Chapter 1

14.2K 188 1
                                    

AKO'Y PAG AARI MO
Written By:Lorgee



"Oh iho san ka nanaman galing?, sa barkada nanaman,kung kelan naman naka graduate kana puro bulakbol ang inaatupag mo. Bakit hindi ang pamamahala ng kumpanya ang asikasuhin mo ng may pakinabang naman sayo at magamit mo yang pinag aralan mo" sermon ni Don Lucio sa anak.

"Pa all this time sinunod ko lahat ng gusto n'yo, naging mabuting anak po ako sa inyo,pwedi po ba kahit isang taon lang po magawa ko naman ang gusto ko, kahit isang taon lang po pa?" pakiusap ng binata.

"At anu namam ang gusto mong gawin ha?,ang matutong uminum kasama ng barkada?"

"Hindi po pa gusto ko lang masubukan kung panu maging normal na tao!" katwiran ng binata.

"At anu tingin mo sa sarili mo abnormal?. galit na turan ng don..

"Hindi naman po n'yo ako maiintindihan kahit sabihin ko sa inyo.....

"Bkit di mo subukang ipaliwanag sa akin ng sa ganun maintindihan ko.\?" pamimilit ng don."

"Ok fine,,"sumusukong turan ng binata..

"Gusto kong maranasan kung panu ang buhay ng isang mahirap, sa isang taon po na hinihiling ko sa inyo, hindi po ako aasa sa inyo wala po akong tatanggapin ni isang singko, iiwan ko din lahat ng atm ko.Mag sisikap ako para sa sarili ko, trabahong pang mahirap din ang papasukan ko."mahabang paliwanag ng binata.

"Nababaliw ka naba anak anung kalokohan yang pumasok sa kukote mo, hindi, hindi maaari yang kagustuhan mo." pag tutol ng don sa anak..

"Please pa, pangako pag natapos ang isang taon babalik ako, at gagawin ko lahat ang gusto nyo"

"sige pumapayag na ako pero sa isang kundisyon susundin mo lahat ng ipapagawa ko pag katapos matapos yang kalokohan mo"

"Opo pa pangako po." iyon ang binitawan nyang salita sa ama at nag punta na s'ya sa room n'ya para mag empaki ng gamit na dadalhin n'ya, pagkat may narentahan na s'yang apartment malapit sa U.P(UNIVERSITY OF PHILIPPINE).

-------


Katatapos naman ng klase ni Angelica ng mag aya ang kaibigan n'yang si Beth(short for Mareibeth) na mag mall malapit sa university.

"Sissy punta tayo sa mall, sige na oh may bibilhin lang ako."pangungulit ni Beth..

"Pero susunduin ako ngayon ng driver namin"

"Sus dating gawi sis tatakasan natin yang driver mo, so tara na!"pag aaya ni Beth.

Wala ng nagawa si Angelica dahil likas na makulit ang kaibigan at di s'ya lulubayan hanggang di s'ya pumapayag.

Habang tumitingin tingin naman si Angelica at Beth ng kanilang bibilhin may isang lalaking lumapit sa kanila at hinablot ang bag ni Angelica.

"Mag nanakaw mag nanakaw tulungan nyo po ako yong bag koooo,mag nanakaw bumalik ka bigay mo sakin yung bag kooo,mag nanakaw.!" ang paulit ulit na sigaw ni Angelica, pati si Beth sumisigaw narin.

Sa di kalayuan naman nanduon si Alfred na bumibili ng kakulangan sa gamit n'ya sa apartment na tutuluyan ng marinig n'ya ang sigaw ng dalawang babae.

Nakita n'yang papunta sa direksyon n'ya ang mag nanakaw 'di na s'ya nag aksaya ng sandali pinatid n'ya ito, saka n'ya binigyan ng napakalakas na suntok.

Dahil sa suntok ni Alfred 'di na nakatayo ang mag nanakaw, s'ya namang pag lapit ng dalawang babae sa kanya at dumating narin ang pulis..

"Miss ito yong bag mo."abot ni Alfred sa bag ng babae..

"Miss anu po ang gagawin natin dito sa mag nanakaw na ito? tanung na pulis.

"Ipakulong po natin yan ng di po pamarisan ng iba!"sabad naman ni Beth sa pulis na nag tanung..

"Kayo na po ang bahala" sabi naman ni Angelica..

Habang kinakausap ng dalawang babae ang pulis di nila namalayang umalis na ang binata....


AKO'Y PAG-AARI MOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon