Pinagtitinginan na kami ng mga tao, gusto ko ng umalis dito dahil mukhang di ko magugustuhan ang mangyayari.

Tumawa si Cass, yung tawang pang-asar.

“Sino ako sa akala ko? Hahaha! I own this school, noob. Di naman siguro ako maglalakas loob pumunta dito sa harap at umorder kung wala lang ako sa school na to diba? Tss. Stupid.” Humarap si Cass kay Ysa at tinaasan ito ng kilay. “Hey bitch, di mo pa ba ko nachichismis sakanya?”

Sakto naman inabot na yung order nila ni Matt. Kinuha ni Cass yung spag niya at tinapon yun sa ulo nung girl na kausap niya kanina. Nashock kaming lahat.

“Cassandra Bernardo Padilla. Remember my name, noob. Next time magiingat ka sa babanggain mo. And oh, maghanap ka na ng bagong school na papasukan mo. I suggest sa ibang bansa, dahil walang school na tatanggap sayo dito sa Pilipinas, sinisigurado ko yan.”

Humarap siya sa lahat ng tao sa caf.

“Kung sino pa ang maglalakas loob na kalabanin ako, alam niyo na nag mangyayari sainyo.”

Lumuhod bigla yung girl kahit puro pa spag pa yung ulo niya. “Sorry po, sorry po talaga. Please. I cant afford to be kicked out. Magagalit ang parents ko sakin. Please Miss Cassandra, gagawin ko po lahat wag niyo lang ako ipaexpel.” Sabi niya habang umiiyak.

Naawa ako sa babae. Ano ba kasi ang nangyayari kay Cass. Bakit ganyan na siya. Mabait siya noon, friendly, palangiti at maamo sa lahat ng tao. Pero pagbalik niya, halos di ko na siya kilala.

“Sorry my ass. Touch move bitch. What’s done is done.”

Hinimas bigla ni Ethan yung braso ni Cass, kumalma naman si Cass.

“Cass.” Malambing na sabi ni Ethan. “Let it go. Pahirapan mo nalang siya kung gusto mo pero wag mo na siyang ipaexpel.”

“Pasalamat ka nandito si Ethan. If not for Ethan, you’ll probably be a dead meat later.”

Tumayo yung girl at nagpasalamat kay Cass. “Thank you Miss Cassandra, gagawin ko po kahit na ano para mapatawad niyo ko.” Lalapit at yayakap sana si girl kay Ethan para magthank you kaso...

“Go near him and you’re dead.” Banta ni Cass gamit ang malamig niyang boses.

Hinawakan nalang ni Ethan si Cass sa kamay at binulungan siya. Malakas ang pandinig ko kaya narinig ko parin kahit binulong nalang niya.

“Bakit mo pinigilan? Possessive neto.”

“Ah edi sige payakap ka sakanya kung gusto mo. Tss.” Nagumpisa ng lumakad si Cass kaso bigla siyang hinila ni Ethan at niyakap.

“Eto naman joke lang. Alam mo naman ikaw lang ang gusto kong yakapin.”

END OF FLASHBACK

Ngayon, nakita ko na naman si Cass na may kamakeout sa may hood ng kotse niya. Kung di ako nagkakamali, 3rd year yung guy. Matangkad at may itsura naman.

Di na mabilang sa mga daliri ko kung ilang beses ko siyang nakitang may kamakeout sa loob ng campus. Sa loob palang ng campus yun ah, eh from what I heard, gabi gabi din si Cass sa mga bar. For sure iba iba na naman yung kahalikan niya dun.

The heck I care about her and her toys.

Naguguluhan din ako sakanila ni Ethan. Possessive siya kay Ethan, pero nakikipaglandian siya kung kani-kanino. Ano ba talaga sila ni Ethan. For sure naman, hindi sila, kasi di naman papayag si Ethan na makipaghalikan si Cass sa iba kung sila eh. Pero bakit ang possessive niya kay Ethan. Madalas din silang sweet tuwing makikita ko sila.

Ang gulo.

Kasing gulo ng nararamdaman ko, alam ko wala akong karapatan pero nagseselos ako, nagagalit, naiinis, naiinggit. Kung sana, ako yung kamakeout niya lagi. Kaso niloko niya ko, its not my fault we’re in this shit right now. Niloko niya ko kaya wala siyang karapatan umarte na para bang siya ang nasaktan at hindi ako.

At isa pa, pano niya nagagawang makipaghalikan sa kung sino-sino, 2 weeks palang kaming break. 2 f-cking weeks. Di ba niya alam yung 3 month rule? Pero sabagay, may nilalandi nga siya habang kami. Kaya lalo pa ngayong nakakawala na siya sakin diba.

Ako kasi, di ko magawang manghalik ng iba, tuwing susubukan ko pag nagbabar ako, mukha niya yung papasok sa isip ko.

Damn.

Naalala ko na naman yung usapan nila last Friday ni Sam sa room.

“Bago na naman yung kamakeout mo kanina ha, sino na naman yun?”

“Noel. One of my toys.”

“Toys? Wala ka man lang bang sineseryoso sa mga yun?”

“Duh Sam. Yes, toys. Boy toys. Im famous, pretty, I have a body to die for and Im a damn good kisser, kaya bakit naman ako magseseryoso kung madaming nagkandarapa sakin jan. Wala sa vocabulary kong ang salitang magseryoso. For fun lang lahat yun.”

Tss.

********

This chapter is dedicated to @prettyme7. Na-touch ako sa mga comments niya sa Almost Perfect. Thank you. <3

I'll Never Fall For The PlayboyWhere stories live. Discover now