" Ah, ate, magkukwentuhan lang ba tayo dito? Naubos na ang mga gamit natin oh? Salita ka ng salita diyan, sila naman kuha ng kuha."

" Sorry naman. Tama! Ano nga ba ang ginagawa niyo dito sa bahay namin? Trespassing kayo ah? Tsaka bakit niyo nilalabas ang mga gamit namin? Sa inyo ba iyong truck sa labas? Hindi pa kami maglilipat bahay, ibalik niyo ang mga yan.!"

" Tss. Like father, like daughter nga naman talaga."

Ngayon ko lang napansin, may mga taong naka suit din pala dito sa bahay. Bakit, may business meeting ba na nagaganap dito? Naligaw ata sila?

" Excuse me? Anong like father, like daughter?"

" Parehas kayo ng papa mo, puro dada, walang isang salita. Nagawa pa niyang umutang sa aming bangko para daw maisalba ang kumpanya niyo tas ngayon eto ang mangyayari? Malalaman lang naming na bankrupt ang kumpanya at nagawa pa niyang tumakas. Langhiya. "

O________________O

What is this man talking about?

" Ano bang pinagsasabi mo? Pwede mo bang i clarify? Wala kasi akong naiintindihan." nakakabobo kasi ang itsura mo, napakagwapo! (sarcastic)  Akala mo kung sino magsalita. tss. 

"Ha! At hind pa pala niya nasasabi sa mga anak niya, kawawa naman. Tsk, tsk,tsk. In simple words, na bankrupt ang kumpanya niyo, mahirap na kayo. At dahil napakalaki ng utang ng papa mo sa bangko, kukunin namin itong bahay niyo. Sa madaling salita, lumayas na kayo dito!"

Seryoso ba siya? What is the meaning of this? Langhiya, sunod sunod ang problema? Napakaswerte ko naman talaga. Drama ba itong lifestory ko?

" Seryoso ka? Nagbibiro ka lang diba? Siguro nga, mukha ka kasing clown eh, nakakatawa." Danica.

Nasira yung mukha nung lalaking naka suit. Haha! Nice one Nica! Hindi ko kasi masabi sa kanya ng harap harapan. Buti kapa, meron kang lakas ng loob na magsabi ng totoo. Idol! :)))

Love High, Dream HighWhere stories live. Discover now