"Daddy!"
Pagbukas ko ng pintuan, siya agad ang aking unang nakita. Lahat ng pagod ko buong araw, nawala.
Binuhat ko siya at hinalikan. Yinakap ko siya ng pagkahigpit-higpit.
"Ang bango bango naman ng anak ko!" Sambit ko noong maamoy ko na siya. Natawa naman siya.
"Daddy daddy! Alam mo po ba, may nakita ako sa drawer nyo!" Sabi niya sakin na tuwang tuwa tska tumakbo paalis.
Nagtaka naman ako kung ano ang nakita niya. Damit ko lang naman ang nakalagay doon.
"Eto daddy oh!" Sabi niya sakin at may inabot na envelope.
"May sulat ka ata daddy?" Sabi niya sakin at nginitian ko siya. Binuksan ko ang envelope at napangiti ako sa nakita ko.
To: Patrick (open this on 2027!!!!)
Musta ka na? Sorry kung iniwan kita. Di ko alam kung san ko sisimulan pero sorry. Sorry kung bigla na lang akong umalis. Sorry kung umalis ako ng walang paalam. Pero kahit ganoon, di pa din ako magbabago.
Kamusta? 2027 na. Marami na sigurong nangyari. May asawa't anak na siguro tayo.
Naaalala ko pa ang araw na una tayong nagkita...
June 13, 2017
Eto nanaman.
Di ko namalayan ang oras. Tapos na pala ang masasayang araw ko, tapos na ang bakasyon. Pasukan na ulit.
"Patrick!!! Bumangon ka dyan kung ayaw mo malate unang araw pa lang!!" Rinig ko na ang sigaw ni mama.
Alas singko na ng umaga. Ang normal na gising ko tuwing may pasok.
"Eto na po, bababa na." Sabi ko pabalik at tumayo.
Naligo na ko at kumain. Pagtapos, dumiretso na ko sa paaralan na pinapasukan ko.
4th year college na ko. Isang taon na lang gagraduate na ko. Konting tiis na lang, malalagpasan ko na rin lahat ng to.
Pagdating ko, wala pang masyadong tao. 6:30 pa lang, 7:30 umpisa ng klase namin.
Lumipas ang oras at 7:30 na. Dumating na ang prof at may isang bakanteng upuan pa. Ibig sabihin, may papasok pa at sigurado akong late yon.
Tsk, yari siya sigurado.
7:50 at may pumasok na isang babae.
Inoorient kami ng prof namin at tumahimik ang buong klase nung dumating siya. Pawis na pawis siya at pang uwian na yung itsura niya.
"Good morning sir, sorry I'm late." Sambit nya at tumaas ang kilay ng prof namin.
Bago ba to? O sadyang ngayon ko lang siya nakita?
Kinuha ni sir yung class record niya at humarap dun sa babae.
"Apeylido?"
"Macaban po." Sagot nung babae.
Hinanap ni sir yung pangalan nya sa class record bago magsalita ulit.
"Macaban, Veronica Katelyn?" Tanong nung prof at tumango naman siya.
"Pumasok ka." Sabi nung prof at masayang pumasok yung Veronica. Pagkaupo niya, may dumating nanaman.
"Goodmorningsirsorryimlate!" Mabilis na sabi niya at hinanap ang upuan niya. Kahit ako nagtaka, dahil wala nang bakanteng upuan at laging sakto ang upuan bawat classroom.
YOU ARE READING
Time Capsule
Short StoryShort Story // di ko pa din malilimutan ang araw na nakilala ko sya; at ang araw na iniwan nya ako
