Napalingon ako sa may pinto ng bumukas ito at iniluwal ang isang lalaking nakasuot ng pang doctor na damit. "Are you her relative?" tanong nito habang nakatingin sa isang clip board na hawak niya.

"Yes, Doc. Kamusta na po siya? Ano pong nangyari? Bakit po ganyan kaputla ang mukha niya? Bakit siya nahimatay?" sunod-sunod kong tanong sa kanya. Tumango-tango ito at lumapit ng tuluyan sa akin. Nakatingin siya kay Y/N.

"Base sa isinagawa naming check up, ang pasyente ay meroong Leukemia. She's been suffering for almost a month now and I bet she didn't even notice na symptoms. We consider it as stage 1."
parang mga kabayong nag-u-unahan ang mga luha ko ng marinig ko ang sinabi ng doctor.

Bigla ako natawa. Gusto kong humalakhak at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Patuloy parin sa pag-agos ang mga luha ko. Muli kong tinapunan ng tingin ang doctor. "Doc. naman, nasa wow mali ba ako? o nasa isang shooting? Bakit parang scripted ang mga sinabi mo? Nagbibiro ka lang diba?" kahit na walang tigil sa pag patak ang mga luha ko ay patuloy parin akong humahalakhak. Pekeng halakhak.

"Sorry to say this to you Mr. but Doctors doesn't lie to anyone when it comes to the patients health condition. I am sorry." nanlulumo nitong sambit. Natigil ako sa pagtawa at nawala ang pekeng ngiti sa mukha ko. Para akong naging yelo at pakiramdam ko ay puros lamig ang nararamdaman ng puso ko ngayon.

Tiningnan ko si Y/N. Mahimbing parin ang tulog niya. Kahit na namumutla ang kanyang mukha ay hindi ko parin maipagkakailang napakaganda niya.

"Stage 1? Leukemia? May paraan pa naman upang magamot siya diba? gagaling pa siya diba?" wala sa sarili kong tanong sa doctor. Hindi ko alam kung sa akin ba ito nakatingin o gaya ko, na nakatingin din kay Y/N.

"She can take medications, but we are not sure if this would help lessen her condition." he said. Umakyat ang galit sa ulo ko. Nanginginig ang kalamnan ko at hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko sa mga sinasabi ng walang kwentang doctor na ito sa akin!

"Ano?! Paano mo nasabing hindi ka sigurado na hindi na siya gagaling?! Diyos ka ba, ha?! Diyos ka ba?!" hindi ko na napigilan pa ang sarili at tuluyan ko ng nailabas ang galit sa puso ko. Saktong dumating si Tita at inawat ako sa pagwawala. Gusto kong itulak 'tong doctor na 'to sa hagdan!

"Tama na 'yan Kib. Narinig ko ang lahat ng sinabi ng doctor. Tama nga siya, hindi sila magsisinungaling tungkol sa kalagayan ng kanilang pasyente. Nakakalungkot mang-isipin at ang sakit-sakit ngunit wala na tayong magagawa pa. Nasa diyos ang awa at nasa tao ang gawa, Kib."  mahinahon niyang sambit ngunit patuloy na bumabagsak sa mga mugto niyang mata ang nga luha.

Siguro kung ano ang nararamdaman ko ngayon ay mas triple pa sa nararamdaman ni Tita. Anak niya 'yan e. Dinala niya ng 9 months sa kanyang sinapupunan at inalagaan ng napakaraming taon tapos sa isang iglap? Hindi ko kayang isipin. Gagaling pa siya. Naniniwala akong gagaling siya.

It hurts, Love. It fucking hurts.

Y/N's POV

Napaungol ako sa sakit ng ulo ko. Umiikot din ang aking paningin at hindi ko maaninag ng maayos ang paligid. Meron akong naririnig na isang monitor na tumutunog sa tabi ko. at may isang kamay na nakahawak sa aking isang kamay.

Lumingon ako sa aking gilid at nakita ang isang lalaking nakapatong ang ulo sa aking kama at mahimbing na natutulog. Naririnig ko ang mahihina nitong pagsinghot. Umiyak ba siya?

Mahinhin kong hinaplos ang pisngi ni Kib at kasabay nito ang pagsilay ng pilyong ngiti sa aking labi. Nasa tabi ko siya. Pakiramdam ko ay napakaligtas ng paligid.

Eyes Nose Lips (Knightinblack Fanfiction)Where stories live. Discover now