Chapter 28: Sa Mental Hospital

Start from the beginning
                                    

"Mabango. Amoy lotion," sabi ni Ester.

Gustong matawa ni Hannah bagama't siryoso ang moment.

"Mabango talaga si Father," sabi ng psychic. "Nagdedeodorant ata..."

"Shhh!" inis na saway ni Jules, at binalikan si Ester. Nasa isip na niya, alam na niya ang gagawing line of questioning.

"Ibig mo bang sabihin mabango ang mga taong banal?" tanong ni Jules.

Napamulat sina Hannah at Father Markus. Ganoon din sina Hepe, Mayor at Direktora. Na-gets nila ang pinatutunguhan ng mga tanong ni Jules.

"O-oo," sagot ni Ester.

"Paano naman ang amoy ng masama," pagtuloy ni Jules. "May amoy ba ang kasamaan?"

"Sunog. Amoy nasusunog," mabilis na sagot ni Ester.

Napatango sila. Sumenyas si Jules kay Father Markus at Hannah na mag-usap muna sila sa labas. Nagpaalam sila kay Ester na aalis lang sandali at babalik din. Nagpunta sila sa viewing room kung saan pinulong nila sina Hepe at Mayor habang curious na nagmamasid si Direktora, panay ang tingin sa kanyang relo.

"Okay, obviously may encounter si Ester sa demon," sabi ni Jules.

"Agree," sabi ni Hannah. "Naka-experience siya ng ibang plane o dimension at natatandaan ng senses niya."

"Natatandaan din kaya niya ang demon?" tanong ni Mayor.

"At kung nasabi kaya sa kanya ang pangalan?" dagdag ni Hepe.

Sa tabi, tumaas ang kilay ng Direktora sa kanyang naririnig. Dimension. Demon. Sa isip niya'y kung mga luko-luko din ba ang mga bisitang ito. May bakante pa sa ospital para sa kanila.

"Nasa subconscious niya," sabi ni Father Markus. "Ang tanong eh, kung paano natin ito mailalabas sa kanya."

"Mabuti pa pumasok na tayo uli," suggest ni Jules. "Habang may momentum."

Dalian silang lumabas ng viewing room at bumalik sa main room para muling kausapin si Ester. Naupo muli ang tatlo sa tapat niya. Nakakaramdam sila ng kanya-kanyang excitement sa tinatakbo ng mga pangyayari.

"Mahilig kang magbasa ng bible?" umpisa ni Father Markus at tinuro ang hawak ni Ester.

"O-oo."

"Sa bibliya may mga demons, hindi ba?"

"M-meron."

"Kilala mo ba mga pangalan nila?"

Natahimik si Ester at tinignan sila na may takot. Inisa-isa naman ni Jules ang mga first-hierarchy demons.

"Beelzebub, Astaroth, Gressill, Berith, Sonneillon, Leviathan, Verrine..."

Nang madinig ni Ester ang mga pangalan ay namutla siya't pinagpawisan. Napansin iyon ng tatlo.

"Sino sa kanila ang amoy sunog, Ester?" tanong ni Father Markus.

"Beelzebub, Astaroth, Gressill, Berith, Sonneillon, Leviathan, Verrine..." paulit-ulit na sabi ni Jules.

Sa kabilang kuwarto, na-tense sina Mayor at Hepe.

"Sino sa kanila ang naamoy mo, Ester?"

Gustong magsalita ni Ester pero hindi niya magawa. Gusto niyang sabihin pero ayaw ng dila niya.

"Beelzebub, Astaroth, Gressill, Berith, Sonneillon, Leviathan, Verrine..."

"Sino sa kanila ang nakita mo, Ester?" diretso nang tanong ni Father Markus.

"Si..." hindi matuloy ni Ester ang sasabihin.

"Ester! Sino sa kanila?"

"Si..."

At biglang na lamang nabitawan ni Ester ang hawak na bibliya at nanigas ang kanyang buong katawan.

"May pumipigil sa kanya!" sigaw ni Hannah.

"Ang pangalan, Ester!" sigaw ni Father Markus. "Ano'ng pangalan niya?!"

Hindi na nakasagot si Ester. Bigla na lamang umikot pabaliktad ang itim ng kanyang mga mata, at naiwa'y mga puti, at siya'y nagsimulang manginig. Sa viewing room, hindi makapaniwala sina Mayor at Hepe sa nasasaksihan. Nagsi-seizures si Ester. Napatayo ang shocked na si Direktora at daliang lumabas ng kuwarto.

"Ang pangalan, Ester! Ano'ng pangalan niya" desperadong pilit ni Father Markus.

At sa sandaling ito, sa nangyayaring panic ay may naramdaman si Hannah. Bigla siyang nabingi sa ingay at nakarinig ng boses sa kanyang utak.

Biglang bumukas ang pintuan ng kuwarto at pumasok si Direktora kasama ang dalawang lalaking nurses at kanilang ininjection-an si Ester para kumalma. Maya-maya'y tumigil ang seizures niya at siya'y bumalik sa normal.

Pumasok na rin ng kuwarto sina Hepe at Mayor.

Inakay ng mga nurse palabas si Ester habang namumula sa galit na hinarap sila ni Direktora.

"Lahat kayo! Get out!" sigaw ng matabang puno ng ospital.

"Pero, we have a breakthrough!" dahilan ni Mayor.

"Wala 'kong pakialam kung Mayor ka! Labag sa batas ang ginagawa n'yo! Get out bago ako tumawag ng pulis!" galit na utos ni Direktora.

"Yes?" sabi naman ni Hepe.

"Hindi ikaw!" sigaw ni Direktora. "Gusto n'yong idemanda ko kayo?!"

Magpapaliwanag pa sana si Mayor pero hinatak na siya ni Hepe paalis at nagsunuran ang lahat. Nagmamadali silang lumabas ng kuwarto at nakita pa nila si Ester na akay ng mga nurse palayo at lumingon pa ito sa kanila.

Sa hallway paglabas nila ng ospital ay naroon muli ang matandang payat na pasyente na si Zeke.

"Padating na ang Panginoon! Nakasakay siya sa bulala—"

Tinabig siya ni Jules at sinigawan ni Hannah.

"Whatever!"

Bumagal na lang ang lakad nila nang makarating sila sa parking area.

"Shit!" exclaim ni Jules. "Malapit na eh!"

Hawak ni Jules ang kanyang cellphone at kanyang plinay ang recording, paulit-ulit, pero walang nabanggit si Ester na pangalan ng dimonyo. Nabigo sila.

"So, anong gagawin natin ngayon?" tanong ni Mayor.

"Kailangan nating balikan si Ester," sabi ni Father Markus.

"Mahirap 'yan, Father," tugon ni Mayor. "Madedemanda tayo."

"Hindi n'yo ba nakita 'yung toro sa loob?" turo ni Hepe sa ospital. "Eh, ready na tayong suwagin!"

"Pero, malapit na eh!" nanghihinayang na sambit ni Jules.

Sa gitna ng pagtatalo nila'y hindi nila napansin si Hannah na parang tulala at may iniisip. Binabalikan ang nangyari kanina. Ang boses na narinig niya sa kanyang utak ay boses ni Ester. Somehow, nakausap siya nito sa pamamagitan ng Telepathy. At nahuli niyang sinabi sa kanya sa gitna ng kaguluhan sa loob.

"Hannah?" paglapit ni Jules pagka't napansin niyang wala itong kibo. "Hannah, bakit?"

Napalingon ang iba.

Tumingin sa kanila si Hannah at sinabi ang pangalan.

"Berith."

Nang banggitin iyon ni Hannah ay tila nagdilim ang kalangitan at narinignilang kumulog. Naramdaman nila ang malakas na hangin habang nagtaasan angkanilang mga balahibo.

NEXT CHAPTER: "Kilala Ka na Namin"

Ang Batang Ipinanganak sa Haunted HouseWhere stories live. Discover now