Continuation

13 0 0
                                        

Buti pa siya. So happy na contented kahit di naman talaga siya ganyan. Pero may hint na ako kung ano ang nagpapasaya sa kanya. Siyempre... LOVE.

"Kuya... pwedeng magtanong?"

"Okay. Ano yun?" Oh diba... kung nasa usual mood siya dapat yung sagot niya sa kin "ANO?!!! ANO NANAMAN JANE?" Dapat yung parang mag"memenopause" na T.rex yung dating. Kaya nga tawag ko sa kanya Dino /dayno/ as in dinosaur kasi sa sobrang pagmiminaldita. Pero para maka sure, tatanungin ko nalang siya.

"Kuya, inlove ka ba?" tanong ko sa kanya >_<

"Aahh.. hinde ah. hinde no. hindi ako inlove!! Ano ka ba! "     Yun! sure na ako na inlove siya diba dapat parang galit ka pag ganyan?? Pero siya may pa-smile smile pa tapos nauutal. Ngayon lang nagkaganyan si Kuya. NEVER as in never talaga siya nauutal palagi siyang may sagot na straight forward na sobrang nakaka nosebleed.  Feeling ko nga daig niya pa si Confucius sa mga sagot niya na pang Miss Universe sa simpleng tanong ko. Pero ngayon, pinagpapawisan pa tapos palipat-lipat yung tingin sa kaliwa niya at kanan.

"Aah okay kuya.. ano bang pinunta mo dito???" Curious lang pa-iba iba ng subject kasi alam kong inlove nga siya tapos useless lang din kung ipagpipilitan ko na kasi obvious naman masyado. :D

"Wala lang gusto lang kitang gisingin. O siya ano ba gusto mo for breakfast??" smiling face parin siya.

"Kahit ano basta -- WAIT!!!! Magluluto ka???!!!! What the--??? anong nakain mo't nagkaganyan ka???" DI ko kasi talaga nakita si kuya na magluto, magwalis, maglinis or kung anong household chores pa diyan kaya SHA- Ked (shocked ) na talaga ako.. Grabe *clap clap and *saludo dun sa kung kanino siya inlove. Napatameme niya ang kuya ko. Wagas!

"Wala lang. Bakit di na pala pwede magluto ngayon? "  Smiling and super radiant na tanong niya.

"Okay lang naman. Pero alam mo ba kung pano? Baka mag eexperiment kalang diyan? " Diskumpiyado kasi talaga ako sa kanya.

"O siya sige.. Since wala ka namang matinong sagot, itlog nalang at hotdog ang lulutuin ko ha? Yun naman kasi parati ang kinakain mo at isa pa wala si yaya dito para magluto sa yo kasi day-off niya. "

"Okay! Sarapan mo ha? Ayaw ko pa naman kumain ng sunog." -_-

"OO. sige na ... magluluto na ako. Maligo ka na diyan." Parang si yaya din klung makakulit ang isang to. Hay nako.

"Opo. O sige na maliligo na. "

Kaya ayun , sa wakas napaalis ko na din ng kwarto si Kuya. Anyway, ang story na ito is about sa akin di sa kanya kaya enough na dyan sa drama ni Kuya Teddy. Pero at least diba kahit di ako ganoon kasaya meron paring nandyan na masaya para mahawaan rin naman ako. Pero deep down alam ko na kahit magsisitalon pa diyan si Kuya or kahit lahat ng kapitbahay namin wala parin akong mapapala. Malulungkot pa rin ako kasi kahit anong party party nila diyan matatapos at matatapos pa rin yan at maiiwan na naman ako mag-isa. Forever alone na yata kasi ako dito. Sila puro happy ending pero akin tragic. Paikot ikot lang ang buhay ko. Parating dumedepende sa buhay ng iba kaya ayun sila masaya ako nagluluksa. Pero kahit ganito ang buhay ako hindi naman ako yung tipo na mahina ang loob kaya sa tingin ko magiging advantage ko at chance ang mga pagkakataong ito para magbago at magsimula muli.

Ako nga pala si Laureen Jane Fuentabella. Nag-aaral sa Ashford Academy ng Architecture. Tapos ganun okay lang naman ang buhay ko. Lahat okay, walang major major problem so in short may pagka boring rin siya. Kaya let's move on na...

**** "Hey boss, you just received a text message.*** ringtone yan ng cellphone ko. walang kokontra. Sino naman kaya to??

From: Luke <3

                Hi! Sana di ako nakadistorbo. Pero pwede bang magkita tayo dun special place natin. Alam ko wala na kong karapatan para hingiin yung oras mo kasi di na tayo pero may gusto lang talaga akong linawin sa pagitan nating dalawa. Please for old time'ssake Jane.. mga 3 pm ... hihintayin kita.

Hay nako.. yun pala si Luke. Yung ex ko na mahal ko pero hinayaan ko kasi tanga ako. OO ako lang naman parati ang may kasalanan pero nung kami pa.. di ko talaga maalala kung bakit kami naghiwalay or at least man lang nagkalabuan. Ewan ko. Feeling ko pinagtripan lang ako ng isang yan pero kahit ganun mahal ko parin siya. pero feeling ko rin naman ulit na di niya ako mahal, kaya yun pinabayaan ko na siya. period.

Pero ngayon , nag text siya after 3 months ng break up namin so ewan ko pero wish ko na sana sasabihin niyang sana maging kami nalang ulit and yun happy ever after na . End of the story na , parang fairytale lang. Kaya ayun ako, nagpapaganda, sobrang tagal sa banyo at kung anu-ano pang maiisip niyo na girly stuff. Siyempre, assumera ako eh... ineexpect ko talaga na mabibighani siya sa beauty ko at of course, babalikan ako kaya ayon at 3 pm nandun na ako. Sa tabi ng dagat... along the shore. ^_^

Chances at the Second Time AroundWhere stories live. Discover now