“Ah, eh.. W-wala ‘to.” DJ.

“Sus, ikaw pa nagtago sa’min. Di uso secrets sa barkada hano.” Julia.

“Ah, sige na nga.” Sabi ni DJ at ang barkada lumapit sa kanya. Ako naiwan lang dito sa upuan ko. Nakadukdok.

DJ:

“Ah, sige na nga.” Ayan nalang ang sinabi ko kahit ayokong ikwento. Barkada ko naman sila e. So, okay lang.

Pero si Chachi, mukhang di nakikinig. Hayaan na nga lang.

“My girlfriend gave this necklace when we were 2nd year.--”

“Wui, DJ! Tagalog nalang! Nakakanosebleed kang mag-english e.” Sabi ni Neil. Hahaha.

“Sshh. Quiet nga! Nagkwekwento na si DJ e!” Sabi naman ni Yen.

“Storyteller ang peg?! HAHAHAHA.” Kiray.

Tiningnan ko si Chachi. Mukhang interesado na sa kwento ko. ^_^

“Haha. Actually, pair to. Kaya nga broken yung heart di ba. Asa kanya yung isang half. Lagi kaming Masaya. Walang problema sa relationship namin. Pero nakaencounter kami ng isang car accident. May naglagay daw ng pampasabog sa kotse namin. Ang akala nila, nagka-amnesia kami parehas. Pero, yung girlfriend ko lang ang nagka-amnesia. After that incident, nagtransfer kaming dalawa ng school dahil nga natakot yung parents namin baka maulit pa yung nangyari. Pero, yung girlfriend ko daw sa States na nag-aral. At dun na sila for good. Hanggang ngayon nga umaasa pa rin akong bumalik sya e. Dahil mahal na mahal ko yun. Hay, pag nga naman hindi meant to be. Hahaha.”

Di ko alam, pumapatak na pala ang luha ko.

“Tol, andito lang kami para sayo.” Sabi ni Neil sabay akbay sa’kin.

“Oo nga naman.” EJ.

“Eh, wait. Ano ba pangalan ng girlfriend mo?” Kiray.

“Chandria. Chandria Bernardo.”

Pagkasabi ko nun, biglang tumingin sa’kin si Chachi.

“Aaah, ano ba itchura nun? Baka naman kakilala na namin e.” Diego.

 “Straight yung hair nya tapos may bangs din. Morena sya. May pagkakahawig kay Chachi.”

Pagkasabi ko na kamukha ni Chachi, nagtinginan sila sa kanya.

“E, baka naman si Chachi yun! Ang lapit kaya ng Chandria sa Chachi!” Neil.

“Kapag malapit yung pangalan, sya na agad?” Pambabara naman ni EJ.

Tumayo naman si Chachi at kinuha yung kwintas ko..

Tiningnan nya lang ito at---

*BLAG*

“Uy, CHACHI!!” Nagpapanic na ko. Bigla nalang sya nagcollapse.

“Dalhin natin si Chachi sa Clinic! Bilis!” Julia.

After 1 hour, nagising naman na sya. Nag-alala talaga ako sa kanya.

You're Still The One.Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora