"Thanks bro. Maybe sa ngayon ay hindi ko kailangan ang tulong mo. Pero someday, hihingi ako sayo ng tulong. At alam kung ikaw ang isa sa taong makakatulong sa akin. Alam mong hindi ako nanghihingi ng tulong sa iba. Pero sa tamang panahon. Manghihingi na talaga ako ng tulong sa inyo." Anito. Kaya agad itong inakbayan ni Asher Jade.

"Sige bro, take your time. And take this." Sabay abot ni Asher Jade ng isang card kay Yuri. "Don't say no bro, you need that." Kaya walang nagawa si Yuri kundi tanggapin ito. Sa kanilang apat ay si Asher Jade ang higit na nakakakilala sa kanya. Kaya alam nito kung kailangan niya ng tulong o hindi. At dahil hindi humihingi ng tulong sa iba si Yuri ay kusang loob itong tinutulungan ni Asher Jade.

"Thanks bro." Pasalamat nito sa kanya. "Your welcome bro, keep your savings safe. Kaya yan muna ang gamitin mo. Sa tamang panahon ay ako ang bahalang gumawa ng paraan to help you. Basta sundin mo kung ano ang dikta ng puso't isip mo. Kung saan ka masaya ay doon ka." Ani Asher Jade. Kaya ginantihan ito ni Yuri ng akbay.

"Anong usapan niyong dalawa?" Takang tanong ng mga kasama nila sa kanila. "Sa amin na lang yun. Bawal ang chismuso." Ang natatawa ng ani Yuri sa kanila.

"Hindi kami chismuso." Dipensa agad ng mga ito na tinawanan lang nilang dalawa. "Oo, hindi sa malaking chismuso. Pero sa maliit na chismuso." Aniya pa sa kanila ni Yuri na kinakamot ng mga ito ng ulo.

"Let's party na lang mga bro." Sigawan naman ng mga ito. Kaya ng magkasiyahan sila ay maging ang ibang bisita na nandoon ay napatingin sa kanila. Ang mga magulang naman nila ay natutuwang makita silang ganun. Dahil nakikita nila ang mga sarili nila sa mga ito.

"Hey! Mukhang kayo lang ang nagkakasiyahan dito." Ani Christine kay Asher Jade. Agad naman niyang pinaupo sa tabi niya ang nobya. Maging si Felicity at Gwenyth ay naupo rin malapit sa kanila.

"Guys, tutal last night na nitong isa dito ngayon ay maglaro tayo ng spin the bottle." Biglang ani Kai sa kanila sabay taas niya ng hawak na bote. "Game." Sigaw ng mga ito. Kaya agad na naupo ang mga ito at naupo sila ng pabilog.

"Okay. Ako ang maunang magspin ng bottle." Nakangising ani Kai sa kanila. "Go ahead." Utos nila sa kanila. Kaya agad niyang pinaikot ang bote.

"Paano ba yan Guerrero, truth or dare?" Nakangising ani Kai kay Sylvan. "Dare." Sagot dito ni Sylvan.

"Okay. Dare. Kung matapang ka ay lapitan mo si tito Axel at sabihin mong gusto mo ang pinsan kung si Alesha." Utos niya ditong kinakamot ni Sylvan ng ulo. Kaya tinawanan nila ito. Agad naman itong tumayo at nilapitan niya ang daddy ni Asher Jade.

"Langya, feeling close ang siraulo." Anang mga itong nakatingin kay Sylvan. Inakbayan kasi nito ang ama nila Asher Jade. Maya't maya ay kampati na itong bumalik sa kanila at tila proud na proud ito sa sarili niya.

"Anong sabi ni tito sayo?" Usisa agad nila dito. "Okay lang daw sabi ni tito. Pero kailangan magtapus muna ng pag-aaral niya si Alesha bago siya pweding ligawan." Sagot niya sa mga ito. Dahil sa naging sagot ni Sylvan ay tinawanan nila ito.

"Okay. Spin the bottle bro." Sabay bigay ni Kai ng bote kay Sylvan. Agad naman itong inikot ni Sylvan at tumapat naman ito kay Asher Jade. "Ehmmm....bro, truth or dare?" Tanong sa kanya ni Sylvan.

"Truth." Sagot nito. "Okay. Laro lang ito bro ha. Virgin ka pa ba bro?" Nakangising tanong sa kanya ni Sylvan.

Bigla naman natawa si Christine sa tanong ni Sylvan kay Asher Jade. "Gusto mo ako ang sumagot." Nakangiti nitong aniya sa nobyo.

"Tsk! What do you think I f*ck a girl? My virginity is only for the girl I love in a right time." Sagot nitong kinasipol nilang lahat. Ng siya ang nagspin ng bote ay tumapat naman ito kay Kai. Kaya bigla itong napatayo sa kinauupoan niya.

"Truth or dare?"

"Truth."

"Crush mo ba ang anak ni ninong Rain?" Tanong sa kanya ni Asher Jade. "Nagbago na ang isip ko. Dare na lang bro." Anitong agad sinapak ni Reid.

"Hindi pwede ang ganyan Monte Silva. Kung crush mo ang kapatid ko, oo at hindi lang naman ang sagot." Seryosong ani Leone sa kanya. "Sana hindi ko na pang sinabi ang larong ito." Kakamot-kamot nitong aniya.

"Wag niyo tanungin yan, kasi duwag yan." Boses ni Lauren na kinaasim ng mukha ni Kai. "Tutubi, hindi ako duwag." Dipensa agad nito sa sarili.

"Talaga lang ha. Eh! Bakit takot kang sagotin ang tanong nila?" Paghahamon dito ni Lauren. "Geez. Fine. I-i.....i-i have a crush on her kahit na ang sama ng ugali niya sa akin." Sagot nito. Matapus nilang marinig ang naging sagot niya ay hiyawan silang magkakaibiga. Lalo pa at nakatingin sa mukha ni Lauren si Kai. Bigla naman itong tinaasan ni Lauren ng kilay.

Halos sila lang ang maririnig mo dahil sa tawanan at hiyawan nila. Nandoon rin ang asaran na hindi na mawawala sa kanilang magkakaibigan.

"Mamiss ko ang ganito habang wala tayo dito." May kahinaang ani Christine sa nobyo. "Me too, baby. Mamimiss ko ang mga siraulo na 'to." Ang nakangiti nitong aniya.

Dahil kinabukasan ay lilipad na sila patungong London ay kaya naman sinulit na nilang magkakaibigan na magkakasama. Mga hating gabi na nang maghiwa-hiwalay silang lahat.

"Kuya, dito daw sila matutulog." Hindi pa man nakakasagot si Asher Jade ay nag-unahan ng sumampa sa kama niya si Kai at Zeus. Si Blaze naman ay pasalampak itong nahiga sa couch. Ng dumating naman si Reid at Dalton ay napailing na lang si Asher Jade. Dahil agad na dinaganan ng dalawa si Zeus at Kai.

"Mga, bro one month from now. Puntahan natin sila sa London." Ani Zeus sa kanila. "Great idea bro, pipili lang tayo ng sasakyang private plane kung ang sa inyo ba o yung sa amin." Pagsang ayun naman dito ni Kai.

"Bro, mamimiss mo ba kami?" Tanong nila kay Asher Jade. "Hindi niya kayo mamimiss." Ani Josh sa kanila na kapapasok lang sa kwarto ni Asher Jade. "Sino ang makamiss sa pagmumukha niyo." Nakangisi niyang aniya sa mga ito na agad binato ni Zeus ng unan.

"Panira ka talaga." Sita nila ditong tinawanan lang ni Josh. "Hindi na kayo mabiro," bigla naman itong nagseryoso. "Hindi nga bro, mamimiss mo ba kami habang wala ka dito. I know kasi mamimiss namin kayo. Mabawasan na kasi kami ng isang gwapo." Anitong nilakipan niya ng biro ang tinuran.

"Mga gago, syempre mamimiss ko ang kapraningan niyo." Sagot niya sa mga ito. "Okay. Group hug mga bro." Ani Kai sa kanila kaya agad nilang niyakap si Asher Jade. Halos dina ito makahinga dahil sa bigat ng mga ito.

"Tangina niyo, ang bigat ng mga balls niyo." Saad niya sa mga itong biglang natawa. "Proud akong pinagpala ako." Ani Zeus sa kanila. Halos humagalpak sila ng tawanan dahil sa tinuran ni Zeus na sinang ayunan naman nilang lahat.

Dahil sa ready na ang mga gamit ni Asher Jade ay nagpasya ang mga itong maglaro ng basketball sa halip na matulog sila. Kaya agad silang pumunta sa basketball court nila at naglaro silang lahat doon.

Pinagbigyan na ni Asher Jade ang mga ito. Dahil kinabukasan ay panibagong yugto na ng buhay niya ang kakaharapin niya. Alam niyang maraming pagsubok ang naghihintay sa kanya pero hanggat nasa tabi niya ang nobya ay makakayanan niya ang lahat. At alam niyang nasa likod lang niya ang mga magulang niya at mga kaibigan. Ika nga wala tayong pagsubok na kakaharapin kung hindi natin ito kayang suungin. Ang lahat ng pagsubok ay bahagi na ng atin buhay upang subukin kung hanggang saan ang ating katatagan.

Kung may isang bagay kang gustong maabot. Siguraduhin mong handa mong gawin ang bagay na yun. Ika nga....Don't watch the clock, do what it does. Keep going. And the better future is waiting for you.
.
.
.
.
End Of Book 1

👉Hanggang dito na lang po muna tayo. Sana mahihintay po ninyo ang araw kung kailan handa na po ang book 2 ng story ni Asher Jade Vergara. At habang wala pa po ang story niya ay babalikan po natin ulit ang story ng tito niyang si JB Vergara Samonte. Sa lahat ng bumasa po ng book one ng story ni Asher Jade ay marami pong salamat. God Bless you all.

JB's story is on the way......

I forget to tell you guys....wala pong ibang title ang story ni Asher Jade. Malalaman niyo po ang continuetion ng story niya dahil dito ko parin po ipopost ang book 2.

The Beast Prince(COMPLETED)Where stories live. Discover now