"Pfft. Hahahahahahahahahaha!"

=_____= tama bang tawanan lang ako?! Eh kung tinulungan kaya akong tumayo?!

Sa gulat ko kasi  napaupo ako sa hangin kaya ayun bagsak pwet ko sa semento at itong abnormal na nanggulat sa akin tinawanan lang ako.

"Hahahahahaha! you're so clumsy Princess!"

"You're so ungentleman Xander!"

Tapos umupo na ako tapos siya tawa pa rin ng tawa baliw lang =__________=

Nung dumating naman yung mga teacher eh nilalaro ni Xander yung buhok ko pero hinayaan ko lang.

"Awww!" napalakas ata boses ko kasi si Xander hinila buhok ko!

"Yes Ms. Madrigal? Is there a problem?" tanong ni Ma'am. Nagsusulat lang kasi kami ng notes kaya madaling marinig pag napasigaw ka.

"Ahh wala po" tapos tumalikod na ulit yung teacher tapos ako nilingon ko siya at tiningnan ng masama pero siya nagpipigil ng tawa. Problema nitong taong to? Naka drugs ba to? Ang masungit na katulad niya eh tumatawa?! Himala!

"Princess?"

"Hmmm?" sagot ko habang nagsusulat at nakatingin sa blackboard.

"ah wala wala"

eh?!

Magtatanong sana ako kaso may pumasok na guidance councelor.

"Ma'am can I excuse Aya, Kim and Anderson brothers?" tanong niya.

"Uhh yes you may go now" sabi naman nung teacher tapos nagsulat ulit.

Nagsitayuan naman sila at lumabas. Siguro yan yung sinasabi ni Sam kanina well, nagsulat nalang ako ulit.

*LUNCH*

Lunch na kaya sabay-sabay kaming lumabas na apat.

"Solid saya to pagnagkataon!" sabi ni Sam.

"Eh paano naman si Zelly maiiwan?"

"Ano ka ba Aya okay lang ako"

sabi ko kasi aalis na sila sa sabado pupunta ng Boracay kasi may sports fest doon at may nakanuod kahapon ng laro nila na isa sa sponsor nung game sa Boracay kaya napili sila para lumaban.

"Ang gwapo niya no?"

"Yeah! Siya ata yung pinadala eh para sunduin yung mga lalaban sa sports fest"

"Ang gwapo niya naman para maging taga sundo lang"

SECRET HEIRESSWhere stories live. Discover now