Journey back home

90.2K 1.5K 63
                                    


Sallie's POV

Pagod na ang katawan ko sa mahigit sixteen hours na pagkaka-upo dito sa loob ng eroplano. Pagod ang katawan at idagdag pa ang mixed emotions na nararamdaman ko. Kaba at excitement ang nasa dibdib ko kasi after three years, makikita ko na uli ang nanay at anak kong si Enzo.

Kinuha ko ang telepono at nag-browse ng mga pictures na ipinapadala nila sa akin. Hindi ko mapigil na mangiti habang tinitingnan ang masasayang mukha nila habang ipinapakita ang mga padala kong pagkain sa kanila ang kinakain nila, ang mga imported na damit na suot nila, ang mga imported na kaserola na pangarap ng nanay kong mapaglutuan. Parang gusto kong maiyak ng makita ko ang litrato ni nanay at ni Enzo na nakatayo sa harap ng bahay na tinitirhan nila. Naiiyak at natutuwa ako na makita na nagbunga na ang pagsasakripisyo ko na malayo sa kanila ang matagal.

Nanay and Enzo were now living in their own modern styled house which I bought for them. Pinag-ipunan ko talaga iyon na maipagawa para mas maging convenient sila sa maluwag na bahay. Mayroon din silang sariling kotse at driver para kung gusto nilang mamasyal o pumunta kahit saan, magagawa nila kahit anong oras nila gusto. I gave them the life that I always wanted for them and I made sure that I can provide anything that they needed to experience an enjoyable life ka noon ay hindi namin maranasan.

Kahit pa nga isakripisyo ko ang lahat, gagawin ko para maibigay ang lahat ng kailangan nila.

Nang umalis papunta ng Canada three years ago, walang-wala talaga ako. Brokenhearted, literal na broke dahil wala akong kahit na magkano. Tanging ang perang inutang ko lang sa agency ang pocket money ko. Nalilito ako noon dahil sa mga nangyari at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam ang gagawin ko. Pagdating ko doon, nag-focus na lang ako sa trabaho. Kahit hotel maid pa rin ang trabaho ko sa ibang bansa, iba naman ang sitwasyon ko doon. Sinabi ko na lang sa sarili ko ang magta-trabaho akong mabuti at hindi na babalikan ang lahat ng nangyari sa akin sa Pilipinas. Hindi ko na babalikan ang isang magandang panaginip na nauwi lang sa isang bangungot. Kailangan kong mag-move forward para maabot ko ang mga pangarap ko para sa akin at para sa pamilya ko.

At nagawa ko iyon.

Nagsimula ako sa pinakamababang posisyon bago ko narating ang magandang position ko sa hotel ngayon. Lahat ng tinatamasa ko, ang posisyon ko sa hotel na pinapasukan ay pinaghirapan ko ng wala akong sinagasaang tao. Nakuha ko lahat iyon sa sariling sikap at sa mga hindi inasahan na koneksyon ng malalaking tao na nakikilala ko sa trabaho. Sabi kasi nila people person daw ako. Mukha daw akong mabait at lahat ng makilala ko ay magaang ang loob sa akin. Pero ang tingin ko naman, bilib lang sila kapag nalalaman nila ang life story ko. Who would have thought that the young and naïve maid in Manila would become an executive here in a famous hotel in Canada?

Three years ago, umalis ako na brokenhearted. Pinili ko ang trabaho kaysa sa kanya. Napangiti ako ng mapait at napailing. Sa tuwing maiisip ko siya, ramdam ko pa rin ang sakit. Ramdam ko pa rin ang pagmamahal na hindi naman nawala. Pero kailangan kong tiisin kung anuman ang nararamdaman ko. Pumili ako at hindi siya ang pinili ko.

I let out a sigh and shook my head. I needed to clear my mind that's why I took my laptop and opened it. I needed to focus on something kasi I might end up crying again.

Ilang gabi na ba akong iyak ng iyak bago matulog? Ilang gabi na rin akong hindi makakuha ng matinong tulog dahil sa nalaman ko. Napakasakit pero wala naman akong masisisi kundi ang sarili ko. Iniwan ko siya. Pinabayaan kong makuha ng iba. Ipinamigay ko nga.

Kung may choice nga lang talaga ako, ayoko ng bumalik ng Pilipinas. Kaya nga ako nag-extend pa ng isang taon sa kontrata ko. Wala na rin naman akong babalikan kundi ang pamilya ko. I could have petitioned them para sama-sama na kami sa Canada pero ayaw ni Nanay. Ayaw daw niyang tumira sa ibang lugar na wala siyang kakilala. Saka deep inside umaasa din ako. Umaasa ako na pagbalik ko ay may babalikan pa ako at maaayos ko ang kung anuman ang iniwan ko.

Still maid for you (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon