~
Title : The Missing Gangster
Subtitle/Qoute/Motto : Uhh.. Wala?
Author : Iammeakira20
Genre : General Fiction
Short Description : Missing ang boyfriend ni Yanna na gangster. Akala nila patay na siya but then they only found out na wala palang laman ang kabaong niya.
Fav. Author : @MsButterfly and @Sielalstreim ^.^
~
PROLOGUE
Third Person's POV
Puti.
Lahat ng makikita mo sa lugar na ito ay nakaputi. Di kaya nama'y itim ang suot ng mga bisita.
Umiiyak.
Ang mga tao sa lugar na ito ay walang tigil ang pag'iyak. Mapababae man, lalaki, o gangster.
Ano ang meron sa lugar na ito?
LIBING.
Libing ngayon ng pinakakilalang tao sa tinatawag nilang gangster world.
Ryuji Hiroshi Iwanaga
Kilala sa pangalang 'Silent Death Master' ang pinakamagaling sa patayan, sa labanan at sa kinatatakutan ng lahat.
Pero isang araw, bigla na lang siyang nawala. Ilang buwan din siyang pinaghahanap ng pamilya niya at miyembro niya sa numero unong Gang Group na 'Silent Enigma'. Hanggang sa natagpuan siya sa isang abandunadong lugar sa Murcia. Malamig ang katawan. Hindi na humihinga. At walang buhay.
Pero nang ibinurol ang katawan ni Ryuji ay hindi kailanman binuksan ang kabaong nito sa utos ng kanilang 'Ikalawa' sa Grupo. Pati pamilya niya ay walang magawa dahil iyon ang patakaran ng grupo. Walang nakakaalam sa tunay na istorya sa likod ng patakarang iyon na hanggang ngayon ay pinaninindigan pa rin ni 'ikalawa'.
Habang ang lahat ay nagluluksa sa kamatayan ng pinakamaimpluwensyang tao sa buong Pilipinas na naging mabait sa kanila sa kabila ng pagiging gangster niya ay may isang taong nakatingin lang at ni hindi umiyak. Buong pagtataka ng lahat ay ganoon lamang magluksa ang long time girlfriend ni Ryuji na si Ayanna. Pero lingid sa kanila ay iba ang paniniwala ni Yanna.
"Hindi pa patay si Ryu."pilit niya iyong sinasabi sa mga kaibigan at pamilya niya ngunit hindi siya nito pinaniniwalaan. Ayon daw kay Kierwin Yung, na kilala sa pangalang 'Silent Breaker' at si ikalawa sa grupo nila, ay nakita niya mismo ang patay na bangkay ni Ryu at walang duda na matagal na iyong nakatago doon. At kung hindi lang nila nakita ang katawan ni Ryu ay paniguradong maaagnas na ang katawan nito.
Habang nilalapag na ang kabaong ni Ryu para dasalan ng pari ay hindi na napigilan ni Ayanna na umiyak ng umiyak at pagpipilit ulit sa nag'iisang magulang ni Ryu na Lolo nito na hindi patay ang apo niya.
"Lolo.. Lolo.. Maniwala ka po sa akin! Hindi pa patay si Ryu! Maniwala ka po!" pagpipilit niya kay Mr. Iwanaga pero pinapatahan niya lang ito.
Nang ibababa na sana ang kabaong niya sa lupa ay biglang tumakbo si Ayanna sa kabaong at aksidenteng naitulak ito na naging sanhi ng pagkakasira ng kabaong..
Nagulat ang lahat ng naroon nang makita ang kabaong..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
![](https://img.wattpad.com/cover/15365381-288-ke8e9f1.jpg)
YOU ARE READING
FEATURED UNDISCOVERED STORIES IN MONTH OF MAY 2014
Non-FictionCLOSE at exact 10pm. We are not ACCEPTING ANYMORE ENTRIES.