Prologue

10 2 0
                                        


"Wala pa ba si Manong, Haven?" nagpapanic na tanong ni Ceelez habang tingin ng tingin sa wrist watch niya.

I understand why she is acting like this, sasama kasi siya sa pagsundo kay Kuya Luke -- her boyfriend slash my brother -- sa airport. I know she's excited to fetch him, pero hindi lang siya makaalis dahil wala pa ang sundo ko.

"You can go, Lez. Kaya ko na ang sarili ko." nakangiting tugon ko sa kan'ya ngunit mas lalo lang siya bumusangot.

"Pwede ba? Hindi kita pwedeng iwan dito ng walang kasama no. Baka maisipan mong tumawid sa daan, baka maka-damage ka pa ng kotse d'yan, malagot ka pa kay Tito." nakangusong lintaya niya.

Natawa naman ako ng kaunti sa sinabi niya. Edi mas nag-aalala pa pala siya sa damage na idudulot ko kung sakaling tumawid ako kaysa sa bigla akong sumpungin ng SPS ko? Addict talaga 'to. Hahaha!

"I won't cross, I promise." Sabay taas ko ng kanang kamay ko bilang tanda na nangangako ako, though the truth is, ayaw ko lang siyang mag-alala.

Napabuntong-hininga na lang siya at muling tumingin kanyang relos.

"Huwag na lang kaya akong sumama?" aniya saka umupo sa tabi ko.

Bigla kong pinalo ang balikat niya dahilan para bumungisngis na naman siya.

"Anong hindi?! Sumama ka na, dali! Ngayon na lang ulit dadating si Kuya Luke, hindi mo pa siya masusundo."

"Tch. Ikaw kasi eh! Huhuhu!" Saka siya nagpapadyak na parang bata.

Ganito talaga siya kapag napu-frustate, lalo na kapag hindi siya makapag-decide ng maayos. Pero naiintindihan ko naman kasi siya. Kaya ko naman ang sarili ko.

"Sige na kasi, hinihintay ka na ni Kuya Luke. Iyakap mo na lang ako sa Kuya ko. Hahaha." biro ko.

"Ikaw kasi eh, huhuhu." Ulit niya. "Bakit kasi may dromophobia ka pa eh, hindi ka tuloy makasama sa malalayong lakaran. Tss! Sige na nga! Ikaw babae ka ha, huwag na huwag mong maisipan na tumawid ng daan! Ha!"

Natawa pa lalo ako sa kan'ya dahil halata na ayaw niyang umalis, pero mas halata na excited na siyang makita si Kuya. Hahaha. Kapag nga naman umiibig, oh.

Tumango naman ako bilang sagot, pero hindi pa pala siya tapos sa pagpapa-alala sa akin ng mga bagay na dapat at hindi ko dapat gawin.

"Huwag na huwag kang aalis dito sa bus stop habang wala si Manong, maliwanag?" Sabat tango ko bilang tugon.

"Naku, huwag na huwag mo ring subukang maisip na kaya mo nang tumawid diyan. Huwag kang mag-experiment, utang na loob! Kapag may nangyaring masama sa'yo, ibe-break ko ang kuya mo. Hayy! Haven, kapag ikaw--"

"Oo na po, Anna Ceelez Martin," tatango-tangong sabat ko, "I know those things well. Alis na kasi!" Pagtataboy ko sa kanya.

Kinunutan niya ako ng noo at muling bumuntong-hininga.

"Oh, siya na! Hindi ko rin naman kayang hindi maunang makita ang love of my life ko. Naku, baka may ibang palaka sa airport na maka-spot sa kuya mo't dikit-dikitan siya. Tss. Napakalapitin pa naman ng palaka ang Luke na 'yon!" Inis na sabi niya habang inaayos ang sarili.

"Maka-"Luke" ka sa kuya ko parang kasing edad mo lang siya, ah? Hahaha." asar ko.

Limang taon kasi ang age-gap nilang dalawa. 20 na kami ni Ceelez at 25 naman si Kuya, pero wala eh. Ang galing pumikot ni Ceelez. Hahaha. Ayaw nga sa kan'ya ni Kuya no'ng una eh, ang bata pa raw kasi ni Lez at ang childish pa. Total opposite sila ni Kuya na mature mag-isip, though dapat lang naman kay Kuya na mas mature talaga siya dahil mas matanda siya. Pero ang sabi ni Lez, mas mature raw siya sa Kuya ko. Napaka-pabebe nga raw ni Kuya kapag silang dalawa lang at kapag magka-video call sila.

"Boyfriend ko eh." pagmamayabang niya. Hahaha.

"Whatever." Sabay ikot ko ng mga mata.

"Aalis na 'ko, bruha. Ikaw ha?! Naku!"

"Oo nga. Hihintayin ko lang si Manong. Alis na. Alis!" tatawa-tawang taboy ko sa kan'ya.

Paatras naman kung maglakad siya palayo habang nakabusangot na nakatingin parin sa akin. Natapilok pa siya bigla dahil sa ginagawa niya kaya pareho lang kaming natawa.

"Bye!" Sabay kawa ko sakan'ya saka lang siya naglakad ng matiwasay pabalik sa Parking Lot ng University namin. Dinala kasi niya ang kotse ng Dad niya para makapunta sa airport ng mas mabilis, ayaw din kasi niyang masira ang "beauty" kuno niya dahil minus ganda points iyon kapag nakita raw ni Kuya. Haha.

Sus. Kung alam lang ni Lez, head over heels sa kan'ya si Kuya. Ayaw lang ipahalata ni Kuya dahil baka raw ikasal sila ng maaga ni Lez. Ewan ko kung anong connect no'n, pero 'yong ang secret namin ni Kuya na bawal daw munang sabihin kay Lez. Haha.

Mga limang minuto na rin ang lumipas pagkatapos akong businahan ni Lez kanina nang dumaan siya sa tapat ko't pinaalalahanan na naman ako, hanggang ngayon ay wala pa rin si Manong kaya naman naisipan ko na tawagan na siya.

[Hello, Beng. Nasa harap ka pa ba ng school niyo? Pasensya na, nasiraan ako sa daan. Huwag kang aalis d'yan, sandali na lang 'to.] usal ni Manong Canor pagkasagot pa lang niya sa tawag ko.

"Sige ho, Manong. Maghihintay na lang po ako rito." sagot ko saka nagpaalam na't ibinaba ang phone.

Napabuntong hininga na lang ulit ako at tumingin sa daan kung saan pumapapunta't paroon ang mga sasakyan. Minsan ay may mga taong malalakas ang loob at tatahakin ang kalsada kahit na hindi pa green lights. Ang mga Pinoy talaga, minsan hindi marunong sumunod sa batas.

Nagsimula akong magbilang ng mga pulang kotse na dumadaan sa aking harapan. Naiinip na kasi ako, isa pa't wala akong makausap na iba dahil ako lang ang nasa bus stop/shed na 'to.

Nang maka-labing apat na pulang kotse na ako'y bigla akong napahinto dahil napatulala ako sa lalaking nakatayo sa kabilang kalsada. Nakatingin siya sa mga traffic lights at ng makaraan ay bigla siyang tumawid... habang nakapikit.

PedestrianStories to obsess over. Discover now