Prologue

9 1 0
                                    

"Baboy!"

"Panget!"

"Taba!"

"Jumbo!"

"Higante!"

"Lindoooolll!!!"

Napalingon ako sa huling sumigaw. Aba't ang adik din neto e. Purket dadaan lang lindol agad? Tapon ko sya sa Pasig River e. -___-.

Nababasa nyo naman siguro no'? Kung ano ang vital statistics na naiimagine nyo, bahala na kayo basta mag simula kayo sa 40. -__-

Oo na mataba na. Bakit ba? Ang sarap sarap kayang kumain.

Hi! Ako nga pala si Kylene Maria Merce-- choos hehehe Kylene Jasmine Cur-- choos ulet hahaha. Tawa kayo libre! Hehe. Eto na. Ako si Kylen---

"ZOMMMMBBBIIIEEEE!!"

"Ay! Zombie!!"

Nasabi ko sa gulat. Tinignan ko yung batang lalaki na sumigaw ng zombie! At tinignan ko lang sya ng blanko ng sakin pala eto nakatingin na nakaturo pa.

Aba! Aba! Aba! Hinahamon yata ako ng batang to!.

Tinignan ko sya ng masamang masama, saka itinaas yung dalawang kamay, at naglakad papunta sa kanya na parang zombie!

"Woooo!! I will eat your brain!!"

Pananakot ko sa bata, at nagtagumpay naman ako dahil tumakbo sya palayo!

Iniayos ko ang sarili ko pati na ang buhok kung kulot na nakabuhaghag sa mukha ko.

"Pwe!"

Pagtatanggal ko sa ilang hibla ng buhok na pumasok na sa bunganga ko. Aish! Ang alat!

Nandidito ako ngayon sa playground. Bakit? Kasi sabi ni mama mag jogging daw ako! Eh? Nakakatamad kaya umupo nalang ako sa swing. Bakal naman to kaya alam kong hindi mapuputol.

"Ayan! Kuya! Sya! Sya po yung nanakot sakin! Huhuhuhu! Kuya! Diba? Mukha naman talaga syang zombie?!"

Napalingon ako sa batang nagsalita at  eto yung batang tinakot ko kanina. Aba't nagsumbong. -__-

"Hoy! Tabachoy!"

Nanlamig nalang bigla yung buo kung katawan ng makilala ko yung boses na yun!

"Ano ka ngayon! Zombieng tabachoy! Lagot ka sa kuya kooo!"

Pagmamalaki nung bata.

Nilingon ko sila ng nakanga nga at medyo paduling duling yung mata, muntanga na pero alam kong aalis sila sa itsurang ganito.

"Aba! Tara na nga Liam, lasing naman yata yung nang ano sayo e. Sabi ko naman sayo paglasing wag mo ng patulan!"

Pangangaral ni Kian sa kapatid nyang si Liam. Gosh ba't diko nakilala yung mukha nung bata? Hays! Badshot ako kay crush ah.

Oo crush! Huhu yun? Yung lalaking yun? Sya si Kian Nathaniel Thompson! May half sya, kaya ang gwapo, gwapo ang daming nagkakagusto dyan sa school namin. Pero wala syang eneentertain na babae kasi may crush daw sya na hindi nya malapit lapitan.

Ang swerte naman that girl. Huehue!

Ano pa ba? Bakit ba ang hilig natin mag ka crush sa hindi naman tayo crush? Eh? Bakit nga ba hindi tayo crush ng crush natin? Hays!.

---

Waaa! Hii! Myghed! I tried my very best in this, I hope I satisfy you guys with this prologue.  I will accept any suggestions or any complains so that I could improve more. And thank you! 😉

Ba't di Ako Crush ng Crush Ko?Where stories live. Discover now