Chachi is very important to me. Pero di ko alam kung bakit.

“U-uhmm? Deej?”

Wait.. Deej? Si Chandria lang tumatawag sa’kin nun?! Di kaya, siya talaga si Chandria?

“Deej! Huhu, tapos na yung car accident di ba?! *sobs*” Chachi.

“Huh? Anong car accident?” Ako.

“Nung magkasama tayo sa kotse mo tapos bigla nalang sumabog? Huhu, ayoko na dun.. *sobs*” Chachi.

Is she really Chandria? But, how?

Bakit Chachi dela Rosa pangalan nya?

“Chandria?”

At bigla nya akong hinug.

Shete. Sya nga yata si Chandria.

“Ang daya mo naman DJ e, iniwan mo ko without a reason. Siguro may iba ka nang mahal no? *sobs*”

May iba na akong mahal? NEVER YUN NANGYARI.

“Ikaw lang mahal ko Chandria. At hindi kita iniwan. Kayo ang lumayo sa’kin hindi ako.”

Halatang gulat na gulat sya sa sinabi ko.

“Mahal na mahal kita DJ, wag mo na akong iwanan ulit please?”

“Mahal na mahal din kita. Di kita iiwan, promise.”

Sya nga si Chandria. Ang unang babaeng minahal ko.

 "Pero, Chandria.. Paano kang naging si Chachi?"

"After the car accident, my mom decided to live in States. Natakot nga kasi sya masyado at baka maulit pa yung nangyari. Tapos yung ginagamit kong surname ngayon yung surname ni Lola nung dalaga pa sya. Pati nga buong pangalan ko pinabago dahil sa aksidente e. Funny, right? From Kathryn Chandria M. Benardo to Chachi B. dela Rosa. Haha, para siguro di ako matrace nung kung sino man yung nagplano nung aksidente. Pero nung nalaman nila na safe na ulit dito sa Pinas, pinabalik na ulit ako dito."

Aww, masyado palang natrauma parents ni bebe Chandria.

"Ah, that's why." Sabi ko pero bigla syang humarap sa'kin at tiningnan ako ng seryoso.

"DJ. Nagmahal ka ba ng iba nung wala ako?"

"Hindi. Ikaw nga lang mahal ko di ba. Eh baka ikaw nga ang nagkalovelife sa States e." Sabi ko sabay kurot ng pisngi nya.

"Nagkacrush lang naman ako dun no. Yung kapitbahay namin dun. Haha!"

"Aba. Sino yung lokong yun at masugod nga sa States?!" Pagbibiro ko sa kanya.

"Weh. OA ka masyado bebe. Sayo lang ako no." Kinilig naman ako dun. Kahit lalaki ako no, kinikilig din ako. :))))

"Kaya mahal kita e!" Sabi ko sa kanya at kiniss ko sya sa cheeks.

"Siguro kung hindi ka nag-emote kanina, di na ulit ako makakaalala."

Oo nga. Thanks to her. Thanks to the necklace.

"Eh, nasan ba yung necklace mong ganun?"

"Ewan ko. Nawala nga nung accident e. Sorry." Sabi nya sa'kin sabay pout.

"Tsss. Okay lang yun bebe. Pagawa nalang tayo ulit ng bago." Ako.

"Salamat bebe. I love you talaga! Mwah!" Sabi nya with a big smile.

KINIKILIG AKO. >////<

CHACHI:

Kaya pala. Kaya pala I have this feeling tuwing kasama ko sya.

Akala ko iniwan nya ako. Akala ko hindi nya ako mahal.

Epal kasing amnesia 'to e. Nagkahiwalay tuloy kami ni bebeloves.

BEBELOVES?!

Waaaahhh! Saan ko naman napulot yun?!

Ganito ba talaga kapag inlove? Kumokorni?!

 Oo, bumalik na ang ala-ala ko pero hindi pa rin maalis ang pagkabully ko.

HOW SWEET IT IS TO BE LOVED BY HIM.   ♥ 

Pero may isang bagay pa akong dapat malaman.

Sino yung naglagay ng pampasabog sa kotse ni DJ? At bakit nya kailangan gawin yun?

Gusto nya ba mawasak ang relationship namin?

------------------------------------

Ready for the revelations? SOON.

Clue; Wrong one.

xoxo. :*

You're Still The One.Where stories live. Discover now