24 - one-sided

69 2 0
                                        

Update! :)

"Mang Ding, bakit wala na si Dad pagbalik ko kanina?" tanong ko nang papunta na kami sa school.  Pagbalik ko kasi kanina galing sa jogging, di ko na nakita sasakyan ni dad.

"Di ko rin alam eh. Pero nakita kong kasama niya si Ma'am Karen." sagot ni Mang Ding habang nagmamaneho.

Bakit kasama ni dad si mom?! Nakaramdam ako ng galit. No! Tama na Jov, tumigil ka na sa galit galit mong yan!

"Haaay naku naman" bulong ko sa sarili ko.

First class ko na naman pala ang english.

"Jov, goodmorning." Nakangiting bati ni Jan.

Napangiti naman ako nang makita ko siya "Good morning." sagot ko. Pagkatapos ay umupo na ako sa tabi niya.

Lumingon-lingon ako dahil hindi ako mapakali.

Nasan na kaya ang pangit na Vindei na yun?

"Jov" nagulat ako sa tawag ni Jan. 

Agad akong tumingin sa kanya.  "Hmm?"

"May problema ka ba?" seryosong tanong niya.

"Ah, wala ah." Mukha ba akong hindi ok?

"Are you sure?" Nag-aalalang tanong niya.

Tumango ako ng nakangiti.

"Good" then he smiled back.

Ay ang gwapo niya >.< Kinilig akong bigla.  Landi ko ba?

Natahimik kami..

Infairness ha, walang nakapaligid na mga babae ngayon kay Jan ngayon.

"Uh Jov" bigla na naman siyang nagsalita kaya napatingin ako sa kanya.

"Oh, ok ka lang?!" nag-aalalang tanong ko. Muhkang kinakabahan kasi siya.

"Yeah I'm ok.  But Jov, can I ask you something?"

"Sure" sagot ko kahit bigla akong kinabahan. Ang seryoso kasi niya eh!

"Uh, would you go on a date with me?" he asked and gave me a nervous smile.

Tinago ko yung ngiti ko..  Ayyyy!!! Nahihiya siya! >.< Ang cute!

Ok Jov, act normal!

"Pwede paki-ulit?" tanong ko. Malay mo, namali lang ako ng kinig!

"Would - you - go - on - a - date - with - me?" Dahan-dahan  niyang tanong tapos nag-iwas siya ng tingin.

Tumalikod ako sa kanya.  MY GULAY!! My crush asked me out! Di ko na napigilang mang-gigil.

Ano ba Jov?! Manliligaw nga sana siya sayo diba? Paano kung magpaligaw na ako sa kanya?? Hmmm... 

Humarap ulit ako sa kanya.  Tinitigan ko siya at tinitigan din niya ako.

"So Jov, what's your answer?" tanong niya.

 Bakit ganun? Di na ako na-iilang na titigan siya?  Parang may nagbago sa kin... "Sure" sagot ko.

Ngumiti siya habang nakatingin sa kin.

But after a while bigla siyang nagsalita."Sigurado ka? You look like napipilitan ka lang."

"Hindi ah! Di ako napipilitan." sagot ko.

Nagulat ako sa sinabi niya. Ganun ba?  Ano na bang nangyayari sa kin?  Why am I being like this? Fine, di ko na kayang magsinungaling sa sarili ko.. di talaga ako nasiyahan na he asked me out... Pero why the sudden change?

Ayoko sa Pangit!Where stories live. Discover now