Untitled

133 80 19
                                    


Paano nga ba umusad sa paglalakad palayo sayo?
Hindi ko na alam kung paano ihahakbang ang mga paa ko.
Hindi ko na alam kung paano umpisahan ito.
Tulungan mo naman akong kalimutan ang isang tulad mo.

Simula ng iwan mo ko sa isang tabi,
Hindi na ko mapakali.
Ang mga luha ko'y tuloy sa pagpatak sa aking pisngi.
Hindi ko alam kung paano pipigilan ang paghikbi.

Lagi kitang naaalala,
Kahit saan ako tumingin nandoon ka,
Lahat ng panahon na magkasama,
Laging gumugulo sa aking sistema.

Hirap na hirap akong bitawan,
Ang lahat ng ating nakaraan.
Hirap na hirap akong kalimutan,
Kung paano tayo nagmahalan ng lubusan.

Araw-araw kong tinatago ang pag-iyak ko,
Dahil ayaw kong malaman nila ang totoo,
Na hanggang ngayon ay apektado ako,
At hanggang ngayon ikaw pa din ang dahilan ng mga mugto sa mata ko.

Pakiusap wag mo nang guluhin ang isipan,
Sobra na kong nahihirapan,
Pakawalan mo na ako sa alaala ng nakaraan,
Gusto ko ng tapusin itong katangahan.

Once I Had A Pen Where stories live. Discover now