Leslie

1.4K 34 17
                                    

Leslie – Rocksteddy


Cheer rally today. Lahat ng Atenean varsity teams andito. We were sixth on the list sa introductions, and the rest of the team waited along the dugout. Eventually, tinawag na yung team namin and lumabas na kami sa dugout. Isa isa kaming tinawag at nahuli kaming mga rookies. After nun, pinaupo kami sa isang area sa gilid then tinawag na ang next team. After a few more teams, biglang lumakas ang cheers. Volleyball teams na pala. Nauna yung mens team led by a guy named Marasigan, then yung womens team led by the popular phenom Alyssa Valdez. Napansin ko yung mga rookies sa likod. Ang tatangkad nila ah, almost 6-footers na, not bad.

Nung tinawag na sila, I smiled as I recognized a familiar face. I usually only see her during sports meets since our schools are under one area. I'm from Ateneo and she's from Poveda. So dito pala talaga siya tumuloy? Everyone thought she's going to La Salle. This is going to be interesting. I guess luck is on my side.


Nung unang magkita

Talagang trip na kita

Laging tulala

Tinititigan ka


Di kita naging classmate during our first sem, but at least may classes tayo on the same building. We just casually greet each other sa corridors when we have the chance. Good thing di ka snob. Buo na araw ko pag nakikita kita. I was contented at that. Then I saw you at a party and finally I was able to talk to you. Naconfirm ko na rin kung anong course mo and pasimple kong inopen yung topic about sa kukunin kong subjects next sem. And as expected, sinabi mo yung mga balak mong kunin. Naputol yung convo natin nung inaya ka na ng mga teammates mo, but good thing nakakuha ako ng vital info. Come enrollment, sinigurado kong yung similar subjects natin ay makuha ko sa timeslot na di tatama sa training hours niyo. Para more chances na maging classmate kita.

True enough, jumackpot ako sa first subject! I was really giddy when I saw you enter my classroom. Seeing as I'm the only familiar face in the room, tumabi ka sakin.

"Hey Thirdy. Patabi ah."

"Hey Bea! Sure!"

After dismissal, tinanong kita kung ano and saan ang next class mo. And luckily, classmates ulit tayo! Inaya kitang dumaan muna sa canteen since maaga naman tayo dinismiss. Instead na ilibre kita, ikaw pa nanlibre sakin! Pambihira. Nagkwentuhan tayo habang kumakain. Napasobra ata ang kwentuhan natin kasi di natin napansin na 5 mins nalang until our next class starts. Napatakbo tayo ng di oras kasi medyo malayo pa yung building natin. Nalate tayo ng 10 mins, at napagalitan tayo ng prof natin. Pero for me, sobrang worth it dahil nakasama kita at nakakasama pa kita for the months to come.


Makalipas ang ilang buwan

Na-inlove na ako sayo

Di na pinaliban pa nagtapat ngunit


Over the next few weeks, naging close tayo, and lalong lumakas yung feelings ko for you. Di na ako makapagpigil so decided to let you know. Di ko na aantayin ang Valentines. Humingi ako ng tulong sa ibang teammates ko at kay kuya at nagplano ng surprise for you.

"Bea una na ako ah, I have to copy homework pa."

"Sure, sure." Sabi mo without looking, busy ka magtext.

Lumabas ako at sumenyas kila kuya sa baba ng building. Nakaready na sila. Bumaba ako at pinaakyat ko ang tatlong teammates ko. Isa ang sasalubong sayo with a rose kada floor, mula fourth floor kung nasan ang room natin, hanggang makakababa ka na sa ground floor kung nasaan kami.

LSS (Beaddie)Where stories live. Discover now