Chapter 5: Oh Heaven!

Start from the beginning
                                    

"good... good... ok sige bye." i heard him said then i faced him with full of questions in my face.

"where are we goin' Luigi?"

"you'll see." he answered without giving me a glance.

magtatanong pa sana ako sa kanya pero naramdaman ko nalang na biglang bumagal yung andar ng kotse. then the car stopped.

"we're here!"

bumaba siya ng kotse para buksan yung pinto sa side ko.

"let's go!" aya niya sakin pagbukas niya ng pinto.

pagkababa ko ng kotse. naglakad lakad muna ako para tinignan ko yung lugar habang chinecheck niya yung loob ng kotse niya.

ang tanging masasabi ko sa lugar... nakakatakot. wala man lang akong makitang establishment o bahay man lang dito. medyo madilim din pero may maaaninag ka pa naman dahil sa liwanag ng buwan.

"babe are you really sure we're here? dito talaga tayo pupunta sa secluded place na 'to?" humarap ako sa direksyon niya.

"yep! dito nga."

"pero wala namang mga bahay or establishment dito. wala nga rin yatang mga tao dito eh."

"this is the perfect place. walang sagabal, just you and me." he walked towards me in small steps with a devilish grin in his face.

"hehehe... w-wala ka naman sigurong planong i-murder ako dito? r-right Luigi? hehehe.." he just chuckled. suddenly his face turned serious.

"well if that's the case, may magagawa ka ba? huh?" he answered coldly.

what? anung ibig niyang sabihin? na may plano talaga siyang i-murder ako dito?

he glared at me. "why babe? are you scared?" kakaiba ang mga kinikilos niya. di ko maiwasang matakot.

"babe stop fooling around... it's not funny!" nakakaramdam na talaga ako ng takot. parang hindi si Luigi ang kaharap ko. para siyang nasaniban ng kung ano. kulang na lang bigla siyang tubuan ng sungay.

"kahit magsisigaw ka pa para humingi ng tulong walang makakarinig sa iyo dito."

i can feel my heart beat so fast. sobrang takot ang nararamdaman ko ngayon. gusto kong isipin na nagbibiro lang siya pero hindi ko pa siya nakitang ganyan dati.

"Luigi let's go home. pagod na ako." naglakad ako papunta sa kotse but he grabbed my arm.

"not so fast Anika." he's smilling at me like a crazy man. what is really happening with him? ramdam ko yung higpit ng hawak niya sa braso ko.

i can't manage to move. nanginginig na ang mga kamay at tuhod ko. pakiramdam ko sa oras na bitawan niya ang braso ko babagsak na lang ako bigla. and i can't even find a strength to scream and call for help. pero wala rin naman magagawa ang pagsigaw ko dahil walang makakarinig sa akin dito.

"L-luigi please... l-let me go. i'm scared." gusto ko na umiyak pero pati yata luha ko natakot na sa kanya. binitawan niya ang braso ko.

"i'll count from one to ten. and all you need to do is run for your life."

is he really dead serious? papatayin niya talaga ako? hindi pwedeng mangyari to! i need to save my life. my heart is pounding so fast. i steped back ayoko alisin ang tingin ko sa kanya. he is smilling crazily habang umaatras ako. tapos...

"pfffttt... hahaha! my god babe! hahaha!" he burst in laughter.

"iniisip mo ba talaga na may gagawin akong masama sayo? hahaha!" nakahawak siya sa tyan niya na halos sumakit na yata sa katatawa.

When Love Strikes: Undying LoveWhere stories live. Discover now