Part 1

5 0 0
                                    

Please kong mabasa niyo man ito paumanhin dahil marami po ang errors nito. Kung maaari sana ay sabihin niyo nalang sa comment. Maraming salamat.







--------

"Ate Sha bakit natagalan ka sa pagdala ng gamot? Taas ng lagnat ni mama eh, natatakot ako", salubong sa akin ng kapatid kong babae na si Jaira.

Iniwan ko sandali si mama sa kanya dahil bumili ako ng gamot sa lagnat. Dalawang araw na kasi ang lagnat ng nanay at naubos na ang gamot niya kaya kinailangan kong bumili ulit. Nasa bukid kasi ang tatay namin dahil kailangan niyang magsaka para may kitain siya at para may pang gastos kami sa araw ng kinabukasan kong loloobin lalo na at may sakit si nanay. Medyo mahirap ang buhay pero nakakaraos din naman awa ng Dios kaya lang talagang tama lang sa pangkain araw araw ang kinikita ng tatay kaya hindi ko naipagpatuloy ang kolehiyo at kinailangang maghanap ng mapagkakakitaan.Ayaw kong dagdagan pa ang paghihirap ng ama ko sa kakahanap buhay para may makain lang kaming pamilya niya kaya nagdesisyon na rin akong huwag nang magpatuloy pa sa pagaaral at maghanap ng trabaho. Kinuha naman akong tindera sa isang maliit na drugstore malapit sa aming bahay kaya may kita na rin ako kahit papano kaya lang dahil nasa probinsiya kaya maliit talaga ang pasweldo at kapos pa rin.

"Halika ka na pasok na tayo para makainom na ng gamot si nanay.Huwag ka na ring magalala dahil gagaling na siya,manalangin lang tayo".pangaalo ko sa kapatid ko habang papasok kami sa bahay.

Dahil sa liit ng pasahod dito sa aming probinsiya sa Masbate kaya naisipan ko na, anu kaya kong subukang kong makipagsapalaran sa Maynila. Kaya lang hindi pa ako nakapagpaalam sa mga magulang kong sigurado na aayaw sa plano ko. Pero ang mahirap nitong kumbinsihin talaga ay ang ina kong si Laura, palaging linya non kapag binibiro kong magma- Maynila ako ang " nabubuhay naman tayo dito bakit kailangan mo pang lumayo sa amin magtulungan lang tayo kakayanin natin ito". Alam kong mahirap talagang malayo sa kanila lalo na kung pumayag sila sa plano ko, first time kong maranasan na malayo sa pamilya ko.Iniisip ko pa nga lang ay nalulungkot na ako kaya lang desidido na ako sa plano ko.Gusto ko talagang makatulong sa kanila at kahit papano ay makaranas naman sila nang buhay na hindi man maalwan ay nakakaraos ng hindi ganon ang hirap nararanasan sa araw araw.Balak kong mag apply sa factory sa Maynila kasi kahit papano ay malaki-laki ang sahod kaysa dito.Di rin ako mahihirapan sa tirahan dahil nandoon ang pinsan kong si Anya na doon na nakapagasawa at nagkaroon ng dalawang anak. Kailangan ko nalang kumbinsihin ang mga magulang ko at sa pamasahe naman ay may naitago na rin ako kahit papano kaya sila nalang ang iniisip ko pa.

Umuubo si nanay ng makapasok kami sa bahay. Ng makita niya kami ay tumuwid siya sa pagkakayuko niya.

" Nandito ka na pala Sha, nakabili ka ba ng gamot ko?. Medyo okay na rin naman ang pakiramdam ko eh kaya hindi na siguro kailangang gumastos pa ng masyado sa gamot na iinumin ko."
"Nay, anong okay po ang pinagsasabi mo diyan eh narinig namin ni Jaira kung paano ka sama ang ubo niyo tapos sasabihin mong okay kana? kaya nga po ako bumili ng gamot mo eh, kaya wag ka ng magisip ng mga bagay bagay,ang dapat na iniisip mo ay ang gumaling ka na dahil nahihirapan na si tatay na lunukin ang luto kong ulam".biro ko sa kanya na may pilit na ngiti sa labi.

" Tigilan mo nga ako at alam kong tinatamad kalang sa pagluluto ng pagkain natin ",nakangiting sagot niya sa akin.

Alam kong mamimiss ko ng husto ang mahal kong pamilya lalong lalo na ang mga biruan namin at ang mga masasayang bonding na siyang lunas sa kakulangan sa buhay namin.Ngunit buo na ang desisyon ko. Kailangan kong makipagsapalaran sa malayo, para din sa kanila. Alam kong mahihirapan akong mag adjust sa buhay nang wala sila,kaya lang mas mahihirapan akong palaging nakikita ang hirap ng buhay namin dito kong may paraan lang naman para gumaan- gaan ito.Bahala na ito. " May awa ang Dios " lagi kong sinasabi sa sarili ko para gumaan ang bigat na nararamdaman ko sa dibdib ko madalas. Kailangan ko na talagang nagpaalam sa kanila sa lalong madaling panahon..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 07, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

All of YouWhere stories live. Discover now