"Totoo bang ikaw ang dahilan ng pagkaaksidente ko ?" Hindi ko makapaniwalang tanong sakanya.
Tumingin sya sa aking mga mata kasabay ng pagbigkas ng salitang gumuho sa aking mundo.
"Oo."
Kasabay ng pag amin nya ay ang pagbagsak ng mga luha kong kanina pa nagbabadya. Agad kong naramdaman ang matinding galit sa aking dibdib.
"Pero bakit ? Bakit ikaw ? Anong kasalanan ko sayo !" Galit kong sigaw sakanya.
"Buong akala ko kakampi kita ! Buong akala ko masaya ka para sakin !" Naiiyak kong sumbat sakanya.
"Akala ko sya ang dahilan ng pagkaguho ng pangarap ko. Pero mali ako. Mali dahil ikaw pala ! Ikaw na pinagkatiwalaan ko ng sobra ! Ikaw na ni minsan hindi ko naisip na makakaya mong gawin sakin yun!" At di ko na kinaya ang galit at awang naramdaman ko para sa sarili kaya napaluhod ako at doon humagulgol ng iyak.
Di ko lubos maisip na isa sa mga taong higit kong pinagkatiwalaan ang makakaya akong traydorin. Sa haba ng pinagsamahan namin at dami ng paghihirap na pinagdaanan namin hindi ko naisip na balang araw makakaya nyang gawin sakin ang bagay na sisira sa pangarap ko ang papatay sa taong mahal ko.
'Patawad.' Bulong ko sa sarili at muling bumalik sa aking alaala ang lahat.
ESTÁS LEYENDO
Blinded
Ficción GeneralPangarap ni Imacolline Estrella ang maging isang sikat na pintor. Bata pa lamang sya ay nakahiligan nya na ang pagguhit at pagpipinta na suportado naman ng kanyang mga magulang at kapatid na si Ailline . Sa pagpipinta nya rin na kilala ang lalaking...
