"Oh, bakit ka tumatawa jan?!" pigil na inis niyang sambit habang ako ay tumatawa parin at napapahawak pa sa tiyan ko.

"Nakakatawa kasi sinasabi mo! Hahaha! Gusto mo lagyan kita ng sign board? 'yung nakalagay 'BAWAL TIGNAN NAKAKAMATAY' o hindi kaya 'PAGMAMAYRI NI Y/N, IF LOST PLEASE CONTACT Y/N' haahaha!" patuloy parin ang pagtawa ko pero mukha hindi manlang siya natawa dahil seryoso siyang nakatingin sakin dahilan para matigil ako sa pagtawa. "Oh bakit? nagbibiro lang ako woi!" tapik ko sa kanya pero hindi niya parin ako kinibo! Seryoso ba siya?!

"Luh?! napikon ka na don?! Seryoso ba 'to?! Kib? Naiinis ka sa biro ko?!" natatawa ko paring sambit at aastang yayakapin siya ng bigla siyang tumayo at nagcross arms pa ang bwesit! Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko ah!

"Woi! Hahaha! Sorry na hehehehe!" pagsuyo ko sa kanya pero hindi niya parin ako kinikibo! Amputek! Seryoso siya! "Sige na nga ligo na tayo, Hmp!" pigil ko sa tawa ko habang kinukurot ang pisngi niya. Hindi niya ako magawang tignan sa mata pero alam kong natatawa rin naman ang kumag!

"Bahala ka nga jan! Hahanap nalang ako ng FAFA!" giit ko at tsaka hinablot ang damit panligo ko at aastang aalis na ng bigla niya akong hilain.

"Anong FAFA? Gusto mo maFATAY?" inis nitong sambit dahilan para matawa ulit ako. Ang seryso niya! Bwesit na swimming pool oh-hoh!

"Ayaw mokong kibuin e. Ayaw mo ring sumama. Kaya hahanap--"

"Eto na nga eh! eto na! Tara na!" sigaw niya habang hinuhubad ang shorts at t-shirt niya at maiwan lang ang kanyang boxers! Napatakip naman ako sa mata ko at napatalikod! Feeling ko namumula na naman ako! Hindi ako sanay na makitang half naked si kib peste!

"Ops! Sorry!" giit nito at naramdaman ko ang mabilisan niyang pagpulot sa kung ano man ang pinupulot niya sa bag niya! "Okay na, pwede ka ng tumingin." natatawa naman niyang giit at tsaka naman ako humarap na salobong ang kilay. Kung kanina'y tanging boxers lang ang suot niya, ngayon ay may sando na. Much better! kumpara kanina na kita na mga Abs este Tabs niya!

"Tara na?" yaya niya ulit pero itinaas ko ang dala kong pangligo at tsaka naman siya tumango. Sinamahan niya ako sa cr pero syempre sa labas lang siya habang ako ay nagbihis sa loob. Nang matapos ay dumeretso kaming dalawa sa shower area kung saan pwedeng magsabay ang kung sino man dahil open area ito at walang harang o pinto. Tanging isang malaking space ang meron dito at mga showers.

"Kailangan mo na ba talagang umuwi bukas?" basag ni Kib sa katahimikang bumabalot sa amin. Nagsshower kasi kami at walang ni isa sa amin ay nagsasalita. Nasa kabilang shower siya at habang ako naman ay nasa isang shower din.

"Hmmm, may kailangan din akong asekasohin sa school e. Alam mo na malapit na ang pasukan." sambit ko na lamang habang hindi siya tinatapunan ng tingin. Nakapikit kasi ako habang nakatingala at dinadama ang haplos ng rumaragasang tubig na lumalabas sa shower.

"I see, pero okay lang sayo kung kada weekends ay pupunta ako sa inyo?" tanong niya dahilan para maimulat ko ang mga mata ko at mapatingin sa kanya. Nakangiti siya pero alam kong seryoso siya sa sinasabi niya.

"Bakit?"

"Huh? Anong bakit? Ayaw mo ba?" nagtatakha niyang tanong din sa akin. Napailing naman ako at ngumiti sa kanya.

"I mean, bakit mo kailangan puntahan ako every weekends? Alam kong mapapagod ka lang ng sobra-sobra at hindi ba't may ojt ka? Paano mo isisingit sa sched mo 'yun?" giit ko dahilan para mapaisip rin siya. See? hindi niya naisip ang mga bagay na gagawin niya once na magpasukan.

"E? paano na niyan?" tanong niya ulit habang nakangiwi. "Uhmm, pwede ka rin naman pumunta sa amin kapag may free time ka. Ganon din gagawin ko, kapag may free time ako ay ako nalang ang dadalaw. Mas hectic ang sched mo kumpara sakin kaya kaya kong pumunta dito kapag gusto ko o kaya pag may free time ako. Hindi naman ako papayag na unahin mo pa ako kesa sa kinabukasan mo." nakangiti kong giit at isang matamis namang ngiti ang isinukli niya sakin.

Eyes Nose Lips (Knightinblack Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon