"Ahh Ma'am umalis po.. bigla po kasi itong sinundo ni Sir Mario may pupuntahan lang daw po silang importante" Tugon ni Manang. Nagulat naman ako sa sinabi nito.

Pumunta tatay ni Isabel dito? Parang bago yun ahh. Dahil ni ayaw nito nakakakita ng kung anong bakas ko. Sabi ko nga kahit kasal na kami ni Isabel at may anak na hindi parin nila ako matanggap ginawa ko na ang lahat-lahat still ayaw parin nila ako para sa anak nila ni hindi nga sila umattend ng kasal namin tanging si Ate Yna lang hindi nalang nagsalita sila Mama para wala ng gulo pa.


Pinuntahan ko nalang si Ysabelle na tuwang-tuwa habang sa pagkain may mga bakas na rin ng chocolates ang gilid ng labi nito.


"Baby masarap ba?" Tanong ko rito saka kumuha ng doughnut at kumagat.


"Opo Mama! the best talaga ito!" Masayang tugon niya. Nilabas ko naman ang telepono ko para kuhaan siya ng larawan.

"Baby selfie tayo" Saad ko tuwang tuwa naman kami habang nagseselfie. Mas masaya sana ito kung kasama namin ni Isabel gaya ng dati. Agad ko namang inpost sa social media ko ang pictures naming dalawa.


"Bonding with this kiddo😘"


.
.
.



Isabel's POV...


"Dad yung totoo, bakit niyo ba ako sinundo? Ano bang meron?" Tanong ko dito ilang beses ko na itong tinatanong kung bakit ito pumunta sa bahay ng walang paalam pero ni isa sa mga tanong ko wala itong sinagot seryoso lang itong nakatingin sa harapan.

"Ayusin niyo kung ano man ang problema niyo ni Jan" Maawtoridad nitong sabi.

Napairap nalang ako dahil sa sinabi nito. Malamang sa malamang nagsumbong yung si Jan kay Dad na may hindi kami pagkakaintindihan.


"But Dad nahuli ko siyang may kahalikang ibang babae sa bar" Pagdadahilan ko.


Kaya hindi ako naka-uwi ng maaga noong nakaraan kasi patago ko itong pinuntahan sa may bar at nakita ko itong may kalahikang babae.


"Nagpaliwanag na siya sa akin hindi naman niya ginusto yun ganun lang talaga kaming mga lalaki lapitin ng tukso.." Depensa nito para siyang abogado ni Jan na gagawin ang lahat wag lang makulong si Jan.


Napa-irap lang ako sa sinabi nito.


"Listen Isabel alam mo namang botong boto ako kay Jan para sayo diba? Kaya kung pwede lang hiwalayan mo na yang wala mong kwentang Asawa mas may dulot si Jan sayo kesa sa kanya" Dagdag pa nito.

Hindi nalang ako nagsalita. Pero deep inside at nasaktan ako sa sinabi ni Dad tungkol kay Diana. Kahit anong gawin namin ni Diana noon para patunayan namin na karapat-dapat siya sa akin walang nangyari kaya hindi na ako magsasayang ng laway para duon.


"Nga pala Dad bakit hindi man lang natin isinama si Ysabelle? Gustong gusto na siyang makita ni Mommy" Tanong ko nalang.


Tuwang-tuwa nga si Ysabelle kanina ng makita ang Lolo nito pero ni hindi man lang siya tinapunan ng kahit isang ngiti ni Dad.

"Magiging Apo ko lang ang batang yun kung apelyedo mo ang dala-dala nito at hindi Carlos" Tugon nito.



Hindi nalang ako ulit ako nagsalita pa never naman akong nanalo kay Dad. Pero bilang isang Ina masakit sakin na hindi tanggap ng magulang ko ang sarili nilang Apo.


Kawawa naman ang anak ko.


"Dad bat tayo nandito?" Tanong ko ng biglang inihinto ng driver ni Dad ang sasakyan sa harap ng condo residence na tinutuluyan ni Jan.


"Pumasok kana at mag-usap kayo, ayusin niyo problema niyo. Sige na aalis na rin ako don't worry pababa na siya" Tugon ni Dad.

Ayaw ko pa sana itong kausapin dahil talagang galit ako sa ginawa niya. Pero no choice na ako kundi kausapin siya
kasi nakita ko rin may mga nakita akong guards ni Dad na nakamasid sakin para bang binabantayan kung tutuloy ba ako o hindi.

"Hey Babe. nandito ka" Salubong sakin ni Jan sa lobby. Hahalikan sana ako nito pero mabilis akong umiwas natawa naman siya dahil duon.

"Hey Babe your face! Nagsumbong ka nanaman ba kay Dad" Naiinis kong sabi.

Kesa lumamig ang ulo ko mas dinadagdagan lang niya atraso niya sa akin.

"Sorry na kasi, hindi ko naman alam na hahalikan niya ako" Depensa nito. Pero di ko lang ito pinansin dirediretso lang akong naglakad papunta ng unit niya.


"Pwede ba ako sa mood kausapin ka ngayon. Gusto ko muna ng peace of mind" Pakiusap ko rito.


"Babe naman sorry na miss na miss na kita.. Sorry na" Saad nito saka ako niyakap.

"Jan please naman I need space" Tugon ko naman saka pilit na kumakawala sa mga yakap niya.

"But Babe I need you now. I need you so much" Masuyong bulong nito saka mabilis akong sinungguban ng halik.

Akala niya makukuha niya ako dyan. Hindi ako tumugon sa halik niya kaya pumunta ito sa weakest spot ko. Napamura naman ako dahil duon alam na alam niya kung paano ako kuhain.

"I badly need you Babe" Saad nito habang patuloy pa rin ito sa paghalik sa akin dahil sobrang nakakabaliw ang ginagawa niya sa akin hindi ko na napansin na halos wala na kaming saplot parehas.

Mariin nalang akong napapikit bago nagpaanod sa tawag ng laman.

______________________...

I'm not the only one (ToLine) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon