Chapter One ~

54 3 4
                                    

Chapter One ~

ROSETTE'S POV

"HOY ROSETTE! BILISAN MO NGA DYAN!"

"Ito na po Manang! Ilalagay ko lang po sa lababo itong mga pinggan!"

"ROSETTE! SABI KO KUNIN MO YUNG ORDER NG TABLE NA YUN!" Utos nanaman sa akin ni Manang Lorna.

"Opo! Ito na po!"

Dali-dali kong kinuha yung maliit kong notebook at kinuha yung order ng table number 2.

"ANO BA! BAT BA ANG BAGAL-BAGAL MO KAHIT KELAN!"

Paano naman ako babagal? After ng isang utos, may kasunod na utos. Ano ako robot? Kaya ko pagsabayin ang lahat? Haaay. Kung may ibang talaga ako choice magtrabaho sa iba ginawa ko na, kaso wala naman ako choice kungdi magtiis sa carinderia ni Manang Lorna para lang mabuhay.

"ANO BA ROSETTE!...SABI KO HUGASAN MO NA YUNG MGA PLATO!...ANO BA ROSETTE! DALIAN MO NGA!...NAGUGUTOM NA YUNG NASA TABLE #4!"

Ako pala si Rosette Alvarez, 17 years old na ako. Incoming college na sana ako, kaso wala ako pangtuition dahil mas mahirap pa ako kaysa sa daga ng carinderia ni Manang Lorna. Namatay na yung mga magulang ko dahil sa isang aksidente, at walang gusto magampon sa akin dahil pabigat lang daw ako.

Kaya heto ako, nagtitiis sa mga utos ni Manang Lorna.

"ANO BA ROSETTE! KAHIT KELAN ANG PAGONG MO!"

Hindi ko talaga alam kung bakit napaka nito ni Manang ehh. Sarap kaya niya minsan buhusan ng mainit na sabaw na inoorder ng mga customer niya. Lumalago nga yung business niya, pero kuripot naman. Ayaw kumuha ng ibang trabahador dahil daw sayang yung kita.

Galing eh noh?

"ANO BA ROSETTE! SAYANG YUNG SWINESWELDO KO SAYO!"

"Para namang ang laki ng sweldo ko di ba?" Pabulong kong sinabi.

"HOY WAG KANG BUMULONG DYAN! AY NAKO! NAAAWA LANG AKO SAYO KAYA TINANGGAP KITA DITO!"

Hugas doon. Kuha ng order dito. Serve dyan. ALL IN!

Sigaw doon. Reklamo dito. Utos dyan. ALL IN!

"Miss. Pa-order nga."

Nilapitan ko yung customer sa Table #1, "Yes. Ano po yun?"

"Pwede ka ba i-order, Miss?"

"HUH?"

"Sabi ko, pwede ka ba i-order?"

"HUH?"

"PWEDE KA BA I-ORDER?"

"HUH?"

"Sabi ko, bigyan mo ako ng isang order ng dinuguan at dalawang kanin. Samahan mo na rin coke."

"Okay Sir! Order coming up!"

Buong araw akong nagtrabaho, nakakapagod grabe! At salamat natapos din ako, makakahiga na rin ako sa malambot kong kama kahit banig lang naman. Bakit ba? Masama ba mangarap?

*bzzzzzt* *bzzzzzt*

"ANAK NG TIPAKLONG!"

Nagulat akong nagvibrate yung 3310 ko. Oo! Huwag kayong umangal! Mahirap nga ako kaya 3310 lang cellphone ko at least nakasabay sa cellphone ng mga F4 sa Meteor Garden. Ano akala niyo, hindi ko kilala yung F4? Libre kaya TV sa carinderia kahit nasusulyapan ko lang dahil sa sobrang busy ko. Ay nga pala, may natawag sa maganda kong cellphone.

"Hello?"

"Hello?"

"Hindi kita marinig! Wala ka bang signal? Hello?"

My Unconditional Love (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon