Pag-Ibig ng Kamatayan

1.6K 31 2
                                    

Hindi madaling mamuhay mag-isa. Minsan, kailangan mong kumayod ng doble para lang makapag-survive sa araw-araw.

Para sa tulad ko na piniling maging independent, nasanay na akong mag-trabaho sa mga panahong libre ako. Sa madaling salita, wala na sa bokabularyo ko ang salitang pahinga.

Sa umaga, pumapasok ako bilang isang part-time barista sa isang coffee shop. Kahit may sarili kaming problema sa buhay, laging masayang aura ang ipinapakita namin sa bawat customer na papasok at oorder sa amin. Sinisigurado rin namin na hindi sila magsisisi sa lasa ng inumin o pagkain na binili nila.

Isang araw may customer kami na para bang may hindi magandang dinadala sa loob niya. Kitang-kita sa mukha niya ang pagod pati na ang tila pamamaga ng kanyang mga mata. Sinubukan kong batiin siya pero isang pilit na ngiti lang ang isinagot niya sa akin. May kung anong kirot akong naramdaman sa dibdib ko. Kirot na dulot ng kalungkutan na bumabalot sa babaeng ito.

Mahigit isang oras at kalahati na niyang hindi ginagalaw ang kape na kanina pa niya inorder. Nakatingin lang siya sa labas, parang may hinihintay.

Patuloy ko lang siyang inobserbahan ng palihim habang ginagawa ang trabaho ko pero nang hindi ko na napigilan ang sarili ko, nilapitan ko na siya.

"Excuse me Miss, I noticed that you haven't touched your coffee since you got it. Is there something wrong with it? Do you want us to replace it?" Tanong ko sa kanya.

Tumingin lang siya sa akin at doon ko nakita ang mga mata niyang lumuluha at tila pagod na sa kaiiyak. Ito na naman yung kirot sa dibdib ko, pero may kakaibang pakiramdam na itong kasama. Hindi mawari kung ano pero pinapalakas nito ang pagtibok ng puso ko.

"Miss, okay ka lang?"

"Uhm... Yes, okay lang ako. And about the coffee, sure, paki palitan na lang. Thank you."

Ngumiti siya sa akin at ibinalik ang atensyon sa mga taong naglalakad sa labas. Agad kong kinuha ang mug niya at umalis.

Ginawaan ko agad ang babae ng panibagong order ng kape. Paglapit ko sa kinauupuan niya, tila ba hindi niya ako napansin kaya inilapag ko na lamang sa lamesa ang kape at isang maliit na papel.

~ Everyone has their own problem in life, just like you. Don't cry. Just believe that something better is coming your way. Smile! :)

Natapos na ang shift ko pero hindi pa rin siya umaalis ng coffee shop. Palabas na sana ako nang lapitan niya ako ng hindi ko inaasahan.

"T-thank you for earlier. Ngayon, mas magpapakatatag na ako."

Again, she smiled at me.

"Sandali! Uhm, ako nga pala si Ash... And you are?"

Please, sana sabihin niya ang pangalan niya. Please.

"My name is Stacey." Then, we parted ways.

***

Stacey. Ang ganda ng pangalan niya, bagay na bagay sa kanya.

Habang nag-aayos ako ng mga gamit sa bar, hindi pa rin maalis sa isip ko ang babaeng nakilala ko kanina sa coffee shop. Ang pangalan niya, ang mukha niya at ang... luha sa kanyang mga mata.

Gusto kong malaman kung bakit siya umiiyak, kung malalaman ko lang sana. Hay, sana makita ko ulit siya at makausap ng matagal.

"Good evening everyone, for tonight's session we'll be playing some OPM songs for you. Hope you like it."

Pamilya ang boses nang nagsalita, parang narinig ko na kung saan. Paglingon ko hindi nga ako nagkamali, si Stacey nga 'yon. Singer pala siya?

Pinanood ko lang siya at pinakinggan ng mabuti ang ganda ng kanyang boses.

Pag-Ibig ng KamatayanWhere stories live. Discover now