CHAPTER 8: A Good Bye To Him

Magsimula sa umpisa
                                    

Kasalukuyang naglalakad ako ngayong mag-isa dito sa loob ng campus. Hindi ko kasama si Camille kaya isa itong milagro para sa akin. Palagi yung na-uunang pumasok kesa sa akin.

Didiretso nalang muna siguro ako ng cafeteria ngayong umaga total pagkaalis ko kanina ng mansion ay hindi ako nakapag-agahan.

Habang naglalakad ako, isang braso ang umakbay sa akin na ikinagulat ko ng husto kaya agad ko siyang siniko ng malakas pero ang bilis niyang nakaiwas.

"Feeling close si ako."

Natatawa niyang sambit habang namamaypay gamit ang isang palad. Napangisi ako dahil doon. Ano nanaman kaya kailangan nito sa 'kin?

"Oh miss Climbert. I'm so sorry."

Natatawa pa rin nitong pagbigkas. Kung nasa ibang lugar lang kami kanina ko pa to inambahan ng suntok.

"What do you want mr.Mclied?"

I asked. Napalitan ng ngisi ang kanyang tawa, humakbang sya papalapit sa akin at may ibinulong.

"You still have a payment to me miss Climbert. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa mo noong nasa lumang theater tayo."

He whispered. Bahagya ko siyang naitulak dahil doon pagkatapos ay palihim akong natawa. Janric? Tss!

Napalingon siya sakanyang likuran noong may tumawag sa pangalan niya kaya doon rin natuon ang atensiyon ko.

"We will having a meeting at exact 11:00 o'clock in the evening. I'll text you the location."

Bulong ng isang lalaking tumawag sakanya pero narinig ko. Tumango lang sakanya si Janric, if I'm not wrong. Siya si Rafael, ang kagrupo ni Alexies sa soccer.

Tumalikod na ako dahil mukhang hindi na ako papansin pa ni Janric dahil halatang malalim ang pinag-uusapan nila ni Rafael. Maglalakad na sana ako nang bigla nanaman niya akong tawagin.

"Miss Climbert? If you're interested, I'll text you. Magkita nalang tayo mamaya doon."

Bahagyang kumunot ang aking nuo dahil pano niya ako ma-tetext? Alam ba niya ang cellphone number ko?

I just rolled my eyes to him before I leaved them. Isa nanaman itong milagro para sa akin dahil mukhang good mood ata siya ngayon. Kadalasan kasi pag nagkikita kami, madalas kaming nag-aaway.

Papasok na ako ng classroom nang biglang mag ring ang cellphone ko sa loob ng bag. Napairap ako dahil umagang-umaga palaging na-uudlot ang aking ginagawa.

Agad kong binuksan ang bag at hinalungkat sa loob ang aking cellphone. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag, gulat ang una kong naging ekpresiyon nang makitang si Chanda ito, kapatid ni Aris. Hmm?

I pressed the answer button.

"Yes? good morning Chanda"

I greeted. Binati rin naman niya ako pabalik.

"Napatawag ka? Anong balita?" I asked.

"Thank goodness nakasagot ko kaagad. Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon upang tawagan ka ate Mioney. Nasa comfort room kasi si mommy."

She whispered in the other line. Nagtaka ako dahil sa tuno ng boses niya.

"Why Chanda? Is there any problem? How is Aris?"

"He's fine. Ate Mioney, mom decided to migrate us in America. Doon na kami titira ate, ililipat niya doon si kuya para daw mabilis ang recovery niya."

Maluha-luhang sambit ni Chanda. Bigla akong nanginig dahil sa narinig sakanya. I can't speak, my lips was in trembled. Pinipigilan ko ring huwag umiyak.

"K-kailan ang a-alis niyo?"

"Now-----we only have two minutes before we ride the airplane."

I barely drop my mouth because of what I've heard. I immediately hang up the call pagkatapos ay tumakbo ako papunta sa kahit saan man basta malayo sa campus. Bago paman iyon ay may ibinilin pa sa akin si Chanda.

"Huwag ka ng humabol pa ate, hindi mo na kami maaabutan pa."

Damn! Bakit yata ang daya ng panahon ngayon sa akin. Buong akala ko ako itong mama-maalam kay Aris, yun pala mas nauna pa siyang umalis kesa sa akin. It's totally damn!

Ito ba yung ibig sabihin ng paniginip ko kaninang umaga? Is this a reason why Aris saying good bye to me in my dreams? Ang daya niya. Sana manlang bumangon siya at personal na namaalam sa akin kesa naman sa dinaan pa niya sa paniginip.

Huminto ako sa pagtakbo kasabay noon ang pagbagsak ko sa aking sarili sa daan at doon umiyak. Hindi ko mapatid ang aking mga luha dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Aris! Please... Come back to me."

Pagsalita ko sa hangin habang umiiyak pa rin. I don't know where am I right now? May mga taong nadadaanan ako pero kunti lamang sila at wala akong pakialam kahit na titigan pa nila ako buong maghapon.

Napasinghap ako bigla sa aking kinaluludhan nang may malakas na humablot sa aking braso at kinaladkad ako papalayo mula doon sa lugar ko kanina. Ngayon ko lang napansin na nasa gitna pala ako ng kalsada at nasa pedestrian lane pala ako kanina nakaluhod. Buti nalang pala at nasa kulay pula ang traffic light.

"You're such a stupid!"

Yun lang ang salitang tanging kanyang binitawan noong malakas niya akong tinulak sa isang lugar na ngayon ay malayo sa matataong-lugar.

Nagpahid muna ako ng luha bago ko siya sinagot.

"Who do you think you are to pulled me out in that place?"

I said. Sabay turo ko kunyari doon sa lugar ko kanina. Suminghal siya dahil sa aking inasta.

"You told me that night, if I ever committed suicide I will never get involve anyone then what do you think are you doing now!?" He shouted. Biglang naudlot ang pagtulo ng aking luha dahil sa aura niya. I was in tremble this time. Natatakot ako sa aura niya.

"Now think about it, pag-umiyak kaba buong maghapon babalik pa ba sayo ang bagay na iniiyakan mo ngayon?"

Dugtong pa niya. Napalunok ako ng sarili kong laway.

"S-sced.."

Nauutal kong sambit sakanyang pangalan noong tumalikod na siya sa akin at aakma na sanang aalis.

"Remember this daughter of Greed! Not all things that you have been crying of will come back, it will turn your life into chaos if you never move on from it."

He said as he disappeared in my sight. Hindi ako makakibo sa aking kinatatayuan dahil sa sinabi niya. Alam kong tama siya pero bakit yata hindi ko matanggap iyon? Siguro dahil wala siya sa sitwayon ko para payuhan niya ako ng ganoon. Who do you think is he to say that? Nararamdaman ba niya ang sakit na nararamdaman ko ngayon? F*ck!

Muling tumulo ang mga luha ko sa aking mata, isa pa tong luhang to! Kung pwede ko lang tanggalin ang mga mata ko, ginawa ko na noon pa.

Biglang lumakas ang ihip ng hangin sa paligid at tila niyayakap nito ang buo kong katawan dahil sa mainit ang dampi nito sa aking balat.

Tumingala ako sa kalangitan at ang ganda ng sikat ng araw. Napadaan naman sa ulap ang isang eroplano. I smiled bitterly while I'm in tears.

"Good bye Aris..."

••••

A/n: Thank you so much to those who keep adding this story to their reading list.😘 Mahal ko kayo. Choss! 😄😍😘 Pakiunawa nalang mga grammars ko sa ENGLISH. 😂✌️

Behind Those BLUE EYES (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon