Myrshia Rene

2 0 0
                                    

Myrshia Rene's Pov (Miya)

"Babe pano nayan maghihiwalay na tayo ? " Kitang kita sa mga mata niya ang kalungkutan at tila parang naluluha na siya.




" Ganyan talaga eh. Wala na tayong magagawa. " Sabi ko habang di nakatingin sa kanya. Masakit man isipin at mahirap tanggapin, wala na din akong magagawa. Nagbuntong hininga ako , tumingin sa kanyat hinawakan ang kamay.

" Wag kang mag alala babe. Mag---- " napitigil ako ng may narinig akong








" Ew Lesbian lovers ? How gross! "


Mahina lang pero narinig ko. Tumingin ako sa babaeng nagsalita. May kasama din siyang babae kaibigan niya siguro.



" Yeah right! May pababe² pang nalalaman eh nakakasuka kaya! " Tapos nag tawanan pa sila.


Tatayo na sana ako to confront them pero pinigilan ako ni Katee.





" Wag mo nang patulan mga asungot sa lipunan bes. Hayaan mo na ang mga taong walang ibang ginawa kundi mangingialam ng ibang tao kahit di naman inaano. Mga baliw lang ang mga yan! "




" What did you say ? " Lumapit sya at hinarap si Katee. Actually nakaupo kami sa isang bench at sila nakatayo. Currently​ nasa mall kasi kami.







" Ay! Bingi ka din pala!? " Tumayo na si Katee at nag crossarms. Namumula na sya sa galit. Halatang pikon sa sinabi ni Katee. Tss. Tignan mo? Sila nga yong nauna eh.




" You bitch!!!!!" Sasampalin na sana niya si Katee. Pero syempre hindi naman ako tanga para di ko sya pigilan. Tumayo akot hinawakan ang kamay nya.


" Oops! Excuse me lang ha! Wag kang mag eskandalo! Hindi ka ba nahihiya? Nasa mall tayo. Kaya kung pwede lang marunong kang lumugar at rumespeto! Kasi kung tutuusin, kayo yong nanguna! "

"Dont touch me!" Tinabig niya yong kamay ko. Bago sila umalis, nag snob pa ang gaga!

Nandito kasi kami ngayon para magkita at magbonding dahil lilipat na ako ng ibang school this coming june. 2 weeks nalang pasukan na. Mag siSenior High na kami.

At hindi ko inexpect na pagkamalan kaming tomboy dahil sa pagdadrama namin hahaha ^o^ Dahil nadin siguro sa Babe endearment churvaloo namin lol. Cs lang naman namin yon!  Magsyota lang ba pwedeng gumamit non ? tss.

Best friend ko siya since grade 1 to Junior high. Almost 10 years na yong friendship namin kaya sinong hindi malulungkot kung maghihiwalay na kami di ba ? She's my partner for all things and above. Were not sisters by blood but we are by heart. Yan kasi uso ngayon ^___^ hihi

"So san ka mag aaral ? " Naglalakad na kami habang umiinom ng Milk tea. Papunta kami sa National Bookstore para mamili ng possible requirements namin para di gaanong hassle. Humigop muna ako bago nagsalita.

"Sa USA." Napatahimik si Katee saglit bago lumingon sakin na may malaking bilog sa mata.

" ANO OoO !!!!! " Aray! My precious eardrums -,-

" Grabe naman to makapagreact! "

" Sinong hindi magugulat Miya eh----"

" Wait lang ha! Wait! Dont be so atat! Di mo ko pinatapos eh! " Sabi ko while raising my hand into her face

" Eh sabi mo -- " katee

" University of Science and Arts kasi meaning non hindi United Sta--- AAAYY!! " napasigaw ako bigla.

May biglang bumangga kasi sakin. Natumba ako at ang worst pa, sa mukha ko pa tumilapon ang Milk tea -,- Ang sarap lang! Napashower lang naman ako.

"Babe okay kalang ? " people really do love stating the obvious noh ?

" Okay na okay bes. Natumba na ako, napashower ... " liningon ko yong nakabangga sakin pero kasamaang palad di ko na siya nakita. " at hindi man lang nag sorry ang bwesit na kumag nayon! Ang saya bes. Okay na okay ako! " sarcastic kong sagot at tumayo na ako. Pinunasan ko yong mukha gamit ang panyo ko. Ang lagkit!

" Bes mukhang nagmamadali ata. Hindi nga niya siguro napansin na nabangga ka niya. Baka may emergency. " sabi ni Katee habang tinutulongan ako sa pagpunas ng damit ko.

" Emergency nya mukha niya ! Tignan mo oh! Namantsa ako! Puti pa naman tong suot ko! Bwesit! "

" Bili nalang tayo ng bago okay? Sagot ko. Wag kanang stress dyan. Papangit ka. " Inalalayan nya ako patayo.

" Pangit na ako since birth. Tss. "

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 23, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Truth and Us Where stories live. Discover now