ang pagiging close namin ni Karen. Well, the thing is, we're actually together."

"What?!" ang exaggerated na reaction ni Hannah. "'Di nga? 'Di namin alam!"

"Oo nga!" dagdag emote pa ni Jules. "Akala namin close lang kayo!"

Napangiti si Manong Driver at umiling. Ganoon din si Father Markus na medyo inaantok na't nakasandal sa upuan.

"Well, 'di ko rin kasi ma-divulge agad," nahihiyang sabi ng alkalde. "You know, with our age difference and all that. Ayoko kasing isipin ng tao na social climber si Karen."

"'Wag mong isipin 'yung age gap n'yo," sabi ni Jules. "'Di na uso 'yan ngayon."

"Oo nga," agree ni Hannah. "Age gap lang 'yan, kung sa bible nga may incest eh!"

"Incest sa bibliya, m'am?" singit ni Manong Driver. "'Di ba bawal 'yun?"

"Naisip mo na ba, manong, kung paano dumami at nag-populate ang mundo kung galing lang ang lahat kay Adan at kay Eba?" sabi ni Hannah.

Napakamot ng ulo and driver at tila napa-oo nga ano?

"Anyway, Sonny," balik ni Jules sa pinaguusapan nila. "Bagay naman kayo eh."

"Really?" ngiti ni Mayor, tumaas lang confidence niya.

"Oo naman!"

Nakarating sila sa bahay ni Mayor and sure enough, naroon si Karen na naghihintay. Medyo busog pa sila sa mineryenda kaya't nagsandwich na lang sila. Nagtext earlier si Mayor na maghanda sa bahay ng club sandwiches at iyon ang hinapunan nila. After, nag-wine and cigarettes sila sa poolside. This time, hindi na nahihiya si Mayor at Karen na mag-PDA.

Gusto sana magswimming ni Hannah sa pool, kaso wala raw siyang bathing suit. Laking tuwa niya nang mag-offer si Karen na pahiramin siya at samahan pa na maligo. Hindi na nagtaka si Hannah na sa walk-in closet ng Master Bedroom ay naroon ang mga bathing suit at iba pang damit ni Karen. Suot na nila ang bathing suits, pero sa last minute ay biglang bumuhos ang malakas na ulan at napilitan na lang silang mag-retiro sa kanilang mga kuwarto.

Kinabukasan ay may ulan pa rin, bagama't mahina't panaka-naka lamang. Late sila nagising dahil sa lamig at sarap ng pagkakatulog, at pagod din sa pagbiyahe nila galing Oram. Nagalmusal sila ng coffee, toast, jam at pancakes. Ngayo'y panay chikahan na nina Hannah at Karen. Nang makita ni Karen ang mga tattoo ni Hannah sa navel at kanang ribs kagabi nang nagbihis sila sa bathing suit, ay gusto na rin niyang magpa-tattoo at ito ang subject matter nila sa umaga.

Si Jules at Mayor naman ay nagluklok hawak ang kanilang mga coffee mugs sa den. Pinakita pa ni Mayor ang kanyang collection at kinuwento ang istorya sa likod ng mga ito. Kung magkano at paano niya na-acquire.

Samantala, si Father Markus ay tahimik na nagmeditate sa kanyang kuwarto. Taimtim ang kanyang pagdarasal sa paghahanda sa napipinto nilang pagsagupa sa dimonyo.

Alas-onse na nang magdecide sila na umalis.

NEXT CHAPTER: "Paghahanda"

Ang Batang Ipinanganak sa Haunted HouseWhere stories live. Discover now