Lupang Hinirang
Bayang Magiliw Perlas ng silanganan.
Doon isinilang kung saan ay maraming likas yaman.
Mga tanawin ay may kakaibang kagandahan
Bansang tuluyang nakamit ang kalayaan
Alab ng puso
Mga bayaning di nagpatukso.
At sinigurado ang pagkapanalo
Dahil kay Jose Rizal lumabas ang totoo.
Sa dibdib mo'y buhay
Para sa kalayaang dati ay di taglay
Maraming tao ang nag-alay
Na kahit na sino'y handang pumatay
Lupang Hinirang,Duyan ka ng magiting
Paligoy-ligoy at Pabaling-baling
Muling sinariwa ang mga hinaing
Ng mga buwaya at pating.
Sa manlulupig,Di ka pasisiil
Dahil ang mga mapagsamantalang tao ay di mapigil
Ang giyera sa bansa ay di matigil
At ang mga biktima ay sadyang itinakwil
Sa dagat at bundok
Lipunan natin dapat ay nasa tuktok
Ngunit hanggang ngayon ay nasa sulok
At nag hihintay nalang na mabulok
Sa simoy at sa langit mong bughaw
Pagmamahal ng mga tao sa silangan ay umaapaw
Na kahit bawiin ang tanglaw
Di mawawala ang inaasam na araw
May dilag ang tula
Di magawang tumulala
Sa bawat oras ay iniisip ang mga bata
Mas maiging masaktan at magkasala
At awit sa paglayang minamahal
Isama ang pagtitiwala sa maykapal
Ang tanging laban ay pagdadasal
Ang mga pinoy ay tunay na banal
Ang kislap ng watawat mo'y
Di maipaliwanag ang panaghoy
Mga puno'y ginagawang kahoy
Kalikasan ay itinataboy
Tagumpay na nag ningning
Makasama ang pamilya iba ang piling
Ang bansang mayaman sa agrikultura
At sagana sa tradisyon pati kultura
Ang bituin at araw nya
Kalikasan ay kay ganda
Paraiso'y asan na?
Tuluyan nang sinisira
Kailan pa ma'y di magdidilim
tatlong bituing nagniningning nang taimtim
Mauubos ang sakim
Kakainin nang lagim
Lupa nang araw,ng luwalhati't pagsinta
Mga bayaning handa't naka-amba
Papel at lapis ang sandata
At ipapahayag ito sa pagtula
Buhay ay langit sa piling mo
Bagong henerasyon ang makikinabang dito
Gagawa nang bagong hukbo
Papanatiliin ang kapayapaan sa mundo
Aming ligaya, na pag may mang-aapi
Ligaya'y panandaliang ikinukubli
Wala muna ang sandali
Tapang at talino gagamiting pagbati
Ang mamatay nang dahil sayo
Buong puso kong tatanggapin ito
I-alay ang buhay para sa bansa
Para sa kalikasan,Kalayaan at mga bayani na aking ipinaksa.
