"Medyo guilty lang naulanan ka kasi kasama ako. Wag ka na ngang maraming tanong at kumain ka na." Bumungisngis na lang siya bago kumain.

"Lav."

Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Sapak gusto mo?"

"Biro lang!" Tumawa pa ang ungas.

"Ano ba 'yon?"

"Pasuyo naman ako ng saging." Agad ko naman siyang sinunod. Nasa ibabaw iyon ng ref. Pinanood ko siyang balatan iyon putol-putolin at ihalo sa lugaw niya. Nangiti ako lalo.

"You like it that way din pala." Doon siya napatunghay.

"Huh?"

"Lugaw na may saging. Gusto ko din may ganyan kapag naglulugaw si Nanay at may sakit ako." Nangisi siya dahil doon hindi ko na lang siya pinansin nang maagaw ang paningin ko ng radyo sa gilid ng aparador.

Nagana pa kaya 'yon?

"Marapat lamang, bata ka pa lamang noo'y hilig mo na ito Olivia." Tila may sinabi si Peter ngunit hindi ko na iyon napakinggan nang malapitan ko ang radyo at pindutin iyon.

♪Sa lumang simbahan
Aking napagmasdan

"Oh! Gumagana pa pala 'to?"

♪Dalaga't binata
Ay nagsusumpaan

Nang balingan ko si Peter ay tila natigilan siya sa pagkain nang madinig ang musika.

"Larry Miranda right?" Nakangiting tanong ko.

♪Sila'y nakaluhod
Sa harap ng altar
Sa tigisang kamay
May hawak na punyal♪

"Hmm." Tahimik na tango niya.

"Hilig mo pala mga old song? 'Yong Lolo ko hilig niya 'yan kaya naalala ko lang."

♪Kung ako'y patay na♪

Natigilan ako nang mapakinggan nang maayos ngayon ang lyrics. Wait? Ganito ba talaga ibig ipahiwatig nang kantang ito noon pa man? Malungkot pala 'to? Natutuwa pa naman ako sa tuwing naririnig ko 'to dati ah!

Ang hiling ko lamang♪

Nawala ang ngiti ko at agad na binalingan ng tingin si Peter. Wala na ang ngiti niya at binilisan na niyang kumain.

Dalawin mo giliw
Ang ulilang libing♪

Napalunok ako kasi parang biglang naging awkward sa pagitan namin.

♪At kung marinig mo
Ang taghoy at daing♪

Tanging ang kubyertos at mangkok ang naririnig sa paligid hanggang sa matapos siya.

♪Yao'y pahimakas
Ng sumpaan natin♪

Doon na tumayo si Peter at inilagay sa lababo ang pinagkainan niya bago pinatay ang radyo.

El Destino desde 1870Where stories live. Discover now