Prólogo

148 9 6
                                    

"Alam mo ba? Na nasa dugo na talaga namin ang pagiging gwapo," mayabang na sabi ni Nathan. Napa "weh" naman ang lahat at napairap ako.

"Oh? Talaga? Bakit sa dugo ka pa naging gwapo? Bakit hindi nadamay 'yong mukha?" Humalakhak ng malakas ang mga kaklase namin at may iba namang nag, "ooh!".

Tiningnan niya ako ng masama. "Nahiya naman ako sa mukha mo," galit niyang saad.

Napatahimik ang klase at napatawa nalang ako. "May hiya ka pala?"

Halos sumalampak sa sahig sa kakatawa ang mga kaklase ko at inirapan ko na lang silang lahat. Like, wtf? May nakakatawa ba sa sinabi ko?

Mamula mula na ang mukha ni Nathan ngunit hindi pa rin ito nagpatinag. "Oo may hiya ako. Ikaw? Mayroon ba?"

Ngumiti na lang ako. "Hindi mo na kailangan tanungin dahil alam mo na ang sagot Nathan," mapang-asar kong sabi.

Namula na ng todo ang kanyang mukha at kulang na lang ay suntukin niya ako. Well, I think iyon talaga ang gagawin niya dahil humakbang na siya papalapit sa akin. Susuntukin na sana niya ako nang bigla kong sinipa ang paa niya at napasalampak siya sa sahig.

"Aww, wawa ka naman," mapang-asar ko pang sabi. Sinalubong ako ng katahimikan habang unti-unting inaalalayan ng iba naming kaklase si Nathan.

"Napakasungit talaga ni Aia. Hindi maganda ang nananakit ng kapwa. Makakarma 'yan sigurado," bulong ni Yesha sa kaklase naming si Nissa. Bumuntong hininga lang si Nissa at napairap ako. Kung kalbuhin kaya kita para alam mo ang sinasabi mo?

Bigla namang kumaripas ng takbo ang mga kaklase ko papunta sa mga upuan nila. Nagkibit balikat ako at umupo na rin. Isa lang ang ibig sabihin nito, malapit na si monster teacher.

Sino pa ba? Edi si Sir Albert ng History.

Tumayo kaming lahat at bumati kay sir Albert. Hindi niya kami pinansin at diretsong nagsulat sa board.

"Hindi ka rin bastos eh no?" bulong ko. Tumingin sa akin ang katabi kong si Mychel na siyang presidente ng klase. Tinaasan ko lang siya ng kilay at napaiwas naman siya ng tingin.

Hindi niya ba alam ang motto ko na, "Mind your own bussiness"? Hayst, sabagay hindi naman kami close.

Pero dapat alam niya pa rin. Gosh, respeto naman.








"Aia, Aia, Aia," pailing-iling na sabi ng principal namin. Nabalitaan kasi niya ang nangyari kanina at agad akong pinatawag.

At siyempre, si Yesha ang nagsumbong. Good samaritan kuno. Tch. Tinanong niya ba ako kung nakakatulong siya sa akin? Like duh, I really hate her.

Nagmamalinis, hindi naman malinis.

"Alam mo ba na isang violation nalang at makikick out ka na sa eskwelahang ito?" Hindi naman ako kumibo at diretsong tumingin sa ballpen na nasa ibabaw ng lamesa niya.

Mas maganda titigan 'yong ballpen kesa sa pagmumukha niya.

"Aia, tinatanong kita," diin niya.

Tiningnan ko siya sa mata. "Hindi ko po alam at ngayon ko lang nalaman dahil kakasabi niyo lang," monotono kong sagot.

Nagtiim bagang si Principal Jewel at tiningnan ako ng masama. "Napakabastos mong bata ka. Hindi ka ba tinuruan ng mga magulang mo ng mabuting asal?"

Kumulo bigla ang dugo ko sa pagsingit niya sa mga magulang ko sa usapan. Tumayo ako at tiningnan siya ng napakasama. "Huwag mong maidamay damay ang mga magulang ko dito Balyena. Hindi nakakatuwa."

Ngumisi siya sabay napatayo rin. "Bakit? Ayaw mong malaman ng mga magulang mo ang baho mo?"

Umirap ako, "O baka naman ayaw mong malaman ng mga magulang ko ang baho mo," sabat ko.

Namula bigla ang mukha niya at tinuro niya ang pintuan. "Get out of my classroom before I do something I will regret," pasigaw niyang sabi.

Kumibit balikat ako as usual at pacool na naglakad palabas ng classroom. Hayst, Madam Jewel, sinong tinakot niyo?

Hindi lang naman itong bulok na paaralan na ito ang school sa buong mundo. Marami pang iba like duh? Hindi kayo kawalan.

At paratangan ba naman akong may tinatago ako sa mga parents ko na baho? Siya nga 'tong nagnanakaw ng funds mula sa school.

Umirap nalang ako sa kawalan at naglakad papunta sa parking lot ng school. Class hour pa lang ngayon pero maya maya rin ay magdidismissal na. Ayaw ko makipagsiksikan kaya uuwi na ako.

Ang baho kaya nila.

Like 'yong amoy may putok. Minsan amoy paa na mabaho. Gosh, isinusumpa ko ang school na ito.

Napahinto ako nang may makita akong schoolmate ko na titg na titig sa akin mula sa sidewalk na katapat ng parking lot. Mukhang kasing edad ko lang siya at tisoy na tisoy.

Normal ang pananamit nito pero napatulala ako nang mahagip ng mga mata ko ang hawak niyang bulaklak. Magkahalong pula at ginto ang kulay no'ng bulaklak at may silver na patterns na bumabalot dito. Mukha siyang artificial pero kung pagmamasdan, totoo ito.

Wala namang mga tusok sa tangkay nito at halatang tinanggal na. Nagambala ang pagtitig ko nang biglang may dumaang sasakyan.

Parang kinilabutan ako nang makitang wala na 'yong lalake sa kinatatayuan niya pagkatapos dumaan ang sasakyan kanina. Dali-dali akong dumiretso sa kotse ko at ini-start ang kotse. Parang lalabas na 'yong puso ko mula a dibdib ko dahil sa kaba.

Sino ba siya? Nag hallucinate ba ako?

Napamura ako ng mahina. I shouldn't be thinking of the stranger with a strange flower. May motto nga akong "Mind your own bussiness" at dapat sundin ko 'to.

Weird people, lubayan niyo ako. Sapat na ang prinicipal ko.

Pakiusap.

+++

Aia (Aya)
Gwenn (Guwen)

Salvando A Mi Familia (Saving My Family)Where stories live. Discover now